Chapter Three

8.1K 164 3
                                    

Impressed siya sa bahay. Two story house iyon at fully furnished na. Ang sabi ni Valerie ay nabili iyon ng daddy nito pero hindi pa natirhan. Nakatirik iyon sa malawak na solar na napapalibutan ng mataas na wrought iron gate. Ilang bloke ang layo noon sa ilang bahay.
Nasa loob ang bahay ng isang exclusive subdivision sa bayang iyon. So, hindi naman pala talagang ganoong kaprimitive ang lugar. Hindi siya nag-alala na delikado ang lugar dahil tiwala naman siyang hindi siya papatirahin ng ninong niya sa lugar na mapapahamak siya. Nasa terrace siya noon at nakatingin sa bilog na buwan. It was pitch dark save from the bright full moon. Tahimik ang paligid maliban sa huni ng mga kuliglig.
Malamig sa katawan ang dapyo ng hangin kaya nayakap niya sa katawan niya ang suot na roba. Nakapantulog na siya at nakapagshower na siya at nakapagtanggal ng make-up. She also braided her hair. She decided that she liked the serenity of the place compared to the bustling metro. Payapa ang pakiramdam niya at hindi parang laging nagmamadali katulad ng buhay niya sa maynila.
Napakurap siya ng sumagi sa isip niya ang boss niya. She can also see his face with those green eyes of his on the face of the moon, mocking her.
"Shit! Bakit ko ba nakikita ang mukha ng lalaking iyon?" Parang tangang kausap niya sa sarili. But she can't helped but wonder why they never crossed paths before. Given na malayo ang probinsyang ito pero bakit hindi niya ito kilala sa mundo ng business?
Ano ang itinatago nito? She was really curious. Isa pa, with his looks he should have grazed the lifestyle sections of magazines and newspaper. Hindi niya rin maalalang nakabungguang-siko na niya ito sa mga party na dinaluhan niya. He seems to be elusive. Parang nagtatago lang ito sa lugar na ito.
And the green eyes. Pati ang pangalan nito. Nasabi sa kaniya ni Sally na amerikana ang nanay nito at doon nito namana ang berdeng mga mata. His mother's name is Andrea Collins. Walang binanggit si Sally tungkol sa tatay ng binata. Matatas itong magtagalog so more or less ay sa Pilipinas ito lumaki. Hindi na lang siya nag-usisa kay Sally. She will do her own research.

Maaga siyang pumasok kinabukasan. She's always an early riser. Pagdating niya sa office ay nagsimula na siyang muling mag-imbestiga. Natigil lang iyon ng magsidatingan ang ilang empleyado. Noong una ay nagbubulungan lang ang mga ito pero mukhang hindi na rin nakatagal ang mga tsismosa at tsismoso. Isang lalaki at babae ang lumapit sa kaniya. Nagpakilalang sina Vince at Lanie, magboyfriend.
They have a little chit-chat. At bago dumating ang boss niya, kilala na niya ang lahat ng tao sa floor na iyon. All twenty one person, twelve guys and nine girls. Nagsimulang magtrabaho ang mga ito ng pumalo ang orasan ng 9am. Then like on a cue, Jethro Andrew Collins walked in.
Pinilit niyang huwag matulala dito pero parang hindi siya nagtagumpay. Tinanguan lang siya nito at saka diretsong pumasok sa kwarto nito. Mabilis siyang napatayo at napasunod dito. His coffee! Napatigil siya sa pintuan at napatitig dito. Nakatalikod ito at nakasilip sa glass wall. Parang gusto niyang sumandig sa likod nito. It was impossibly wide and looked so hard.
"Baka malusaw ako, Ms. Morales." There was laughter in his voice.
Nagulat siya ng magsalita ito. He's staring at her through the glass! Pakiramdam niya'y nag-init ang mukha niya sa pagkakapahiya.
Lihim niyang kinastigo ang sarili sa pagkakatulala dito at dumiretso sa pantry sa may kaliwa niya. Kanina'y nag-inspect siya sa kwarto kaya alam na niyang may maliit na pantry doon at isang maliit na bedroom. Marahil ay doon nagpapahinga ang binata.
Nagsimula siyang magtimpla ng kape. Sa inis niya sa pangkakahuli nito sa kaniya at sa pagtawa nito bago pa siya makapasok sa pantry, nakaisip siya ng ganti dito. Nagtingin-tingin siya sa head drawer at maluwang na napangiti ng makakita ng iodized salt doon.

"Your coffee, sir. May ipag-uutos pa ba kayo?" Matamis na matamis ang ngiti niya. Ipinatong niya ang tasa sa may center table. Nasa malaking sofa kasi ang binata at nagbabasa ito ng morning newspaper na ibinigay sa kaniya kanina ng receptionist pagdating niya.
Ibinaba nito ang dyaryo at tinitigan siya.
She tried not to squirm. Bigla rin ay naconscious na naman siya sa itsura niya. For today, nakapants siya. But she wore the tighest pants ever. Hanging din ang long sleeve blouse na suot niya. In fairness naman, hindi ganoong kababa ang neckline noon. Naka-bun ang buhok niya sa ibabaw ng ulo niya. She still applied the heavy make-up and she had a black lipstick. "Sir, lumalamig ang kape." Wika niya dito upang hindi na siya nito titigan.
Hindi ito nagsalita, sa halip ay kinuha nito ang tasa at sinimulang higupin ang laman niyon. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis itong napatayo at tumakbo sa banyo. She can't help but giggled. Serves him right. Tumigil siya sa pagtawa ng lumabas ito. And with all the innocence she could muster, she questioned him.
"Bakit sir? Anong problema? Ayaw niyo ba ng timpla ko ng kape?"
He looked like he's going to strangle her precious neck any moment. "Damn it! Hindi mo ba alam ang difference ng asukal sa asin?"
Napahawak siya sa labi at kunwa'y nag-isip. "Asin? Oh!" Kunwa'y nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ko siguro nabasa ang label. Akala ko ay asukal ang nakuha ko."
"This is not funny, Ms. Morales. Huwag mong subukan ang pasensya ko." He warned her.
Sa halip na matakot ay lalo niya itong ininis. "Sir, masyado kang highblood. I'm sorry, okay? Akala ko talaga ay asukal iyon. It won't happened again."
Tinitigan siya nito sa anyong hindi nito naniniwala sa kaniya. "It should better be."
Enthusiastic siyang tumango. "Yes sir!"
Kumunot ang noo nito. "You seem excited. Parang pinagpaplanuhan mo na naman ako ng hindi maganda."
She laughed nervously. Physic yata ito at nababasa nito ang nasa isip niya. "Wild pala sir ang imagination mo. Bakit naman kita pagplaplanuhan ng masama?"
Hindi ito sumagot at nanatili lang nakatatitig sa kaniya. Maya-maya'y napabuntunghininga ito. "Fine. Let's start. May ipapaprocess ako sa'yo na report." Naglakad ito papunta sa table nito saka naghagilap ng kung ano doon. Ilang sandali pa ay may inabot ito sa kaniyang folder.
"Study that contract. Tignan mo ang mga clauses. Summarize it and then give me the report."
Walang imik niyang inabot ang folder. Sisiw ang pinagagawa nito. She can even do a whole contract and seal a deal. Pero dahil nga sa dakilang secretarya siya sa ngayon, kailangan niyang gawin ang madadaling mga trabaho.
"Finish that before lunch. After that, iverify mo na tuloy ang meeting ko mamaya kay Mr. Alfonso, yung manager ng kumpanya sa contract na iyan. Pagkatapos ipa-schedule mo ako ng meeting sa head ng bawat department. I need to discuss with them this report," may kinuha ito sa lamesa at inabot sa kaniya ang isa pang folder.
"Do a presentation for that. I need that after you're finished with the contract of Mr. Alfonso. Also I need five copies of this contract." Ibang folder na naman ang inabot nito sa kaniya. "Nasa unahan kung kanino mo ipa-fax yung report." Natigilan ito at napatitig sa kaniya. "You're not taking notes?"
Kumunot-noo siya. "Notes?"
Umupo ito sa swivel chair nito at tinitigan na naman siya. "There were a lot of things I told you. Maiintindihan ko kung si Sally ikaw na hindi nagtake down ng notes dahil matagal na siya dito. Pero ikaw, hindi ka ba maguguluhan sa pinagagawa ko? Baka magkapalit-palit ang mga pinagagawa ko."
Kahit nangigigil ay pinilit niyang ngumiti ng matamis. How dare him insult her intellect? Kahit nakapikit siya ay magagawa niya ang mga boring na task na pinagagawa nito sa kaniya. "Don't worry sir, wala pa akong memory loss, hindi pa bawal ang pork at beef sa akin."
Natigilan ito sandali. Then he smiled.
Shit! Mura niya sa isip. That was one deadly smile. Natuliro bigla ang sistema niya.
"You are really funny, you know that?"
Ano siya komedyante? "Why, thank you sir. Its my pleasure to be the source of your fun!" Nag-bow pa siya dito.
He laughed and then laughed some more. Nag-eecho sa buong silid ang halakhak nito. Nakadama siya ng inis sa pagtatawa nito sa kaniya. Pero hindi niya maitatwa na masarap sa pandinig ang halakhak nito. And its stupid of her to think that it's okay for him to laugh at her expense as long as she can hear that vibrant laugh from him.
"Sir, baka hindi ka na makahinga sa sobrang pagtawa. Atakihin ka sa puso."
Tumigil ito pero meron pa rin pailan-ilang tawa ang pinipigilan nitong kumawala.
"Don't worry din, Ms. Morales, wala akong sakit sa puso. Sige na, simulan mo na iyan."
Inis na inirapan niya ito at nagmartsa palabas ng kwarto. May topak yata ang amo niya, tuwang-tuwa eh wala namang nakakatuwa sa sinabi niya.

The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon