Eighteen

9 2 0
                                    

Kassandra's POV

"Pizza Girl ka talaga."
Comment sa akin ni Raven habang kumakain ako ng Pizza dito sa bahay.

Yes, pina stay ko muna siya dito sa bahay dahil wala akong makausap, ang abnormal ko rin eh no? Kanina halos sungitan ko na siya ngayon ang bait ko na hahahah.

"Well, ganun talaga. Sarap kaya ng Pizza."

"Mas masarap ang Lasagna."
Sagot nito

"Pizza"

"Lasagna"

"Pizza"

"Lasagna"

"Pizza"

Psh! Teka, bat ba namin to pinagtatalunan?

"Magkaiba tayo ng taste period."
Sagot ko at nagpatuloy lang sa pagkain ko after non pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig laking gulat ko nalang ng nakasunod pala sa akin si Raven at napatingin nalang siya sa mga litrato naming magpapa milya

"Ku-kuya mo si Kandid?"
Malamig na tanong nito at tila parang nag aapoy pa ang mata nito sa Galit

"Oo. Pogi niya no?"

Tapos hindi niya ako sinagot patuloy lang siyang nakatingin sa litrato at napabuntong hininga nalang siya bigla.

"May Girlfriend ba kuya mo?"

"Hmm. Sa alam ko, wala na. Alam mo sayang nga eh break na sila yung ex nya na ngayon yon lang ang tanging babae na sineryoso niya."

Tumingin ako sakanya tapos bigla nalang siyang napahawak sa noo niya

"Mauna na ako."

"Ah. Sige gusto mo hatid kita sa labas?"

"NO."
Mariin na sabi nito at lumabas na ng bahay.

Problema non? Parang siya pa ata may dalaw ah. At tsaka bakit parang ang bigat ng Aura niya kay Kuya Kandid?

Tinignan ko nalang ang mga litrato hanggang sa mahagip ko ang litrato namin ni Gio nung una kaming nag date sa Enchanted Kingdom.






Raven's POV

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdam ko sa nalaman ko, kung dapat ba akong magalit o hindi. Masyado nang gulong gulo ang isip ko! Kaya napahawak nalang ako ng mahigpit sa manibela.

"Kapatid ni Kass ang lalakeng nanakit sa kapatid ko."
Bulong ko sa sarili ko.

^^^





Kinaumagahan ay dumiretso na agad ako sa set kasama ang P.A ko  next week daw pupunta kami ng Ilocos para don namin i shoot ang ibang scenes.

Pagdating ko sa set ay binihisan at inayusan na agad ako ng P.A ko pagdating pa lang ni Kass ay tila wala akong maramdaman. Gusto kong magalit pero hindi ko kaya.

"Hi Raven!"
Makulit na bati nito sa akin.

"Hello."
Cold na sabi ko dito

After non nag start na ang shooting at bigla akong napatigil sa scene namin na ngayon ay nakahawak ako sa bewang niya at kamay niya. Dahil muntik na siyang madulas

"Ingat ingat Ms. Bea mamaya hindi na sa floor ka mahulog mamaya pati sa akin."
Sabi ko dahil yon ang nakasulat sa Script

Biglag bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa mata niyang color Brown at napaka pungay. Lalo akong nagandahan sakanya ng mapansin kong ang haba ng pilikmata niya.

"Cut!"
Sigaw ni Direk ngunit parang ayaw ko pang kumawala sa posisyon namin ngayon.

"Raven!"
Bigla akonh natauhan sa sigaw ni Direk pagharap ko sakanya nakangiti ito na para bang nang aasar

"Baka naman ikaw ang mahulog sakanya hindi siya. Oh siya! Breaktime na!"
Sigw ni Direk at napabitaw ako kay Kass

Ano bang nangyayari sa akin! Minsan hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Psh. Nakakahiya. Mamaya isipin ni Kass na may gusto ako sakanya.

Hala! Ako lang naman ata nag iisip non. Psh!

Nang walang ano ano'y namalayan ko nalang na naglalakad na ako papalalit kay Kass sa Garden at nakita kong may kausap siya. Parent's niya siguro I guess?

Lumapit ako kaunti sakanya para marinig kung sino ang kausap niya ngunit nagtgo ako ng kaunti

"Ta-talaga po mama? Sige pupunta na po ako diyan! :)"
Sabi niya at nagmadaling tumakbo papunta sa Mansion.

Weird talaga ng babaeng yon. Psh.

"So, anong meron sa Hospital?"
Tanong ko habang sinusundan ang Gps ko papuntang District Hospital para samahan tong babaeng to ewan ko kung sinong bibisitahin, boyfriend niya siguro? Psh.


Imbes na sagutin ako ay nakatanga lang siya na nakangiti habang nakatingin sa daan.

"Hoy!"
Sigaw nito at para itong tangang nagulat sa sigaw ko.

"Sinong bibisitahin natin?"

"Naten?"
Diniinan niya pa yung salitang NATEN

"Edi ikaw."

"Secret! Just wait, papakilala rin kita."
Sabi nito at tumingin ulit sa daan.

Baka naman boyfriend niya? Naaksidente, na coma or what? Teka bat ba ako kinakabahan? Psh. Relax Raven

After non, nakarating na kami sa District Hospital nagsuot ako ng shades bago bumaba dahil baka dumugin ako ng mga tao. XD

"Sus. Naka shades pa, taas ng araw ah."
Pang aasar ni Kass sa akin tapos lumabas na ng kotse habang naglalakad nahagip ng paningin ko ang isang batang lalake habang hawak niya ang kamay ng isang batang lalake rin, magkapatid siguro? Magkamuka sila eh.

Bigla nalang tuloy akong naluha ng kaunti, buti nalang at naka shades ako hindi halata.

Malayo palang ay tanaw ko na ang pagmumukha ni Kandid nang magkatitigan kami ay nag iwas lamang ito ng tingin, yung kapatid naman si Kass na si Sid (kassidy) ay nagpapicture sa akin at niyakap ako sa sobrang kilig while yung bunso nilang si Kaylie busy sa paglalaro ng Angry Birds.

Pinagsuot ako ng labcoat ni Kass at isinama sa loob ng room kung saan nakita ko ang isang lalaking may malaking ngiti kay Kass at halos maluha ng magkita sila.
















---> o_O
Ganyan ang reaksyon ko ng makita ang sinasabi ni Kass kanina. Akala ko naman boyfriend niya ang ipinunta namin dito dahil sa sobrang saya niya. Ngunit Papa niya pala. Ang sarap at ang saya nila tignan. How I wish ganyan din kami ni Papa.

Kung maibabalik ko lang ang oras ginawa ko na.




"Ah. Papa this is Raven----"
Hindi pa natatapos ni Kass ang sasabihin niya nang biglang napangiti ang papa nya naningkit ang mata nito.

"Boyfriend mo? Well, I like him for you Kass."
Tapos tumingin sa akin yung Papa niya

"Take Good care of my daughter."

"Ah. Hindi po Pa, siya po yung sinasabi kong ka trabaho kong artista, kaibigan ko lang po siya."


Kaibigan LANG? Wow. Nilalang mo lang yun Kass ah? Teka, bakit ba parang napaka big deal sa akin non?










***


My One Great LoveWhere stories live. Discover now