Chapter Six

7.4K 160 4
                                    


"Uy, kay Sir Jet ka pala sasabay." May himig panunukso ang boses ni Rose.
Nginitian niya ito. Pagdating pa lang nila ni Jet sa clubhouse ay nanunukso na ang ngiti nila Lanie at Rose. Ngayon ay nasa iisang table sila na mahaba para maaccomodate ang lahat ng empleyado na nasa 6th floor. Nasa tabi siya nina Vince, Lanie at Rose. Si Jet ay nasa pinakadulo. "Alam mo na inutusan ng hari."
Tumawa naman si Lanie. "Alam mo sa tingin ko type ka ni Sir. Kanina pa tingin ng tingin sa'yo eh."
"Sira! Inis lang sa akin iyan pano lagi kong nababara." Oo type siyang ikama nito, hindi niya iyon masabi sa babae at ang nakakaeskandalo, gusto rin naman niya.
Sumingit si Vince. "Bilib nga ako sa'yo eh, natatapatan mo si sir Jet. Okay naman talaga siya eh. Swerte nga namin at siya ang boss namin eh."
Nakahanap siya ng pagkakataong mag-imbestiga. Dahil sa nararamdaman niya para dito ay nakakalimutan na niya ang totoong sadya niya. "So, wala kayong reklamo?"
Si Rose ang sumagot. "Reklamo?"
Nagkibit-balikat siya. "Sweldo, benefits, mga ganoon."
Sabay-sabay na umiling ang tatlo at si Rose ang muling sumagot. "Walang-wala. Si Sir Jet na ang pinaka-generous na amo. Wala kaming problema kahit ano. At dahil sa kaniya ay secured kami sa mga trabaho namin. Dahil sa kaniya kaya talaga nagproprosper ang kumpanya. Kita mo naman sa mga numbers 'di ba?"
Tumango siya. Iyon na nga ang ipinagtataka niya. Sa pag-iimbestiga niya, wala siyang makitang kahit anong discrepancies. In contrast, nag-iimprove ang mga numbers at stats per quarter. Pero hindi pa rin siya kumbinsido, baka talagang matinik lang talaga si Jet. Paano niya maipapaliwanag ang iniisip ni Don Enrico? Hindi ito nagkakamali ng hunch lalo na kapag tungkol sa negosyo. Kaya nga ito naging bilyonaryo eh. Natuon ang pansin niya kay Jet ng malakas itong magsalita.
"Guys, thank you sa pagpunta. At thank you din sa hardwork. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi rin naman magiging successful ang kumpanya. Like a tradition, pasasalamat ko sa inyo ang dinner na ito. After this weekend, isa-sign ko na ang performance bonus para sa lahat ng empleyado ng Aqua Inc. I could honestly tell you that all the employees would be happy. Ngayon, enjoy this night. Para sa inyo ito." Jet's voice boomed around the place.
Titig na titig siya dito at sa mga tao sa paligid niya. Nasa mga mata ng mga ito ang respect at admiration para kay Jet. Pati parang comportable ang mga ito kay Jet. Paanong naisip ni Don Enrico na nagtatago ito ng pera ng kumpanya?
"By the way, i-welcome din natin ang temporary secretary ko na si Ms. Morales." Napunta sa kaniya ang pansin ng lahat.
She smiled at them. Naisip niya ang mga taong hinahawakan niya. Wala silang ganitong gathering o bonding. Kung may meeting, lagi na lang about sa business. She's a fair but a strict boss. She reward those who are really performing. Pero lagi na ay boss-subordinate ang relasyon nila.
Hindi siya snob pero marahil sa strong personality niya, aloof sa kaniya ang mga tauhan niya. Natatakot marahil ang mga ito na makipagbond sa kaniya. And as busy as her, she didn't bother to reach out. Pero iba kay Jet, kahit noon pa ay napapansin na niya. Tama nga si Sally na napakadali nitong lapitan. Nakikipaghuntahan din ito sa mga tauhan nito lalo na kapag lunch. Nakikipag-interact din ito sa mga empleyado nito kahit sa operations.
As much as possible, naglulunch ito sa 2nd at 3rd floor canteen kung nasaan ang production floor at majority ng mga empleyado. Doon ay parang normal na tao itong nakikisalo sa mga empleyado. Parang palagay din ang mga ito na kausapin at batiin si Jet.
Para itong Mr. Congeniality sa pagiging popular. Provided na ito ang boss at CEO pero hindi siya makapaniwalang kilala halos nito ang lahat ng tauhan hanggang sa mga guards. Grabe ang memory nito pagdating sa mukha at pangalan. Considering na napakarami ng tauhan sa kumpanya. Kaya bilib talaga siya sa lalaki. He has the authority around him as being the CEO. Pero kasabay noon ay ang pagiging approachable nito.
Nabalik ang atensyon niya sa mga ito ng sabay-sabay siyang igreet ng mga ito. She murmured her thanks. Maya-maya'y humudyat na si Jet na simulan na ang kainan. Nawala na ang atensyon sa kaniya ng mga ito at nagsimula ng magkainan ng mga pagkaing nasa lamesa, parang fiesta dahil napakarami.
Tinitigan niya si Jet. He was different. Her heart wanted to melt with the genuine smile that she's seeing in his face. Naririnig din niya ang mga halakhak nito kapag may nagbibiro. Now, she's seeing the other side of him. He looked relax and at ease. Paano niya mapipigilang mahulog dito gayung sa araw-araw na nakakasama niya ito ay lalo niya itong nakikilala? How can she stop herself from falling in love?

"G?"
Uh oh. That voice. Kilalang-kilala niya iyon. The ever persistent Russell Madrigal. Ang kaisa-isang anak ni Don Raul Madrigal, ang friend cum rival ni Don Enrico. As damn wealthy as Don Enrico. Bukod kay Don Enrico, si Don Raul Madrigal ang isa pang backbone ng ekonomiya ng bansa. May-ari ito ng mga chain of hotels at malls sa bansa, airline, telecomm at beverage company.
Paglingon niya ay nasa harapan na niya ito at titig na titig sa kaniya. Hindi rin maipinta ang mukha nito na tipo bang hindi ito makapaniwala sa nakikita. Nakabraid ang buhok niya, dark makeup and green lipstick. White ang long sleeve niyang blouse na may sleeveless na cardigan na pink sa ibabaw at miniskirt na violet ang kulay at brown na boots. Saan ka pa?
"Oh hello, Russell! Nice seeing you here!"
"G? What the heck happened to you? Anong ginagawa mo dito?"
Alanganin siyang ngumiti at tumingin sa paligid. Hindi pwedeng magblow ang cover niya. "Change of atmosphere lang."
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Change of atmosphere? Ang sabi ng secretary mo, on leave ka. Hindi ko ineexpext na dito kita makikita. And what's with that look? Hindi bagay sa'yo."
"You really know how to wound a woman's ego. Akala ko pa naman ay smooth talker ka sa mga babae. Paanong maraming nagkakandarapa sa'yong babae kung hindi ka marunong magbigay ng compliment?" They're friends. Ito na ang pinakamalapit na lalaking kaibigan niya.
Katulong ito ng ama nito sa pagpapalago ng super lago na nitong mga kayamanan. He's super babe magnet. Bukod sa bilyong mana nito, he is a walking Greek God. Umaaapaw sa sex appeal in a rugged way. Super gwapo. Kinda bad boy image. Jetsetter and heartbreaker and a billionaire. A very deadly combination.
And one of the flirtiest man she came across with. Hindi naman ito umuubra sa kaniya. Ilang beses na niya itong nabasted. Hindi siya naghahanap ng sakit ng ulo. Si Russell ang tipo ng lalaking hindi yata magseseryoso sa kahit na sinong babae.
He will just love 'em and leave 'em. At hindi niya gustong mapasama sa mga babaeng luhaan na iniwan nito. But she liked him as a friend and business acquaintance. Kahit maloko ito sa babae, super dedicated ito sa trabaho. He's funny and could always make her laugh.
"Ouch. You are really G. Grabe ka kung magsalita. Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ganiyan ang itsura mo? At aminin mong tama ako at hindi naman talaga bagay sa'yo. You look funny and irritating."
"Bakit bawal ba akong magchange image? Napakalayo ng Cebu sa Manila. Walang makakakita sa akin. Gala ka lang masyado kaya nakita mo ako dito."
Tumawa ang lalaki. "C'mon G. Kilala kita. You're not that type of person who would change yourself in to someone like that. Na pupunta ka pa sa malayong lugar para lang magpaka-extreme. Also, you have reason for doing everything. Hindi ka sana VP ng SGC kung ganon lang. So tell me, anong reason?"
Sasagot sana siya ng makita niya si Jet na palingon-lingon at mukhang may hinahanap. At feeling niya ay siya iyon. Pagkatapos kasing magkainan ay nagsayawan na ang iba sa makeshift dance floor sa gilid ng clubhouse. Siya ay nagpaalam na magc-CR.
Pabalik na nga siya ng tawagin siya ni Russell. Bahagya siyang nagtago sa malaking katawan nito. Russell could be as nosy as hell. Napatingin din ito sa tinitignan niya.
"Jethro Collins? Bakit nagtatago ka sa kaniya?" Usisa nito.
Nilingon niya ang binata pero attentive pa rin siya kay Jet. "Assuming ka. Hindi ko siya kilala."
"Ows?" Hindi naman naniwala ang lalaki. "Eh bakit palapit siya dito at mukhang galit?"
Shit! Papalapit nga si Jet, malalaki ang hakbang nito at nakasimangot. Halos hawiin din nito ang mga taong humaharang sa daanan nito. Shit! Hindi dapat magka-idea ang lalaki kung sino siya. Bumaling siya kay Russell. "I need a favor. Umayon ka lang sa lahat ng sasabihin ko. Huwag kang kokontra."
Na-amuse naman ito. "Sure. Pero ang lagay ay anong kapalit?"
Another shit. She should know Russell by now. Pasaway talaga ito. "Fine. Ano bang gusto mo?"
"Uhmmm..." Nag-isip ito. Ilang hakbang na lang ang layo ni Jet. "How about a dinner date? Dami ko ng rejection sa'yo. This time I demand a dinner date."
"Fine. Deal." Konte na lang at palapit na si Jet.
"This is interesting. Napakabilis ng pagpayag mo. There must be really something going on."
Hindi siya nakasagot dahil nakalapit na si Jet. "Ms. Morales, kanina pa kita hinahanap. Bakit ba bigla-bigla kang nawawala?"
"Ms. Morales?" Kunot-noong tanong ni Russell sa kaniya.
"Russell Madrigal? What are you doing here? Pati ba naman secretarya ko ay pinopormahan mo? Back off, Madrigal." Halos magdikit ang kilay ni Jet.
"Secretary ka niya?" Dinedma naman ito ni Russell at sa kaniya ito nakatingin.
She took a deep breath. Lagot si Russell sa kaniya kapag hindi ito nakisama. "Mr. Madrigal, hindi ko ba nabanggit na sekretarya ako ni Mr. Collins? Hindi ko rin ba nabanggit ang buo kong pangalan?"
"Bilib na talaga ako sa'yo, Madrigal. Wala ka ng pinapalampas. Leave my secretary alone." Muling banta ni Jet.
Napakunot-noo siya dito. Parang naghahamon ito ng away. Anong history nito at ni Russell? May pinag-agawan ba itong babae dati?
Russell laughed. Mukhang amuse na amuse ito. Nakikita niya ang pagtawa sa mga mata nito. Kung wala lang si Jet ay sinuntok na niya ito sa inis. "I didn't know that there's a boss who's so possessive of a mere secretary."
"Just back off Madrigal." Hinawakan siya ni Jet sa braso. "Let's go, Ms. Morales."
Mukhang nag-eenjoy talaga si Russell at hindi ito paaawat. Malapit na talaga niya itong masuntok. "I wonder kung bakit ka pinababantayan ni Don Enrico."
Natigil naman si Jet sa tangkang paghila sa kaniya. "What do you mean?"
Pinanlakihan niya ng mata si Russell. Ibubuko pa yata siya nito. If that happens, he could kiss that dinner date goodbye.
He shrugged his shoulder. "Si Ms. Morales," ipinagdiinan pa nito ang kunyaring pangalan niya. "Isa siya sa empleyado ni Don Enrico, bakit kaya siya na ang sekretarya mo? I don't know that you need a nanny."
"Don't meddle with someone else's affair. Wala ka ng pakialam doon." Saka siya nito hinila palayo.
Wala naman siyang magawang napasunod dito pero nakalingon siya kay Russell. He mouthed the words I'll call you.

The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon