One

43 2 3
                                    

Kassandra's POV

"Goodmorning mama! :)"
Masigla kong bati kay  mama at dumiretso na sa dining area para kumain

May date kasi kami ni Gio ngayon and guess what? One month nalang at anniversary na namin. :)

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis naka blue dress ako at sandals na flat then kinuha ko na yung shoulder bag ko at bumaba na dahil narinig ko na ang sasakyan ni Gio

"Goodmorning Gio! :)"

"Shhh. Ang ingay mo Kass."

"Ay sorry. :)"

Habang nasa sasakyan kami on our way to ewan ko dito kay Gio ay pansin kong kanina pa siya tingin ng tingin sa phone niya. Hindi kaya may babae siya? Wala naman siguro may tiwala ako sakanya.

"So anong plano mo ngayon? Anong kukunin mong trabaho? Gusto mo tulungan kitang ipasok bilang nurse sa hospital namin?"

Alok sa akin ni Gio habang kumakain ng lasagna

Bata pa lang ako gusto ko nang mag artista isasali nga sana ako ni Mama sa star circle quest dati kaso sinabayan naman ng Dengue ng kapatid ko kaya hindi kami nakaluwas ng Manila noon. Pero sabi ko sa isip ko ayos lang baka hindi pa yun yung oras para ma discover ako.

"Ah. Gio gusto ko sanang mag audition sa Star Magic sa Manila kasi diba matagal ko nang pangarap yon?"

Sagot ko habang kumakain naman ng Hawaian Pizza

Medyo sumimangot naman ang mukha ni Gio sa di ko malamang dahilan may nasabi ba akong mali? May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan?

"You can't."

"A-ano?"

"Hindi pwede. Delikado sa Manila at ano ang akala mo don? Parang probinsya lang magulo don Kass."

Para akong binuhusan na malamig na tubig sa sinabi niya ibig sabihin parang ayaw niyang makamit ang pangarap ko? Ganun ba yun? Ang sakit lang isipin kasi buong akala ko susuportahan niya ako sa lahat ng gusto ko pero parang kabaligtaran lang pala ang mangyayari

"Ah. Sige okay lang naiintindihan ko naman."
Tapos I gave him a fake smile kahit na ang totoo gustong gusto kong umiyak sa harapan niya at magmaka awang payagan niya ako.

Kasalukuyan ng date namin ay naglibot libot kami sa Mall at ipinag shopping niya ako since ako ang nanlibre sa amin last Monthsary namin. Binilhan ako ni Gio ng mga Shorts at Crop Top kahit na hindi naman ako nagsusuot ng ganun at binilhan niya rin ako ng Doll Shoes.

Habang nakaupo kami sa Benches ng Mall ay nagulat nalang ako ng may babaeng biglang lumapit sa amin I mean kay Gio.

"Hiii Gio!"
Tapos nakipag beso beso pa siya kay Gio na agad namang kinagulat ko at nagyakapan pa sila sa harap ko.

Hello! The girlfriend is here!

"So kamusta na?"

"Okay lang ikaw?"

Wow Gio balak mo ba akong ipakilala sa Babaeng yan?

"Ah mag isa ka lang? Tara lunch tayo?"

Tanong ng babae at parang na offend ako no hindi parang NA OFFEND talaga ako ano tingin niya sakin? Alipin ni Gio? The hell!

Akmang aawayin ko na sana yung babae nang bigla akong manigas sa sinabi ni Gio

"Kass. Dito ka lang okay? May pupuntahan lang kami. Ah by the way Ienna this is Kass my Friend."

Ano daw friend? Baka nabingi lang ako or what pero alam niyo ang sakit. Ang sakit isispin na ipinakilala pa ako ni Gio as a friend sa Ienna na yun gusto kong umiyak at sana isipin na isa lamang itong masamang panaginip.

Gio How could you do this to me?

Nang nakalayo na sila ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko kaya tumakbo nalang ako at umalis sa lugar na yon at dumiretso ako sa comfort room para ayusin yung itsura ko.

Bakit ganun? Kahit na ang sakit sakit na nang nangyari hindi ko pa rin magawang isipin na hiwalayan si Gio?

May narecieve akong text ni Gio at sabi niya  hintayin ko siya sa parking lot at mag uusap daw kami kaya sumunod nalang ako I need an explanation sa nangyari kanina

Nasa parking lot na ako pero wala pa rin si Gio halos 30 minutes na nga akong naghihintay pero wala pa rin.


Should I really surrender my dreams for him?


After another 30 minutes ay dumating na rin si Gio nagulat nalang ako sa ekspresyon ng mukha niya nakangiti at parang wala siyang problema.


"Ba-bakit mo yun ginawa kanina?"
Nanginginig kong tanong kay Gio

"It was just an old friend."

"An old friend pero may ganung kaganapan Gio alam mo ayos lang sana sakin kung namasyal kayo at hindi mo ako iniwan don at ang mas malala pa pinakilala mo lang ako bilang Kaibigan! Ano bang problema natin Gio ha?! At ganun mo nalang ako kung itanggi sa mga tao!"

Hindi ko namalayan na unti unti na akong umiiyak uli at parang wala lang sakanya lahat nang nangyayari ngayon sa amin

Tell me Gio mahal mo pa ba ako?


"Kaunting bagay ang init agad ng ulo mo."

"What?! You think hindi masakit yung ginawa mo sakin ha?! Gago ka ba!"

Saktong hininto niya ang kotse niya sa kanto namin at muntik na akong mauntog dahil sa biglaang pag preno nito



"I need space Kass. Cool off muna tayo."









After that day hindi na kami nag uusap pa ni Gio ang sakit. Yung araw araw gusto mo siyang makasama o maka usap pero wala. Hindi mo magawa. Minsan nga inisip ko mahal niya ba talaga ako?

Kasi ako. Oo mahal na mahal matagal na. </3










***

My One Great LoveWhere stories live. Discover now