16. Confession

8 1 0
                                    

<Brena's pov>

pumunta kami ni Glenn sa isang resto na pag aari daw nila wow naman! big time pala ang lalaki.na to!

katulad ng dati, lamang dagat na naman ang inorder nya, shokoy ba sya? tss. pero okay lang yun libre naman nya! hahaha.

"so? kamusta nga pala yung mga kapatid mo?" pag open ko ng topic, napaka tahimik kasi ng atmosphere at yun ang napansin ko tuwing kumakain kami. tahimik lag talaga sya katulad ni ate Nathalie nung kumain sya noon kasabay namin sa cafeteria.

"okay lang naman, ano ba yan pati ba naman dito...hjagdjgsjgfksjd"

"ha?" tanong ko dahil hindi narinig yung sinabi nya.

"wala, sabi ko kumain na lang tayo!" tss, bakit kasi puro sea food ang kinakain nya!?

"bakit ba puro sea food to? lamang dagat ka din ba?" tanong ko sakanya habang tinitignan lahat ng pagkain.

"kasi nga diba? nasanay ako na laging kasama si ate Nathalie? favorite kasi nya ang sea food ano? tatawagin din ba syang lamang dagat?" kinilabutan naman ako at isang napaka bilis na iling ang ginawa ko, baka mamaya may cctv dito at narecord ang pag uusap namin naku! baka malaman ni ate Nathalie baka patayin nya ako!

"nga pala!" sabi ko at kinuha sa bag ko ang isang maliit na box na naka balot.

"for you!" confident na sagot ko.

"ano to?" curious na tanong nya at kinalog.

"wag! baka masira!" pigil ko sakanya, o sige! sasabihin ko sa inyo ang laman nun! music box yun na pina customize ko pa talaga para sakanya. instrumental yun ng Thinking of you ni Katy Perry dahil naaalala ko kasi yung nerd na yun tuwing nakikita at nakakasama ko si Glenn.

"ha? okay, sa unit ko na lang ito bubuksan mamaya" tumango na lang ako, sana naman magustuhan nya.


pagkatapos naming kumain ay nag laad lakad muna kami sa park kahit 8:00 pm na go pa din kami, haha okay lang naman daw dahil si Kuya Kurt daw ang nag babantay sa kambal at hindi si ate Nathalie.

"so? pag ka graduate? anong balak mo?" napa isip naman ako sa tanong nya, dahil actually ayokong gawin ang mga pina plano ko after ng graduation.

"wala pa naman, ikaw?" what a liar Brena! pero kailangan ko munang itago ito.

"ako? haha sabi ni ate Nathalie papatakbuhin ko na daw ang company na iniwan ng pamilya ko, kailangan ko din namang gawin yun dahil alam kong ilang taon na lang ay mag papakasal na sila ni Kuya Kurt, ayoko namang syang pahirapan dahil alam kong magkaka anak din sila kasabay nun ay pinapa takbo nila ang companya ng mga pamilya nila" mahabang paliwanag nya, dahil sa ka daldalan nya ay napa upo na lang din kami sa isang malapit na bench.

"ikaw ba? ikaw din ba mag papatakbo ng company ng pamilya nyo?" natawa naman ako sa tanong nya,

"my parents, hindi pa sila sure eh" this time sya naman ang natawa, alam ko ang iniisip nya, iniisip nyang hindi ako kayang pag katiwalaan ng pamilya ko pag dating sa pag h-handle ng company. tulad kanina kailangan ko na namang mag sinungaling para manatiling naka tago ang  ang nag iisang lihim ko.

"kasi gala daw ang bata, tulad nito nasa Pilipinas na naman ako para balikan ang nerd na yun tapos ang company namin nasa States, oh diba? syempre gusto nila yung naka stay lang ako" tumango naman sya, sorry Glenn, kahit medyo tinuturing na kitang kaibigan kailangan kong mag sinungaling eh. Oh God! patawarin mo po ako!

"nga pala? yung kapatid ni Harry? nandun pa ba yun sa bahay ni Harry?" tinignan naman nya ako ng masama, bakit? nagtatanong lang naman ako ah!

"wala na si Chelsea dun, nasa parents na nya ulit." simpleng sagot nya,

"galit ka ba kay Harry? yun kasi ang napapansin ko, tuwing mag kikita kayo, ang sama lagi ng tingin mo, tuwing napapagusapan naman sy, ang sama pa din ng tingin mo, ano bang meron between you and him? baka naman LQ kayo? hihi!" natawa naman talaga ako sa huling sinabi ko hahaha.

"anong tingin mo samin? bading! medyo may hindi lang kami pinagkasunduan na bagay" sabi nya at tumingin sakin. wow! at para saan naman ang tingin na yun?

"h-ha? ano naman yun?" medyo awkward! naka tingin parin kasi sya sakin.

"ikaw" mukhang nabingi naman ako sa sinabi nya at pina ulit ko pa.

"ano?" sige lang Brena! mag bingi-bingihan ka pa!

"tss! bingi ka pala! sabi ko ikaw ang hindi naman pinag kasunduan!" sigaw nya! grabe lang ha! masakit kaya sa tenga!

"bakit naman ako!? wala naman akong ginagawang masama ah!" kaasar to! ako pa ang ginawa nyang dahil para hindi sila mag ka ayos ni Harry!

"sinabi ko kasi na layuan kana nya, pero hindi nya ginawa kaya sinapak ko sya" nag flashback naman sa utak ko yung araw na nag usap kami ni Gwen at dumating si Harry at dumating si Glenn at sinabing mag uusap sila, pero kinabukasan nakita ko si Harry at inabot sakin ang isang invitation at may pasa sa gilid ng labi nya, at yung araw na nalunod ako, ang sabi nya, sinapak sya ni Glenn dahil sinabing nyang hindi nya ako papapuntahin sa party Glenn, so? nag sinungaling sakin si Harry?

"ano naalala mo na?" tanong sakin ni Glenn siguro lumipad na naman ang utak ko.

"ikaw ang dahilan nun! bakit mo naman yun ginawa!" sigaw ko sakanya.

"kasi nga ayaw ka nga nyang layuan!" sigaw nya.

"eh bakit mo naman sya gustong lumayo sakin! ano ba kita!" sigaw ko din sakanya. bigla namang nag bago ang expression ng mukha nya, no! let me rephrase it. nawalan naman ang expression ang mukha nya at as in blanko lang ang makikita mo sa mga mata nya.

"yeah right, ano nga ba ako sayo? wala naman. tara, 9:00 pm na din nag hihintay na yung kambal" sabi nya with cold tone at naunang pumunta sa sasakyan nya. nakonsensya naman ako sa sinabi ko, manhid ba ko? so? ang gusto talagang iparating ni Glenn ay may gusto sya sakin. kyaa! Brena! what have you've done! ayoko naman kasing maging feeler kaya nung nasa sasakyan kami ay tinanong ko sya.

"so? may gusto ka sakin? yun ba yung ibig sabihin  mo kaya pinapalayo mo si Harry sakin?" kahit kinakabahan ay nag lakas loob akong itanong yun sakanya, gosh! nakakahiya kapag nag false alarm to!

"kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko" malamig pa din ang tono nya, yaaaa! totoo nga may gusto sya sakin! bakit kasi hindi na lang sya nag confess sakin! tss!

"where here." natauhan naman ako ng makarating kami sa parking lot ng condominium, nandito na pala kami masayado naman akong na spaced out.

sumakay na kami sa elevator at hanggang sa makalabas kami ay wala pa ding nag sasalita sa aming dalawa.

"Hyung!" sigaw ng dalawang bata na nag aabang sa labas ng pinto.

"salamat kuya Kurt" sabi nya tumango lang si Kuya Kurt at tinapik sya sa balikat, ng mapadaan naman sya sakin ay ngumiti sya, gusto ko mang kiligin ay hindi pwede dahil boyfriend na iyun ni ate Nathalie plus, ganito pa ang sitwasyon naming dalawa ni Glenn at dahil sa sobrang ka spaced out ko na naman, nakapasok na pala sila sa unit nila at ako na lang ang naiwan dito sa labas, napa hinga na lang ako ng malalim at pumasok na din sa unit ko.

------

"argh!" frustrated na sigaw ko! paano ba naman hindi ako makatulog! kinulam ata ako ng Glenn na yun!

tumayo at pumunta sa balcony pero bago yun ay sinilip ko muna ang cellphone ko at nakitang 2:00 am na pala.

"fresh air.." tanging nasabi ko pagkapunta ko sa balcony, umihip kasi ang malakas na hangin.

napaatras naman ako ng konti ng mapansing umuulan pala, kaya mahangin at malamig dito. natawa naman ako sa sitwasyon ko at napakanta ng ilang linya ng kanta ni Taylor Swift.


"but I miss.. screaming and fighting and kissing in the rain, its 2:00 am but I'm cursing your name" haha. umupo na lang ako sa isang upuan na nasa tabi ng coffee table, yumuko ako dun at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon