"Sigurado ka ba talaga na dito ka na? Ihatid na lang kita. Ipapasunod ko na lang ang sasakyan mo." Pangatlong tanong na iyon sa kaniya ni Jet. Pagkatapos ng mainit nilang halikan, nagpahatid na siya dito sa opisina para kuhanin ang kotse niya.
Sa byahe pabalik, tahimik ang loob ng sasakyan. Nagpasalamat siya at hindi nito hiniling na pag-usapan nila ang nangyari. Katulad niya parang napakalalim din ng iniisip ni Jet. Hindi niya alam kung ano ang laman ng utak nito. Pero siya, hindi siya makapaniwalang nagpatangay siya sa binata ng ganon-ganon lang.
Lust and desire. Iyon ang tawag ni Jet sa nararamdaman nito para sa kaniya. Hindi niya alam kung enough iyon para sa kaniya. Pero sa tingin niya, okay na iyon kaysa sa wala. Bakit ganoon? Bakit si Jet?
Hindi niya mapatulan si Russell dahil ayaw niya sa pagiging womanizer nito. Marami siyang naging boyfriend, alam niyang may minahal din naman siya kahit papaano. All of them have a common denominator. Hindi babaero, siya lang ang nasa buhay ng mga ito. Pero walang nagtatagal.
Siya kasi ang dakilang example ng classic na break-up line. It's not you, it's me. Iyon ang drama niya tuwing makikipaghiwalay siya. They all bored her. She was always aggressive and very independent. Hindi siya nasasatisfy sa relasyon nila. It was like a routine.
But with Jet, everything is like a kaleidoscope. Maraming variety, maraming emotions itong napupukaw sa kaniya. One touch, one look can stir her soul. May bago rin siyang natutunang damdamin. Yearning. Makita siya nito sa totoong siya, mahalin at alagaan.
Yearning for him to be with her always. Exactly opposite ng iniisip niyang kailangan niya. But the man was so brazen enough to offer physical relationship. Iyon lang ang ibibigay nito, hindi niya alam kung hanggang kailan.
Ang alam niya, malaki ang porsyento na papayag siya. She was never really prude or anything. Pero naniniwala pa rin siya sa matrimonya ng kasal bago niya ibigay ang sarili sa isang lalaki. Well, that's how she's still a virgin at the age of twenty seven.
Ang alam niya posibleng forever na iyon, lalo pa at wala siyang nakikilalang lalaki na makapagspark ng intense emotions mula sa kaniya. Ng lalaking makakasama niya at hindi na siya mag-iisa.
But Jet found her, she found him. Isang tingin lang nito, handa siyang gawin ang lahat ng sabihin nito. Isang hawak lang nito, nawawala na siya sa katinuan. And if she's not going to control her reaction to him, one of these days, she'll lost her virtue to him.
"Geraldine..."
Napatingin siya dito. "I can manage. Sige na, pagod na ako." Saka siya mabilis na pumasok ng sasakyan. Bago pa man niya maisara ang pinto, inabot ni Jet ang batok niya. He kissed her hard but swiftly.
"Take care." Tumuwid ito ng tayo at ito na ang nagsarado ng car door. Walang imik siyang nagdrive palayo. Sa overhead mirror ay nakita niyang nakatayo pa rin ito doon at nakatanaw sa kaniya.
She sighed deeply. She loved Jet. She loved him. It was the realization that strucked to her while looking at his form. Hindi niya alam kung kailan, kung paano, basta mahal niya ang lalaki. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusin ang assignment niya. She was so stupid for falling helplessly in love with him."I thought you're not coming." Hinila ni Russell ang silya upang makaupo siya bago ito bumalik sa pwesto nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "I don't go back with my words."
Tinawanan lang siya ng binata at nagtaas ito ng kamay. Ilang sandali pa ay naka-order na sila at nagsimulang kumain. They're already in the dessert when Russell broke the defeaning silence.
"So, tell me, anong meron at parang yaya ka ni Jet?"
Pinunasan niya ng napkin ang labi. "Tsismoso ka talaga, Russell."
He laughed. "C'mon, G. Alam mong napakacurious kong tao. At alam mong kukulitin talaga kita."
"And you should also know that I wouldn't tell you right?" May ngiti sa mga labi niya sa panunukso dito. Hindi pa ito nananalo sa kaniya. That's what she likes about him, amenable ito kahit sobrang kulit. Marunong itong igalang ang desisyon niya. Kaya sila click.
Nagtaas ito ng kamay tanda ng pagsuko. "Fine! Wala naman akong magagawa. Anyway," may kinuha ito sa gilid at inabot sa kaniya. "Proposal iyan para sa partnership ng Madrigal at Santibanez para sa acquistion ng channel eight."
Napailing siya dito. "At talagang dinala mo ito sa akin dito ha. Dapat ay finax mo sa secretary ko. Pag-aaralan ko naman ito pagbalik ko."
Russell smiled sheepishly. "You know I hated waiting. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka dito. Isa pa, matagal na nating parehong pinag-aaralan ang acquistion at merger na iyan."
Binuklat-buklat niya ang mga papel. Tama ito, last year pa ang project na ito. Parehas na nagpahayag ng interes sina Don Enrico at Don Raul na bilhin ang TV Station Channel Eight. Parehas na nakakita ang dalawa ng promising future sa station. But the owner can't really decide to whom they would sell.
Hanggang sa mapag-usapan nila ni Russell ang merger out of plain jokes. Na pinayagan naman ng mga matatanda. At that would be some history. The two prominent backbone of the country will have one company under their name, 50-50 share. Maraming mga usapan at meetings ang nangyayari so far para magkasundo sa price.
Isinarado niya ang folder at ibinaba iyon sa gilid ng table. Kahit naman siya ay excited din sa merger pero lately talaga ay lumilipad ang utak niya. Ang laman lang niyon ay si Jet at ang mga magugulong admissions nito at ang tuluyan niyang pag-amin sa sarili sa totoo niyang nararamdaman. Idagdag pang hindi niya nagagawa ang sadya niya dito.
"Hey, still with me?" Untag sa kaniya ni Russell.
Napakurap siya at napatingin dito. "What?"
Nag-aalalang hinawakan siya nito sa kamay. "Are you all right? You looked confused. Ngayon lang kita nakitang may uncertainty sa mukha."
Isa pang gusto niya dito, despite his devil may care attitude, he's a sensitive guy inside. Alam nito kapag may problema ang mga taong malalapit dito.
"Wala. Ano na nga ba ang sinasabi mo?"
Titig na titig ito sa kaniya. "Is it about Jethro?"
Alanganin siyang tumawa. "Paano naman nasama dito ang lalaking iyon?"
"In love ka sa kaniya." Hindi iyon tanong.
Napaubo siya. "Ano namang kalokohan ang sinasabi mo?"
"G, magkaibigan tayo. I never saw you looked like that before. You looked so alive. May kakaibang kinang ang mga mata mo. Sa dami ng babaeng nakarelasyon ko, alam na alam ko ang nakikita ko sa mga mata mo.
"I know that you never dated recently. Subsob ka sa trabaho at matagal na ang huli mong BF. I never even thought that youll fall in love. But I noticed how you stare at Jethro. Nasa mga mata mo ang damdamin mo." Mahabang paliwanag ni Russell.
Hindi niya alam na ganoon siya katransparent. "Talagang pinag-aralan mo ah."
Russell gently smiled. "G, you're the closet woman to me that I don't have romantic or physical relationship with. Mahal kita as my friend. Gusto kong maging masaya ka at makahanap ng magmamahal sa'yo. Hindi ko alam kung siya iyon pero kung makakapagpaligaya sa'yo, sundin mo ang nararamdaman mo."
Tumawa siya. "Wow, coming from someone who doesn't believe in love!
"Ouch!" Napahawak sa dibdib si Russell. "Ano namang akala mo sa akin? Walang puso?"
"Oo! Dami ba namang kalahi ko ang pinaiyak mo."
"Hindi ko na kasalanan kung habulin ako ng babae. I gave them the rules firsthand and they still agree."
Ganon din ba ang reasoning ni Jet? "Hinihintay ko ang sandaling makita mo ang katapat mong babae. Iyong tatalon ka na lang sa building, hindi pa rin magpapaloko sa'yo."
Malakas na tumawa si Russell. "Never, ma'am. Hindi mangyayari iyon. Walang babaeng makakagawa noon."
Tumawa din siya. "Pustahan?"
"Sure!" Confident na wika nito na nakapagpa-iling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceDahil sa kahilingan ng ninong niya, pumunta si Geraldine sa Cebu. Ang assignment niya ay ang makakuha ng mga ebidensiya upang ma-expose ang pagnanakaw ng pera doon bilang isang temporary secretary sa kompanyang may shares of stocks ang matanda. Doon...