Thirteen

7 1 0
                                    

Raven's POV

Pansin ko lang bakit parang ang bilis mainis ng babaeng ito? Kapag inaasar ko naman siya hindi naman siya ganyan. Parang may something eh.

Ang tagal namang mag start may family dinner pa kaming mamayang 6:30 sa bahay. Kaya kailangang matapos agad to. Pumunta muna ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig napagpasyahan kong hanapin si Direk at nang malaman kong tinawag pala ng kalikasan ayun hinayaan ko nalang.

Bago pa ako makabalik sa sala kung saan nandoon si Kass ay napansin kong may stain siya sa yaya outfit niya. Patay! What should I do? Sabihin ko nlang kaya sa PA ko? Or pabayaan ko nalang?

Punyeta. Bakit ba ako kinakabahan? Patuloy pa rin sa pagtatalo ang isip ko kung ano ang gagawin hanggang sa namalayan ko nlang na naglalakad na ako papunta sa isang tindahan.

"Ah pabili po."

Napansin kong madami palang babae ang mga nakatambay dito kaya pala may naririnig akong mga tili ng mga babae

"Omygosh. Ang pogi niya."

"Oo nga. Hihimatayin ata ako"

"Suwerte nang mapapangasawa nito!"

"Ah ano yun hijo?"
Tanong sa akin ng tindera

"Isang napkin nga po."
Pagkasabi ko non tumahimik ang paligid ultimo ang mga babaeng nagbubulungan kanina natahimik napatawa nalang ang tindera at kumuha ng napkin at ibinigay sa akin.

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasasabi nila tungkol sa pagbili ko ng napkin. Pati ba naman yon Issue na sakanila? Well, kung sa bagay sanay naman na ako.

Flashback:

"Anak!"
Sigaw sa akin ni mama mula sa baba.

Aish! Istorbo naman nanonood ako ng Cars eh. Bumaba ako ng nakabusangot ang muka
Wala pa kasi kaming yaya nung time na yun sa Philippines muna kami for ilang years then nag migrate na sa ibang bansa.

"Bakit ma?"

"Bilan mo nang napkin yung ate mo dali! Hindi pa pala ako nakapag shopping."

At dahil hindi ko alam ang napkin tinanong ko ito kay mama at agad akong binatukan nung araw na yon. Aba malay ko ba ano bang alam ko sa pinagdadaanan nyong mga babae tuwing may dalaw? Malay ko bang kailangan niyo ng napkin? XD

Kaya naglakad lakad ako at pumunta sa isang tindahan para bumili ng napkin ni Ate sakto namang maraming babae don. At yung mga babaeng yon ay mga nagkakagusto sa akin. XD Kaya na turn off sila dahil daw sa pagbili ko ng napkin.

Napaka abnormal talaga ng mga babae.

End of flashback

Kaya simula non natutunan at nalaman ko na rin kung pano pahalagahan ang mga babae. At first nandiri nga ako nung nalaman ko yung about sa period nila pero nang tumagal naintindihan ko na.

Iniabot ko na kay Kass yung napkin pero parang nagulat pa siya ilang segundo lang tinanggap niya na rin. Sus arte pa niya.

Pasalamat siya Mabait ako at Mama's Boy ako. Kaya ang laki ng Respeto ko sa mga babae.

After non nag shoot na kami at ng natapos ay kumaripas ako ng takbo sa kotse ko at pinaandar ito patungo sa bahay namin.

Nang makita ko si Kass na may kasamang lalake at naglakad na sila palayo.

Gravity may Lovelife pala siya?

Hahahaha. Jk. Lang.

Pagdating ko sa bahay sumalubong agad sa akin ang aking best buddy na si Enzo.

"Hi baby! Na miss mo ako?"

"Arf! Arf!"
Tahol lang nito at kinarga ko nalang ito papunta sa kusina at doon ko naabutan si Mama na nagluluto palang

Ibinaba ko muna si Enzo tapos binack hug ko si Mama.

"Nako. Ikaw talagang bata ka basta basta nalang sumusulpot."

"Sus. Nanglalambing lang eh."
Sagot ko dito at tinulungan si mama sa pghiwa ng mga sibuyas

"So kamusta yung shooting niyo?"

"Ayos lang po ma."

"Wala ka pa bang lovelife? Or kahit napupusuan manlang?"
Natigilan agad ako sa tanong ni Mama.

Meron nga ba? Pssh. Panggulo lang yon sa Career

"Career muna mama."

"Sus. Hintayin mong tamaan ka sa pag ibig."

Sagot ni mama habang naghahanda na ng mga plato para sa family dinner namin

Umakyat na ako sa second floor para tawagin ang mga kapatid ko.

Hanggang sa napadaan ako sa isang kwarto na siyang marami akong ala alang masasaya na nabuo.

Kumatok muna ako sa kwarto ni ate Amie pero walang sumasagot

"Amie!! Kain na lumabas ka na diyan sa lungga mo!"
Sigaw ko pero no response pa rin siya kaya unti unti ko nalang binuksan yung pinto

Agad bumulagta sa akin ang umiiyak kong ate habang hawak yung picture nilang dalawa ni Kuya Kandid.

Kahit na madalas kaming mag away ni ate ayaw ko pa rin siyang makitang umiiyak at nasasaktan ng ganyan

"Anong nangyari?"
Malamig kong tanong dito at halatang nagulat siya nang nasa harapan niya na ako

"Wa-wala."

"Ate. Sabihin mo anong nangyari?"

Tapos bigla nalang akong niyakap ni ate habang humahagulgol siya

"S-si Kandid kasi,  nakipag break na sakin kasi may bago na daw siyang mahal."
Sa sinabi ni ate lalong nadagdagan ang galit ko at napayukom na ang kamao ko. Pero inisip ko kung papagalitan ko si Ate baka lalo lang sumama yung pakiramdam nito.

"Hayan mo na siya ate. Hindi siya kawalan. Sisiguraduhin ko lang na hindi na makakalapit yang Kandid na yan sayo."






***

My One Great LoveWhere stories live. Discover now