Fourteen

13 2 0
                                    

Kassandra's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Potpot papuntang seven eleven sabi niya treat niya daw ako ng Dinner so pumayag naman ako. Gutom na gutom na kasi ako kanina pa.

"Laki na ng pinagbago mo ah. Dati manang manang ka pa manamit."

"Hoy grabe ka. Nahiya naman ako sa pananamit mo noon."
Tapos sabay kaming nagtawanan

"Umaasenso ka na ah. Ngayon artista ka na."

"Naku, hindi naman ako malalagay sa ganitong situation kung hindi ko kailangan."
Sabi ko sabay tingin sa wrist watch ko

"Ah sige, una na ako ha see you next time."
Paalam ko dito at kumaripas na ako ng takbo papuntang District Hospital

Pagdating ko don nadatnan ko lang si Kuya Kandid at tila namumutla siya at parang wala sa sarili.

"Kuya Kandid!"
Sigaw ko dito at hindi manlang ako pinansin

Tumabi ako sakanya at nakita kong nakayukom ang kamao nito

"What happened?"

Sumulyap saglit sa akin si Kuya at yinakap ako kahit na hindi niya na sabihin alam ko na may problema ito.

"Kass, ang sakit pakawalan ang taong ayaw na ayaw mong mawala sayo."
Pahayag nito

What? So ibig sabihin wala na sila nung Girlfriend niya? Yung girlfriend niya ngayon ay ang tanging babae na sineryoso niya tapos wala na sila?

I hugged him back at after non tinanong ko si Kuya kung kamusta yung operation ni Papa sabi niya successful naman daw hinihintay nalang na magising si Papa.

Sa hospital na ako natulog nang biglang mag ring ang phone ko.

"He-hello?"
Teka bat ba ako nauutal?

"Pwede mo ba akong samahan?"
Nagulat nalang ako sa inaasta ni Raven ngayon pero hinayaan ko nalang yon dahil sa boses palang niya halata ng may problema siya

So ayun, sinundo niya ako sa district hospital at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Habang nagdri drive siya binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Ang awkward bakit ganun? Dumaan muna siya sa isang convenience store at bumili ng maraming alak at bumili din siya ng sigarilyo.

Hala, parang alam ko na problema nito ah.

Hanggang sa hininto niya na ang sasakyan ng makarating na kami sa isang lugar kung saan tahimik at maganda ang tanawin kita mo dito ang mga ilaw at buildings ng Manila. Tapos may isang puno na siyang don nakasandal si Raven habang umiinom ng alak.

So, anong role ko dito? Audience niya? Tagapalakpak?

Tumabi nalang ako sakanya at hinayaan siyang uminom habang ako nakatanaw lang sa magandang view.

"Sorry kung naabala kita."
Tapos bigla akong napatingin sakanya

"Hindi ko lang kasi alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko eh. Wala na akong malabasan ng sama ng loob ko."

Nagulat ako sa sinabi niya, akala ko perfect na ang life niya yung tipong araw araw masaya ang buhay buhay niya at tila wala siyang hinaharap na problema pero mali pala ako.

"Andito lang ako, makikinig sayo."
Sabi ko at nagsimula nanaman siyang uminom ng alak

"Akala ko nung binitawan ko na si Olivia para sa pangarap ko, akala ko magiging masaya ako. Oo, masakit nung una pero nang makit ko ulit siya kagabi bumalik lahat.".
Tapos bigla siyang naiyak

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, dahil unang una sa lahat siya lang ang lalaking umiyak sa harapan ko ng ganito maski si Gio or Kuya Kandid never umiyak sa akin ng ganito nang dahil sa pag ibig.

Parang kinukurot yung puso ko sa pag iyak niya hindi ko alam kung bakit. Bigla ko nalang siyang niyakap at kahit na hindi kami gaanong close ay syempre kaibigan ko pa rin ang mokong na to.

Hanggang sa 30 minutes na ang nakalipas ay marami nang alak at sigarilyo ang dumadaloy sa dugo ni Raven kaya napagpasyahan kong iuwi nalang ito sa bahay nila

Buti nalang at naturuan akong mag drive ni Papa. Kaya inalalayan ko siyang papunta sa kotse niya. Hanggang sa ma out of balance na kaming dalawa at natumba kaming dalawa.





Okay, ang AWKWARD ng position namin ngayon. Nakahiga siya at nakapatong naman ako sa harap nito at nakahawak ako sa dibdib nito. Shocks!

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko. Nang biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit parang nag init agad ang pisngi ko sa ginagawa nito.

"Cute cute mo pala no."
Sabi nito with matching lasing boses pa.

Bigla akong natauhan at bigla ko nalng siyang hinampas at tila tumawa pa ito ng bahagya. Abnormal tong Alien na to.! Tapos nakatulog nalang siya bigla at hini ko mapigilang mapatingin sa mala anghel nitong mukha. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang maliit nitong labi.

Aish! Ano ba yan?! Bat ko ba pinagpapantasyahan ang lalaking to? Wait anong sinabi ko?! Damn! I'm so confused! >_< kailangan ko na talagang maiuwi itong lalaking to.

So, kahit ang bigat bigat niya pinilit ko pa rin siyang buhatin at nang mailagay ko na siya sa kaniyang kotse ay tsaka ko lang napagtanto na paano ko nga ba ito ihahatid sa bahay nila? Kung tulog naman tong Alien na to? Nyeta!

So, naghanap hanap ako sa kotse niya na pwedeng information kung saan ito nakatira.

Kinuha ko ang bag niya at kung ano ano ang laman nito may Fix Gel, pabango,Polbo at suklay. Punyeta daig pa ako nito kung makapag dala ng mga ganito ah. :D

Hanggang sa makita ko ang wallet niya at agad kong kinuha ang ID niya nung highschool at sa likod nito nakalagay ang address niya.

No. 2  Aluminum Street, Periodic Subdivision Paranaque City.

(Sorry readers, ang weird ng name. 😂✌)

So in-on ko yung Gps ng phone ko para may Guide ako then nag start na akong mag drive papunta sa bahay ng Alien na ito. Habang nagdri drive ako hindi ko mapigilan ang antok ko. Sht malayo pa man din ang Paranaque ewan ko ba sa Alien na to at don pa ako dinala. Napg isipan kong bumaba muna at umorder ng kape sa Starbucks.

Habang hinihintay ko ang order ko may nahagip ang mata ko at tila pamilyar ito ngunit hindi ko na nakilala kung sino ang nakita ko nang binigay na sa akin nung Cashier yung Order ko. Tapos pumunta na ako sa Kotse mamaya magising si Raven.



Author's Moment:

Oh No! Naglasing si Fafa Raven at si Kass ang sinama niya bakit kaya? At ano kaya ang susunod na mangyayari? Sino kaya yung taong muntik ng makilala ni Kass kanina? At bakit hindi nagpaparamdam sakanya si Gio? Abangan sa mga susunod na chapters! :)

Thanks for reading guys! :)

Votes and Comments din kayo. <3


***

My One Great LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora