Sixteen

8 1 2
                                    

Kassandra's POV

Sa sobrang sarap ng tulog ko bigla nalang akong nagising ng makita ko sa screen ng phone ko na tumatawag si Raven. Pambibira naman oh! Yayakapin na sana ako ng Crush na Crush kong si Julian Concepcion ng bigla kang tumawag!!!! Grrrrrrr. -_-

After naming mag usap ay babalik na sana ako sa pagtulog ngunit hindi na dahil tuluyan na akong nagising. Naaalala ko nanaman yung mga sinabi sa akin ni Raven kagabi.

I want you to stay never go away from me.
I think Im inlove again...

Nyeta! Bakit ba nagfla flashback yun sa isip ko? Eh kinanta niya lang naman yun aish. Dumiretso na agad ako sa banyo at naligo na at nagbihis nang maalala ko na wala nga pala kaming shooting ngayon dahil mah pinuntahan si Direk Vince sa Laguna.

So it means pahinga day muna ngayon.

Ano kayang pwedeng gawin? Hmmm. Bumaba muna ako sa dining area tapos nag breakfast na. Wala si Kuya Kandid dahil ngayon na malalaman ang results kung tanggap ba siya o hindi while si ate Sid nakipag hang out muna sa mga friends niya si mommy binabantayan pa rin si daddy so it means ako si Kaylie at yaya nalang ang nandito sa bahay.

Kumuha ako ng pancakes and bacon at inilagay ko sa plate ko inon ko rin yung tv at laking gulat ko nang pinalabas na pala yung Trailer ng Road to Forever.

"Wow. Magiging artista ka na Kass."
Puri sa akin ni yaya Linda

"Thanks yaya. :)"
Sagot ko

At tinawagan ko bigla si Direk

"He-hello? Direk?"

"Hello Kass! Napanood mo ba yung trailer ng show niyo?"

"O-opo direk unexpected nga po eh akala ko naman matagal pa yung trailer."

"Naku, ikaw talagang bata ka unuuwi ka kasi kaagad eh kaya di mo nabalitaan by the way mamayang gabi na yung pres conference wear your best dress at hahabol ako mamaya okay? Sige byeee."
Tapos binaba na ni direk yung linya.

Wtf. May pres mamaya?! Iinterviewhin kami? Sht! Wala pa naman akong bagong damit ngayon it's been a month since huli akong bumili ng damit ko.

Sa sobrang kaba ko ay bigla nalang akong napatakbo sa kwarto ko at hinalughog ang closet ko. Thank God ng may matino naman akong dress na black and white siguro mag magfla-flat sandals nalang ako mamaya. Okay! So everything is fine, I'm sure na inform naman si Raven mamaya.

Since bored ako at may Tutor Lessons si Kaylie lumabas nalang ako sa bahay at dumiretso sa isang park.

Umupo ako sa swing at pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro at nagtatawanan.

Minsan, gusto ko ngang bumalik sa pagkabata eh, kasi walang pinipili ang kasiyahan mo. Wala kang pakialam sa paligid mo. Unlike ngayong malaki na ako pahirap nang pahirap ang pagiging masaya .

Hindi porket nakangiti ka ay ibig sabihin masaya ka. Kumbaga isa ang ngiti sa mga Maskara na ginagamit ko para magmukang okay lang

Pero deep inside ang sakit sakit na.

Pero minsan naisip ko kung tuluyan ko nang hahayaan na balutin ako ng lungkot walang mangyayari at tila mas magiging miserable pa ang buhay ko.






Kandid's POV

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa Mga benches ng Manila Bay habang umiinom ng Softdrinks. Sa katunayan, hindi ako pumunta ng Agency para malaman kung tanggap ba ako para sa pagiging Piloto o hindi.

Ang dami kong problema na prinoproblema ngayon. Idagdag niyo pa yung sakit nung nag break kami ni Amie

Actually ako ang nakipag break pero ako ang mas nagdudusa ngayon. Kamusta na kaya siya? Naka get over naba siya sa akin?

Alam ko isa akong malaking Gago para pakawalan pa ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako kahit na napaka playboy ko nung una.

Tanging siya lang ang babaeng minahal at sineryoso ko. Pero nawala rin siya sa akin.

Minsan may mga dahilan na hindi mo maipaliwanag kung bakit mo binibitawan ang isang tao.









***

My One Great LoveWhere stories live. Discover now