Kassandra's POV
"Ma! Ate, Kuya, Kaylie!"
Salubong ko sakanila kahit na pagtinginan pa ako ng mga tao."Oh bakit anak?"
"Ingay mo ate."
"Kass bakit?"
"Si ate talaga napaka ingay."
"May trabaho na po ako ma! Mapapa opera na po natin si Dad!"
"Congrats anak!"
"Anong trabaho yan Kass? Naunahan mo pa kami ni Kassidy ah."
"Leading lady po sa isang show."
At bigla silang nanahimik na akala mo ay may anghel naman na dumaan haler? Masaya ba sila or what?
"Tinanggap mo yung offer ni Fafa Raven?"
Tanong ni Ate Kassidy"Yup."
Sagot ko at tsaka naman sila nag ingay dahil sa saya. After non umuwi na ako para makapag prepare bukas nagtext kasi sakin si Direk na bukas daw ang shooting namin para saTrailer ng teleserye na pinamagatang "Road To Forever."
May halong kaba akong naramdaman sa kadahilanang baka magalit sakin si Gio and at the same time ay excitement.
Nahiga na ako sa malambot kong kama at nag pray kay God.
I thank him for everything and I wish na sana maging successfull ang operation ni Dad.
After 30 mimutes ay hindi pa rin ako makatulog. Aish! Kaya I decided nalang na mag IG
It's been a month since nag upload ako nang picture sa Instagram kaya nag selfie ako para may mai upload naman with the caption
#I'veMadeIt!
Scroll down lang ako ng scroll down ng may nahagip ang paningin ko woah. I did't know fino-follow ko pala si Ienna sa Ig
Nagpost siya ng isang litrato na Magandang Beach at maayang tanawin with the caption "were here" tapos nakatag pa kay @SuperGio
Hayys. Hindi manlang nagparamdam si Gio sa akin mejo sumikip ang dibdib ko and at the same tumutulo nanaman ang mga luha ko.
I turned off my phone and natulog na.
"Your'e late Ms. Vispo."
Eto agad ang bungad sa akin ng nakasimangot naming Director naku! Kung alam niyo lang kung anong traffic ang naranasan ko kanina"Sorry po na traffic lang po eh."
"It's okay."
Tapos pina review na sa amin ang mga lines na sasabihin namin mamaya. 1st day palang ito pero kinakabaham na agad ako. Wishing na sana maging successful at huwag akong pumalpak.
Nang masilayan ko ang mukha ni Raven ay nalaglag ang panga ko dahil sa gwapo nito. Naka Tuxedo siya tapos nakataas ang kanyang buhok at namumula ang kaniyang pulang labi at mapupungay ang kaniyang mga mata.
Agad ako nag iwas ng tingin ng bigla siyang napangisi. Shit!
So, naka floral dress lang ako at naka messy bun ang mahaba kong buhok at Naka doll shoes lang ako. My role here is isa akong probinsyana and this part na shino shoot namin ngayon ay ang first encounter namin.
Naka ilang takes kami kasi palagi nalang akong nauutal sa tuwing ako na ang nagde deliver ng lines. Hindi naman nagagalit si Direk pero ramdam kong naiiirita na siya kasi paulit ulit nalang naming ginagawa yung scene na to.
"Cut!"
Sigaw ni Direk"Ano ba Kass? Hindi mo ba aayusin yang trabaho mo ha?"
"Ah. Sorry po kinakabahan lang po ako."
"Well, hindi ka nababagay dito kung kinakabahan ka lang din!"
Sigaw sa akin ni DirekFeeling ko napahiya ako sa buong staff ngayon lalo na kay Raven na di ko alam kung bakit pinigilan ko nalang ang pagtulo ng luha ko at nag take ulit kami and gladly naging maayos naman na yung pag deliver ko nang lines.
Pinag pahinga muna kami saglit para magkaroon kami ng energy sa next scene mamaya.
Naku! Nakalimutan ko pala yung hinandang baon para sa akin ni Mama kanina Aish. Gutom na gutom na ako
Kaya nagpaalam ako kay Direk na bibili lang ako ng meryenda sa Seven Eleven na ilang kanto lang naman ang layo pero laking gulat ko nang bigla nalang sumabay sa akin si Raven sa paglalakad.
Ang awkward at nakakahiya inaway away ko pa siya noon tapos tatanggapin ko rin pala ang offer niya.
"Uhm. Sorry nung first encounter natin ha."
I said as I broke the silence between usTumingin lang siya sa akin at ngumiti.
"It's okay naiintindihan ko naman kayong mga babae."
Naiintindihan? Hala bakla ba to? Sayang ang pogi naman.
"Hala bakla ka?"
Tinapunan niya ako ng matalim n tingin at agad akong nag peace sign sakanya.
"Hehe. Sorry sabi ko nga lalake ka."
"Teka bat kaba sumama?"
"Bakit? Masama bang bumili ng pagkain kapag gutom?."
Aba namimilosopo ka pa ah
"Ahy. Hindi."
Nang makarating na kami sa Seven Eleven ay bumili nalang ako ng Hotdog nila at Slurpee ako na sana ang magbabayad ng kakainin ko nang bigla akong sinabayan ni Raven sa counter at inilapag niya yung 500 pesos sa counter.
Nanalaki ang mata ko sa ginawa niya habang yung cashier ay titig na titig sakanya nang tignan ko si Raven ay Nagulat ako ng bigla niya akong kindatan I saw in my pheriperal vision na parang nakasimangot na yung Cashier at padabog na ibinalik kay Raven yung Barya niya.
"Thanks sa Libre ah."
"No problem."
Sagot nito sabay bukas ng kaniyang inorder na Gatorade.Habang paubos ng paubos ang pagkain naming dalawa ay tsaka naman kami maraming napag usapan although nahihiya ako ng konti ay nagawa ko pa rin siyang kausapin.
"Naku were almost 30 minutes late na sa shooting tara na nga."
Aya nitoNang tignan ko ang relo ko ay patay! Oo nga lagot kami kay Direk.
Habang papalabas kami ng shop ay marami akong narinig na nagbubulung bulungan tungkol sa akin most of them ay puro negative ang sinasabi sa akin.
I just ignored them.
***
YOU ARE READING
My One Great Love
Teen FictionWhich will you choose to consider your one great love? Is it the person whom you love for a long time that can't make your dreams come true or the man who can make your dreams come true and can love you forever? Ps. Add this to your library if you w...