18. She's mine

4 0 0
                                    

"mukhang masaya kayo ah?" oh no! he's here.

"syempre kailangang mag saya lalo na ngayon na pumayag na si Brena na ligawan ko sya" ano ba naman yan Harry! bakit mo pa sinabi! waaaahh!

"talaga?" malamig na sabi ni Glenn at tumingin sakin.

"noona!" napatingin naman ako sa likod ni Glenn at lumabas dun ang kambal.

"noona we miss you, thank you dun sa cookies!" sabi nila at yumakap sakin, buti naman at ibinigay ni Glenn yung cookies sakanila.

"noona is that true? na totoong noona kana namin?" tanong sakin ni Grei, naguluhan naman ako.

"haha! hindi Grei, hindi nyo sya totoong noona" sabay pat sa ulo nila ni Harry. ano bang ibig sabihin nila?

"bakit ka ba nangingialam?" maangas na tanong ni Glenn kay Harry, oh no! wag naman sana silang mag away dito!

"kung ano ano kasi ang sinasabi mo sakanila!"

"wala kang pakialam kung anong gustong paniwalaan ng kapatid ko!"

"enough!" sigaw ko. nag sisigawan na kasi sila.

"back off Harry! wag ako ang kalabanin mo!" waaaah! ayaw nilang tumugil.

"ikaw ang dapat mag back off Glenn! because she's mine!" sabay hawak nila Harry sa wrist ko, medyo napangiwi naman ako sa sakit dahil mahigpit ang hawak ko.

"H-Harry... masakit..." bulong ko sakanya. agad naman nyang niluwagan ang kapit nya sakin.

"hindi mo pa sya kilala Brena hindi ka dapat mag tiwala ka agad." tinignan ko naman si Glenn.

"oo, salamat sa payo mo, at ngayon hindi talaga kita maintindihan, ikaw ata ang hindi dapat pag katiwalaan Glenn, dahil hindi pa talaga kita kilala." sabi ko at pumasok sa unit ko, nakakaloka sila!

"walk out Queen" biro sakin Harry. nginitian ko na lang sya, at sinabi wala na ako sa mood kaya sa ibang day na lang kami mag luluto, umalis na din sya agad at sinabing mag pahinga na ako.

humiga na lang ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

<Gwen's pov>

"Harry... hindi ko na kaya..." sabi ko at kasabay nun ay ang pag tulo ng mga luha ko.

"sorry Gwen, pero paano si Brena?" napayuko na lang ako, Brena! lagi na lang si Brena!

"Gwen!" tawag nya sakin, pero hindi ko sya nilingon at tumakbo na lang ng tumakbo, hindi ko na talaga kaya, kailangan ko na ng tulong ni ate.

"ate!" tawag ko sakanya.

"oh? anong kailangan ng nerd kong kapatid?" oo, bitch ang ate ko, walang iba kung hindi si Freille, nakakagulat ba? hindi nya kasi ko masyadong pinapansin dito sa school dahil nga nerd ako at maganda sya.

"ate..." sabi ko at nag simula na namang umiyak.

"anong problema?" kahit ganyan si ate, alam kong mahal nya ako at laging nandyan sya para sa akin..

"si Brena ate.. sya na naman.." niyakap naman ako ni ate.

"malandi talaga ang babae na yun, inagaw nya sakin si Glenn at ngayon inagaw naman nya sayo si Harry, wag kang mag alala, mababawi natin sila.

" gagawa ka ng paraan ate?" tanong ko sakanya. nginitian naman nya ako.

"tayo Gwen, tayo." nakita ko naman ang maala demonyo nyang ngiti. buti na lang talaga may bitch akong ate.

mag handa kana ngayon Brena! itunuring pa naman kitang kaibigan? malandi ka rin pala! akala mo napaka linis na babae sa panlabas madumi din pala ang pagkatao!

bigla naman nag ring ang phone ko, unknown number pero sinagot ko pa din.

"hello? sino to?" magalang na bati ko.

[wag mo ng ituloy ang plano mo Gwen, or let's say plano nyo ng ate mo, or else? alan mo ng mangyayari sa inyong mag kapatid, wag na wag kang haharang sa dinadaanan ko dahil sisiguraduhin kong sasagasaan ka at hindi kana mabubuhay pa]

kinilabutan naman ako sa sinabi nya, sino ba sya? bakit alam nya na may plano kami ni ate?

biglang pumasok na utak ko si Brena, hindi! hindi naman ganun ang boses ni Brena eh!

"hoy! tulala ka na naman!" nagulat na lang ako ng may sumampal sakin, ang bwisit pala na si james.

"bakit ka nandito!?" sigaw ko sakanya, ang alam ko ay nasa states to!

"masama bang dalawin ang future Wife ko? ang bagal kasi ni Harry eh!" naiinis ako lalo, sya ang dahilan ng lahat ng to, mamatay na sana ang lalaki na ito, kung hindi lang sya umepal siguradong masaya pa din kaming dalawa ni Harry ngayon, at hindi nya lalapitan ang malanding Brena na yun! dapat si Brena na lang ang inasawa nya!

"sus! namiss mo lang ako for sure, don't worry honey, mag kasama na tayo ulit" tumayo na ko at iniwan sya, baka mapatay ko pa ang lalaki na yun, epal sya sa buhay ko, kung hindi lang kasalanan ang pag patay, malamang napatay ko na talaga ang lalaki na yun.

"Hi Gwen!" and speaking of the bitch.

"oh? Brena? how are you? ngayon ka lang nag pakita ah? hindi ka kasi nakapasok nung last day" tss, syempre kahit papano naging mag kaibigan kami kaya concern ako sakanya.

"ah, nag kasakit kasi ako nun" tss, nag kasakit? baka mag kasama kayo ni Harry, mag hintay ka lang Brena, mababawi ko din sya.

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon