14. miss him?

4 1 0
                                    

2 weeks na din ang nakalipas simula ng aksidente na iyon. simula nun hindi na ko pinapansin ni Harry kahit na mag kasalubong kami ay hindi manlang nya ko tinitignan, samantalang dati hihinto pa sya parablang asarin ako na ang panget na daw ng araw nya kasi nakita na nya ko. hay.. namimiss mo ba sya Brena? geez! nakokonsensya pa din ako sa mga sinabi ko tungkol sakanya!

"okay class dismiss!" nagulat naman ako ng sabihin yung prof. namin, 2 weeks na din akong hindi nakikinig sa mga prof. grabe! ilang araw na lang at mid term na namin!

"Hi Brena! any plan today?" tanong sakin ni Gwen. nginitian ko na lang sya ng mapait.

"any problem? care to share?" tanong nya ulit. parang kailan lang ako yung nag ta-tanong sakanya mg ganun haha.

"wala, may lakad kasi ko today" palusot ko, sa totoo lang gusto kong mag isa.

"ay ganun? sayang gusto ko pa namang makipag bonding sayo! pero sige next time ha?" sabi nya at yumakap sakin, ewan ko pero parang gumaan ng konti yung pakiramdam ko.

"oo babawi ako sayo next time buong araw tayong mag b-bonding" natuwa naman sya sa sinabi ko, at nag paalam na uuwi na sya.

pumunta na akong parking lot at sa hindi inaasahang pangyayari nandun din si Glenn, kissing another girl.

lalapitan ko sana sya para maka usap pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko at napahawak ako sa ulo ko, gosh! ang sakit ko! umaatake na naman.

napapikit ako sa sakit, oh my! bakit ngayon pa!

"Brena are you alright?" napilitan naman akong idilat ang mata ko at nakita si Harry, the only man who always there for me.. paano kapag nahulog nga talaga ako sakanya? gusto ko syang mahalin pero parang may pumipigil talaga sakin.

"w-wala head ache lang siguro to hehe" palusot ko dahil sa totoo lang napaka sakit na talaga.

"ihahatid na kita sa unit mo?" insist nya.

"no thanks, kaya ko naman tsaka may gamot ako sa kotse iinom na lang ako para mawala yung sakit." hinatid naman nya ako sa kotse ko at sinuguradong iinom ako ng gamot. nag paalam na din ako na uuwi na ko kaya pinaandar ko ang kotse ko.

dumiretso ako sa isang ospital.

"oh? Ms. Loiuse after 7 years your back" sabi ng doctor ko. si Mrs. Cruz.

"ahm.. sumasakit po kasi ulit ang ulo ko kaya nandito po ako para mag pa check up.

tumango naman sya sakin at inihanda na ang mga gamit nya.
----
after 2 hours ay natanggap ko ang result, at confirm andun pa din ang sakit ko, tinignan ko din ang reseta, hindi ko na ito bibilhin dahil wala din naman itong epekto.

nag mall na lang ako para mawala sa isip ko na meron pa din akong sakit hanggang ngayon, baka maiyak lang ako at masabihang baliw ng makakakita sakin..

" baka 20-25 years lang ang itagal ng anak nyo.."

sumagi na naman sa utak ko ang unang sinabi ng doctor noong unang check up ko, 20 years old na ako at siguradong bilang na taon na lang ang itatagal ko.

napadaan naman ako sa arcade part ng mall at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko si Ms. Nathalie na nakaupo sa labas ng arcade samantalang ang boyfriend nyang si Kurt at pinalilibutan ng mga babae habang nag lalaro ng basket ball.

nakita ko ni Ms. Nathalie na nakatingin sakanya. nginitian naman nya ako ng matamis, alam kong totoong ngiti iyon.. dahil hindi ako kinilabutan, ewan ko pero sa ngiti na yun ay parang nakita ko sa mukha nya si Glenn, hay naku! nginitian ko na lang din sya at nag lakad lakad na ulit.

napadaan naman ako sa flower shop kung saan ko binili yung flower ni lola, hindi ako nag dalawang isip at pumasok sa loob ibibili ko si Glenn ng flower, peace offering ko na din to sakanya, baka mamaya mawala na lang ako bigla sa mundo hindi ko man lang sya nabigyan ng gift.

"Good Evening ma'am what kind of flower po?" tanong sakin nung babae na siguro ay staff, pero napako ako sa kinatatayuan ko ng makita dito si Glenn.

"buying flowers?" tanong ko sakanya at kunwari nagt-tingin tingin ako ng bulaklak.

"yeah, for Freilli" ewan ko ba! kanina pa tong kirot sa dibdib ko wala naman akong sakit sa puso! sa ulo lang!

"ah.." sagot ko at akmang lalabas na ng shop pero nag salita ulit sya.

"ikaw bakit ka pumunta dito?" tanong nya, hindi ko sya nilingon pero sinagot ko naman ang tanong nya.

"buying flowers for someone pero sa tingin ko hindi na kailangan" sabi ko at lumabas na, grabe! napaka dami naman nyang babae, play boy ba sya? or maybe she's courting Freilli kasi diba patay na patay sakanya ang babae na yun, baka na fall na rin sya kay Freilli! ano ba yan Brena! why are acting like that! tss.

bumili na lang ako ng cookies, naalala ko kasi yung kambal na kapatid ni Glenn, kahit makulit yun, namimiss ko din sila.

pumunta na akong parking lot at umuwi na.
---

*kriiiing*

ano ba yan! papasok pa lang ako sa unit ko may tawag na agad!

"hello?" tanong ko. dahil hindi ko naman tinignan yung caller hinahanap ko pa kasi sa bag ko yung card ko para maka pasok na unit ko.

[anak sabi ng doctor lumala na daw ang sakit mo.. gusto mo na bang umuwi dito..] it was mom pala.

"no mom i want to stay here, besides konting araw na lang din naman siguro ang itatagal ko.." narinig ko naman ang mahinang hikbi ni mom.

[anak.. we miss you.. uuwi kami as soon as possible] sabi nya at binaba nya ang tawag, tumulo na din ang luha ko nakanina ko pang pinipigilan, nalulungkot ako para sa parents ko at hindi para sakin..

"why are you crying noona?" nagulat naman ako na nasa tabi ko na pala yung kambal at nag bubukas ng pinto si Glenn.

"tara na" sabi ni Glenn sa kambal pero naka tingin lang sila sakin.

"w-wala to, problem lang siguro" sabi ko at pinat sila sa ulo at pumasok na sa unit ko.

nag bihis na ko ng pantulog at hindi na nag abala pang kumain.

pumunta naman ako sa balcony ng kwarto ko at tumingin sa langit ang daming stars! pero may isang star akong hinahanap, nawawala sya ngayon, ewan ko pero napa kanta na lang ako habang nakatingin sa langit..

"please.. don't see, just a boy caught up in dreams and fantasies...

please see me reaching out for someone I can't see.."  haha nakakatawa yung lyrics! sino naman kaya ang makakakita sa kalagayan ko ngayon.

"take my hand let's see where we wake up tomorrow.." makikita ko pa nga ba ang kinabukasan ko sa kabila ng sakit ko?

"best laid plans sometimes are just a one night stand..

I'de be damned Cupid's demanding back his arrow.." nasaan na kaya yung nerd na nakilala ko noon? ano ba yan baka mamatay ako hindi ko pa din sya nakikilala.

"So let's get drunk on our tears and.." biglang na lang tumulo ang mga luha ko.. ang iyakin ko naman!

"God.. tell us the reason youth is wasted on the young..
It's hunting season and the lambs are on the run..
Searching for meaning..
but are we all lost stars, trying to light up the dark?.."

lahat naman ng tao ay parang stars.. nag bibigay liwanag sa iba.. kaya sa oras na nawala tayo siguradong sila din yung makakaramdam ng lungkot.

sino nga ba ang star ko? sino ang nag bibigay liwanag sakin? kailangan ko sya ngayon.. dahil kailangan kong lumaban sa sakit ko, gaganti pa ako sakanya! para syang lost star.. ang tagal din nyang nawala. teka? sya nga ba ang nawala o ako?

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon