"Geraldine pwede ba kitang daanan mamayang lunch?
"Hindi ko sure. Alam mo na, baka maraming ipapagawa ang boss." It's Joey, Senior Manager sa Production. Ilang beses na niya itong binasted. Nasa elevator sila noon at sa gilid niya ay ang boss na hindi niya alam kung bakit ang agang dumating.
Bumalatay ang disappointment sa mukha ni Joey. "Ganon ba? Paano kung tumawag muna ako bago umakyat?"
"Bahala ka." Simpleng sagot niya at nginitian ang lalaki kahit naiinis na siya sa kakulitan nito. Lihim siyang nagpasalamat ng makalabas na ito ng elevator.
"Flirting inside the elevator? Ibang klase ka talaga." Wika ni Jet ng sila na lang ang laman ng elevator. "So, it's Joey this time. Ang aga niyong magligawan, sa elevator pa."
"So?"
"Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakarinig sa inyo?" Nakakunot ang noo nito.
Kung hibang siya, iisipin niyang nagseselos ang lalaki. Pero matino pa ang isip niya, mainit lang talaga ang dugo sa kaniya nito kaya lahat ng kilos niya'y pinupuna. "Sir, sa pagkakatanda ko, walang masagwa sa usapan namin ni Joey. Wala ring masamang ligawan niya ako dahil binata at dalaga kami. Now, kung ayaw mo sa naririnig mo, tinakpan mo na lang sana ang tenga mo."
Inis niyang tinalikuran ito ng bumukas ang elevator. Dire-diretso siya sa table niya at ipinatong ang bag doon saka pumasok sa office ni Jet at alam niyang kasunod niya ito.
"Geraldine, my coffee!" Nakasigaw ito.
Ibinaba niya sa desk nito ang tinimplang kape. "Kape nyo sir. Medyo hinaan nyo nga ho ang boses niyo sir. Hindi maganda sa mood ang umagang-umaga ay nakasigaw."
Inis na nakatingin sa kaniya ito at saka lumapit ito sa drawer nito sa gilid ng kwarto nito. "Come here." Parang haring utos nito.
"Sort that out. In order, per contract, per documents, per clients. Huwag kang babalik sa desk mo hanggang hindi iyan tapos."
Napatanga siya dito. "L-lahat ng drawers?"
"Bakit ayaw mo bang magtrabaho?"
Hindi siya sumagot at ibinalik niya ang tingin sa drawer, hinila niya ang tatlong drawer at punong-puno iyon ng mga papel. Ginagantihan yata siya nito.
Alas onse na sa wristwatch niya. Napanisan na rin siya ng laway dahil mag-isa lang siya. Umalis si Jet ng 9am dahil may meeting ito. Hindi niya alam kung niloloko lang siya nito. The contents of the drawers are immaculately organized. Magugulo lang pag ginalaw niya.
Tatayo sana siya ng may pumigil sa sandalan ng upuan niya. Napahawak siya sa dibdib. Then a warm breath softly grazed her right ear.
"Where are you going? Tapos mo na ba ang pinapagawa ko?"
Hindi siya lumingon dahil alam niyang magdidikit lang ang mga labi nila. Excitement ran through her body with that thought. Malaking bakit? She tried to calm her nerves. "Sir, you're crowding my space."
Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niyang umatras ito. Mabilis siyang tumayo at bahagyang lumayo dito. "Wala namang dapat ayusin. Okay naman ang lahat."
"Ganun ba? Sally might have sorted out those. Here, maglunch na tayo." Walang anumang wika nito. Pumunta ito sa pantry at paglabas nito ay mga dala na itong eating utensils. Umupo ito sa mahabang sofa.
"Halika na." Inayos nito ang mga pagkain. "I'm starving."
"Ano yan?"
"Foods." Parang nanunukso pa ang pagkakangiti nito.
"Alam kong pagkain iyan. Ang ibig kong sabihin, bakit may dala kang pagkain? Pwede naman akong sa canteen na kumain."
Umiling ito. "I had these delivered. Bakit? Ayaw mo ba akong kasabay? Hinihintay mo ba na tawagan ka ni Joey?"
Napamaang siya dito. "Ano naman ang kinalaman ni Joey dito?"
"He's going to call you for lunch, right? Di ba't magsasabay kayo?" Nag-abot ito ng plato na may pagkain sa kaniya kaya wala sa wisyong inabot niya iyon.
Hindi siya makapaniwalang naalala pa iyon ni Jet samantalang sa kaniya ay balewala iyon.
"Kain na. Huwag mong sabihing mas gusto mo pa si Joey na kasabay."
"I didn't know that you're still thinking about Joey's invitation for lunch."
"I didn't. Just eat. Lumalamig ang pagkain." Parang haring utos na naman nito.
Gusto niyang matawa. So, sinadya nga talaga nito na ipagawa sa kaniya ang mga documents kahit alam nitong maayos na iyon. Nagdala pa ito ng pagkain para hindi na siya bumaba. Tinignan niya ito sa sulok ng mga mata nito.
He's eating with gusto. Parang ang saya-saya nito. Kahit kailan yata hindi niya maiintindihan ang topak ng lalaki. Pero hindi niya gusto ang munting kilig na nararamdaman niya sa ginawi nito. It's like that he doesn't want her to be with Joey.
Inalis niya ang tingin dito at ipinagpatuloy ang pagkain. Bakit ba siya nag-iilusyon ng kung ano-ano? For all she knows, ginagantihan lang siya ng lalaki kaya ayaw siya nitong pababain.
BINABASA MO ANG
The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceDahil sa kahilingan ng ninong niya, pumunta si Geraldine sa Cebu. Ang assignment niya ay ang makakuha ng mga ebidensiya upang ma-expose ang pagnanakaw ng pera doon bilang isang temporary secretary sa kompanyang may shares of stocks ang matanda. Doon...