Twenty

4 1 0
                                    

Kassandra's POV

15 Minutes na ang nakalipas simula nang maksakay na kami sa eroplano. So ang katabi ko ngayon si Raven ako yung nasa window side dahil ako naman yung taong nahihilo kpag may biyahe. Still, tulala pa rin ako sa nakita ko.

So, totoo ngang pupunta talaga si Gio at Ienna sa States? Pero ang mas kinabahala ko ay ng makita ko silang naghalikan kanina.

Martyr na ba ako? Bkit ganon? Kahit gaano na kasakit ang mga nangyayari sa amin ni Gio at habang palala ng palala ang mga nangyayari ay hindi ko siya magawang sukuan?

"Kanina ka pa tulala diyan."
Komento sa akin ni Raven habang kumakain ng Piattos

"Raven, mahal mo pa ba si Olivia?"
Deretsahang tanong ko kay raven napngiwi nalang ito at napatawa ng bahgya.

Hindi ko alam pero parang may ngtulak sa akin na tanungin yon sakanya.

"Hindi na, after all I realized para saan pa tong masayang buhay ko kung ang layunin lang ay balikan ang nakaraan....."
Tapos tumitig siya sa akin

"Ang buhay hindi ginawa para balikan ang nakaraan, ginawa ito para matuto tayo sa mga pagkakamali natin at harapin ang hinaharap."

At ilang sandali pa ay nakatulog na ako.









Habang nasa biyahe kami papunta sa hotel na tutuluyan namin ay nanatili pa rin akong nktingin sa bintana at ine enjoy ang magandang tanawin ng Ilocos. Malinis at maaliwalas itong tignan kaya maraming turista ang bumibisita dito.

Pangarap din namin ni Gio na pumunta dito noon ang kaso nga college pa lang kami noon at wala rin kaming time. Hays.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Raven kanina, buti siya khit masakit na bitawan si Olivia, kinaya niya eh ako kaya? Kailan kaya darating yung araw na kaya ko nang sumuko sayo Gio? Kailan ko kaya papakawalan ang sarili ko at paniniwalaan na baka hindi nga ikaw ang One Great Love ko? Na baka ipinagtagpo lang tayo ng tadhana pero hindi itinakda.

"Kass, nandito na tayo."

"Ah okay."

Binuhat ko na ang mga dala kong gamit at pumunta na sa kanya kanyang room namin. Sabi ni Direk 3 days daw muna naming lilibutin ang buong Ilocos bago kami tuluyang mag shoot.

Nag shower na agad ako at nahiga na dahil mejo pagod rin ako sa biyahe.












***

Sorry ang iksi! ✌

My One Great LoveWhere stories live. Discover now