Three

20 0 0
                                    

Kassandra's POV

Thirty minutes na akong palakad lakad sa kung saan saan para lang makahanap ng trabaho ngunit sa kamalasang palad ay wala. Jusko naman.

Dumaan muna ako saglit sa isang Carinderia at umorder ng Sisig at Mountain Dew for lunch.

Nakakapagod rin palang maghanap ng trabaho.

Bigla ko tuloy naalala at na miss si Gio. Kamusta na kaya siya? Nami miss niya rin ba ako gaya ng pagkamiss ko sakanya?

Well I hope so, Cool Off lang naman ang sinabi niya eh hindi break up.

After kong kumain ay napansin kong maraming tao ang nagkukumpulan sa center ng mall anong meron?

At dahil curiousity killed the cat naki chismis rin ako sa kung anong meron.

Tss. Audition lang pala sa magiging leading lady ng isang teleserye hayy. Kung pwede nga lang sana akong sumali diyan ay ginawa ko na. Ang kaso magagalit si Gio ayaw niya kaya ibang job nalang ang hahanapin ko dahil ang sakit na nang paa ko ay pumunta ako sa isang sulok at umupo muna.

Suddenly my phone rang.

"Hello?"
Tanong ko sa kung sino mang tao ang tumawag sa akin.

"Kass? This is Ienna ibabalita ko lang sana sayo na me and Gio will have a one week vacation on Palawan."

"Wait kamusta na si Gio bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin?"
Tanong ko

Pero nang tinignan ko ang screen ng phone ko inend niya na yung call. Parang sinasaksak ng maraming beses ang puso ko sa nabalitaan ko.

Why Gio? Why are you doing this to me? At bakit kayo magkasama ng Ienna na yon? Bakit hindi ikaw ang magpa alam sa akin?

Ang daming tanong na ang pumapasok sa isip ko pero parang wala akong mahanap na sagot sa mga tanong ko.

Suddenly biglang nag play yung music na "With A Smile." By eraserheads na siyang theme song namin ni Gio.

Sht. I can't stop these tears falling from my eyes. Gusto kong isipin na isa lamang itong masamang panaginip ngunit hindi.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak dito sa sulok at maraming tao nanaman ang tumitingin sa akin at nagbubulungan.

Ang sakit na nga ng nararamdaman ko dadagdagan niyo pa sa mga nakakadiri niyong tingin! Gosh! I need a break!

"Maam mag a-audition po ba kayo?"
Tanong sa akin ng isang babae

"Uh. Hindi sige aalis na ako."

Akamang tatakbo na ako palayo nang biglang naagaw ko ang atensyon ng lahat dahil sa pagsigaw sa akin ng isang lalake nang napatingin ako sakanya nanlaki ang mata ko.

"Vince, pwede bang ako nalang ang mamili sa magiging leading lady ko?"

Tanong niya sa katabi niyang lalake at tumango ito at bumaling ulit ang tingin niya sa akin. Ngumisi ito at tinapunan ko naman siya ng matalim na tingin.

"You!"
Turo niya sa akin

"I want you to be my leading lady on my show."

Gusto ko sanang magpatay malisya na hindi ako yung tinutukoy niya ngunit huli na ang lahat dahil sa akin nakatuon ang buong pansin nila. Sht! Don't they know that we are making a scene? At tsaka bakit pa nila kailangang maghanap ng leading lady kung pwede namang artista nalang din ang kunin nila diba?

Kumaripas ako nang takbo at hindi ko alam kung saan ako ipupunta ng paa ko. Alam kong pangarap ko ito pero kinalimutan ko na yon

"Kass!"
Sigaw ulit sa akin ni Raven habang patuloy niya akong sinusundan at hindi ko namalayan na andito na pala ako sa parking lot.

"Ano bang kailangan mo ha?! Bakit ako? Eh hindi naman ako nag a audition?!"

"Kasi. Ikaw lang yung nakitahan namin ng potential compared sa ibang mga nag audition."

"Sorry. Pero I can't matagal ko nang kinalimutan yang pangarap ko noon."

Atsaka naman ako naglakad palayo.

"Ma I'm home bakit po...."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla kong nakita si Raven sa bahay namin kasama sina Mama na may malaking ngiti sa mukha

"Hi."
Nang aasar na bati pa ni Raven sa akkn at naglahad siya ng kamay sa akin at hindi ko yon pinansin at bumaling ako ng tingin kay Mama.

"Ma anong ibig sabihin nito?"

"I asked your mom if papayag ba siyang kunin kita bilang leading lady ko sa teleserye ko. And guess what? Pumayag siya."

Tapos tumingin ako kay mama at tinapunan ko siya ng matalim na tingin? Wuut? At how on earth did this Raven know where I lived? Is  he stalking me or what?

"Pumayag nga si Mama but still my answer is NO! A Big NO!"
Tapos umakyat na ako papuntang kwarto ko at padabog kong sinara ang pinto ko.

May mga oras na malulungkot ka nalang bigla pero hindi mo alam kung bakit. Ang weird diba? Gaya ngayon malungkot na nga ako para pa akong tangang umiiyak dito mag isa. Ano ba talagang problema ko?

Biglang nahagip ng mata ko ang isang litrato malapit na lampshade ko.

Isang litrato na may isang lalakeng naka akbay sa isang babaeng masaya na nakangiti dahil kasama niya ang taong matagal na niyang mahal.

Pero anong nangyayari sa amin ngayon? Bakit niya kailangan ng Cool Off? At bakit niya kasama ang Ienna na yon sa Palawan na silang dalawa lang? Mahal niya pa kaya ako?

Kaya I decided to call him nalang. Marinig ko lang ang boses niya ay okay na sa akin. At gusto ko marinig galing sakanya na mahal pa rin niya ako.

Nakakailang rings na pero wala pa ring sumasagot.

*knock knock*

"Pasok po."

At tumambad sa akin ang nag aalalang muka ni Mama kaya hindi ko na napigilan ang maging emosyonal sa harap niya at pagyakap sakanya.

Isa si Mama sa mga saksi sa pag iibigan namin ni Gio lalo na nung mga panahon na una kong minahal si Gio.

"Ma, bakit ganun? Bakit hindi
nagpaparamdam sa akin si Gio? Hindi ba mahal niya ako diba ma? Ginawa ko naman lahat eh tinalikuran ko na ang pangarap ko para lang sakanya hindi pa ba sapat yun?"

Tanong ko kay mama habang humihikbi

"Alam mo anak. Minsan hindi naman masamang sumuko eh alam mo kung talagang mahal ka ni Gio. Hindi ka niya matitiis na hindi kausapin ng ganyang katagal at kahit ano pa ang pangarap mo dapat susuportahan ka niya."

At pagkatapos ng gabing iyon ay nakatulog na ako dahil pagod sa kakaiyak at masyadong marami akong iniisip.




***

My One Great LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora