Chapter Ten

13.5K 338 44
                                    

"So that's the real you."
Marahas siyang napalingon sa nagsalita. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang lalaking laman ng isip niya. "A-anong ginagawa mo dito?"
Sumandal ito sa pinto at ipinagkrus ang dalawang braso sa dibdib habang muli siyang pinasadahan ng tingin. "That's more like you."
Inalis niya ang imaginary lint sa suot na black slacks. Naka-soft rose blouse siya sa ilalim ng itim ding blazer, manipis ang make-up niya at nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok at nagsuklay na siya. Two inches lang ang pumps niya. Oo, heto ang totoong siya.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?"
Casual na nagkibit-balikat ito. "I remember that we're going to talk. Paggising ko ay wala ka na."
Napatitig siya dito. May hinampo sa tinig nito. Lumapit siya sa desk niya at umupo sa swivel chair. Hindi siya masusuportahan ng mga tuhod niya dahil nanginginig ang mga iyon. "I had to go."
"Yeah probably." Nagkibit-balikat ang lalaki at lumapit ito sa mesa niya. Umupo ito sa chair na nasa harapan ng desk niya. Kinuha nito ang pen na nakita nito sa desk niya at inikot-ikot iyon.
Hindi naman siya sumagot. Hindi siya makapaniwalang naririto ito. Hindi pa siya handang harapin ang lalaki. Naguguluhan pa siya. It was too much too soon.
"So?" Pasimula nito.
"Anong so?" Balik-tanong niya. He looked nervous. Pero napapaisip siya kung ano ba ang nagpapakaba dito?
Muli itong malalim na bumuntunghininga. "About what I said before. I didn't mean that. I'm sorry."
Tipid siyang ngumiti. "Tapos na iyon. Hindi na mababalik."
Ibinaba ni Jet ang pen at tinitigan siya. "I also came here to talk about us."
Us? Sana nga ay may sila. "Nag-explain na ang daddy mo."
Napasuklay si Jet sa buhok nito. "Yeah, about that. I didn't know who you really are. Hindi ako nakikialam sa SGC at sa Cebu lang ako lagi. That's why I don't know you." Tumawa ito. "To think that I insult the next president eh."
Siya naman ay nag-espiya sa anak ng CEO ng SGC. "I spied on you."
"Dad's cruel joke. So tama nga si Lanie na nag-eespiya ka except it's not for Madrigal."
Napakunot-noo siya.
"She saw you and Madrigal on your date. At si Rose naman sa bayan. Lanie have the knock to be a good investigator. Nakita nila ang folder na ibinigay nyo sa isa't isa ni Madrigal."
Napailing siya. "That's the proposal for Channel Eight. Hindi ko alam kung narinig mo na iyon."
"Baka. Are you dating Madrigal?" May edge sa tono nito.
"So, what if I am?" Hamon niya dito.
"I forbid it. Simula ngayon, hindi ka na makikipagdate kahit kanino."
Sarkastiko siyang tumawa. "Talk about possessiveness."
Malalim na napabuntung-hininga uli ang lalaki. "You're picking up on a fight. Hindi ako nagpunta dito para makipag-away."
Hindi siya sumagot. Ito naman ang nagbrought up kay Russell eh.
"As I was saying earlier, wala akong idea kung sino ka at sa ginawa ni dad. I really hate your gross fashion sense and your mouth. But at the same time, I was drawn into your mystery. Kaya naman pala dahil itinatago mo ang sarili mo sa ibang pangalan."
"Apelyido ng nanay ko ang Morales." Tahimik niyang sagot.
"I know. Nasabi na ni dad."
"Don Enrico..." Hindi niya tinapos ang sasabihin.
Sumandal si Jet sa upuan. "Yap, I'm the bastard."
"Jet..." It pained her to see him like this.
"No fuss. I don't feel any grudge after all. It was my parents business, nadamay ako dahil anak nila ako. Noong bata pa ako, nagalit ako sa pag-aabandona niya sa amin. But my mother told me that I can't hate my father.
"Mahal daw ako ng tatay ko. Kasalanan daw ng mother ko ang lahat. Alam niyang may asawa na si dad pero inakit pa rin niya. She has a weak heart and she loves him. Kaya pumayag siya sa set-up nila.
"She told me that she's being selfish. Lalo na ng ipanganak ako. Hindi raw niya naisip na masasaktan niya ako. I loved my mother to a fault. Napilay ako ng mawala siya. Sinisi ko si Dad sa nangyari. I was young and innocent.
"But she made me promise that at least I'll give my father a chance. Tinapos ko ang college at napunta sa akin ang pamamahala ng Aqua Inc. To honor my mother, I gave the old man a chance. I don't know that I needed him to love and acknowledge me until then."
Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Sa ilang buwan ko sa'yo, lagi na ay old man ang tawag mo sa kaniya. Wala tuloy sa hinagap ko na tatay mo siya."
"Because he's old." Tumawa si Jet sa sariling sagot. "It was never intentional. Malay ko naman na hindi mo alam. I do call him dad though kapag kasama ko siya. Nasanay lang ako na iyon ang itawag sa kaniya sa harap ng ibang tao lalo at hindi ako sa kaniya lumaki."
She smiled. "A form of endermeant?
Nagkibit-balikat si Jet. "Somehow. I was really thankful that I allowed him in my life. And then Valerie. I loved her. I gave the 10% share sa kaniya sa Aqua, Inc kahit ayaw niya. Masarap pala sa pakiramdam ang may pamilyang nagmamahal sa'yo."
Nakatitig lang siya sa pagpapalit-palit ng emosyon sa mukha nito. There was some bitterness and pain, then acceptance, then joy. And her heart is crying for what he was to endure in his young life.
"Bakit ka nagtatago sa Cebu?"
Tumawa ito. "I'm not hiding. Probably I am. Maybe I'm insecure?"
Siya naman ang tumawa. "Akala ko ay wala iyan sa vocabulary mo."
Ngumiti ito muli. "Cebu is really far. I wanted a quiet life. Hindi ko na rin gustong maungkat pa ang eskandalo noon."
"He's proud of you. Handa siyang ipagsigawan sa buong mundo na anak ka niya."
"Alam ko. But he respected my decision not to. Pero marami naman din ang nakakaalam, mostly ay mga business associates niya. Including the Madrigals."
So Russell knew about him.
"Ayoko na rin kasing maungkat ang lahat. My mother is resting now. Hindi ko na gusto pang mahila na naman ang pangalan niya sa eskandalo. And as a sign of respect to Mrs. Hillary Santibanez."
Tumayo siya at umupo sa harapan nito. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod nito. "You don't have to please her or anyone. Ang mahalaga ay tanggap at mahal ka ni Don Enrico at Valerie."
Tumaas ang kamay ni Jet at sinapo ang kaliwang pisngi niya. "I know that. Pero ikaw, tanggap mo ba ako?"
Natigilan siya. "Bakit mo itinatanong iyan?"
Maluwang itong ngumiti. Iniunat nito ang mga hita sa magkabilang side niya at bahagyang umusod palapit sa kaniya. "You're really insensitive. Iniwasan mong magka-usap tayo at tumakbo ka pabalik dito."
Hinawakan siya ni Jet sa baba at itinaas ang mukha niya. "Bakit mo nga ako iniwasan?"
"Bakit naman kita iiwasan? May nakakahawa ka bang sakit?"
Tumawa ito at hinaplos ang pisngi niya. "Yan ang namiss ko sa'yo eh."
"Well, I don't miss you." Sumagi sa ala-ala niyang dapat ay galit siya dito dahil isosoli na siya nito na parang laruan lang siya na pinagsawaan na nito.
Nagulat siya ng imbes na sumagot ito ay yumuko ito at mabilis na hinuli ang labi niya. She gasped and he took that chance to explore the insides of her mouth. Para bang uhaw na uhaw ito at nakakita ng fountain ng tubig sa mga labi niya.
And she doesn't have the heart to deny him. She missed him badly. Sinuklian niya ang maalab na halik nito. Tanga nga talaga siya pero ano naman ang magagawa niya? She loves him, with all her heart.
"Geraldine..." Halos mamaos na bulong ni Jet sa labi niya. Mahigpit siyang niyakap nito at hinalikan sa ulo. "Why are you denying us this kind of passion?"
Itinulak niya ang binata at binitawan naman siya nito. She's thankful that she's seating or else she'll slumped on the floor. "There's no us."
Hinaplos ng thumb finger nito ang labi niya at impit siyang napa-ungol. "I followed you to get what's mine."
"I was never yours." Hinahabol pa rin niya ang paghinga. "Isosoli mo na nga ako, 'di ba? Ano ba tingin mo sa akin, laruan?"
Napakunot-noo ito saka napangiti. The nerve of him to smile. "So, narinig mo pala ang usapan namin. Pero sa tingin ko ay hindi mo narinig ang lahat."
Nilabian niya ito. "That's enough. Narinig ko ang narinig ko. Personal mo pa nga akong isosoli."
"You have a way to twist my own words. Anyway, sinabi ko lang naman na personal kitang ihahatid dahil kakausapin ko si dad sa kasal natin."
Napatitig siya dito at alam niyang napanganga pa siya. "K-kasal? M-may kasal?"
Jet laughed. "I really treasured these moments that I can make you buckle. Kasal. Marriage, you know."
Hindi nga siya makahagilap ng sasabihin. Iyon ang pinakahuling bagay na ineexpect niyang marinig dito. "B-bakit may kasal?"
"Dahil gusto kitang pakasalan."
"B-bakit mo ako gustong pakasalan? D-dahil ba naguguilty ka sa nangyari sa atin at kailangan mo akong panagutan? You don't have to do that. Malaki na ako. I know how the world works. Hindi ako ganoong ka naïve para asahang pakasalan mo ako dahil ikaw ang nakauna sa akin."
Jet laughed and cradled her face on both hands. "Geraldine, kahit wala pang nangyayari sa atin, I really don't care kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay mo. But I was really honored to be the first. I intend to be the last as well. Mahal kita kaya kita pakakasalan. Hindi mo ba naisip iyon?"
She was speechless. Hindi niya alam ang sasabihin.
"I'm yours the moment I first saw you. Sinikap kong pigilan ang damdamin ko dahil sa unang-una, opposite ka ng babaeng normal kong nakakarelasyon.
"Pangalawa, nagtratrabaho ka sa akin. Pangatlo, akala ko kerida ka ni Papa. At marami pang ibang dahilan kung bakit dapat ayaw ko sa'yo. But then again, all the reasons are irrelevant. I love you and that's it. Walang kasi-kasi o dahil. Basta iyon ang nararamdaman ko.
You're the craziest person to date that ever appeared in my life. I'm guess I'm lunatic to fall in love with you. Pero mahal kita, ano pa ba ang magagawa ko eh sa iyon ang damdamin ko."
Hindi pa rin siya makapagsalita. Nakatitig lang siya dito. And there it was, the love and adoration was shining in his eyes. Automatikong tumulo ang mga luha niya. He loved her after all.
Masuyong pinunasan ni Jet ang luha niya. "Cry baby." He teased.
"M-mahal mo talaga ako?" Siksik, liglig at umaapaw ang kasiyahan sa puso niya. She's elated. She'll be honored to be his wife.
"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? Sinusuyo na nga kita kahapon pero dedma lang yata sa'yo."
Mahina siyang tumawa. "Nanunuyo ka na pala ng lagay na iyon? Akala ko ay nang-iinis ka lang." Naalala niya ang bulaklak na bigay nito.
Nagkibit-balikat ito. "I do all the irrational things around you. Lagi na lang akong nangangapa pagdating sayo. You have that kind of effect on me. Now, gusto kong marinig mula sa'yo na mahal mo din ako." Utos nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Sino namang maysabi sa'yo? Imagination mo lang iyon."
Hindi agad ito nakaimik at napatitig lang sa kaniya. Hurt, confusion and rejection quickly spread on his face. "H-hindi mo ako mahal?"
"Hindi. Mahal na mahal na mahal kita." She smiled at him teasingly.
He loudly released the breath he's holding. "You are crazy, alam mo ba iyon?"
"Alam ko. I'm crazy in love with you." Iniyakap niya ang dalawang braso sa leeg nito. "Hindi ko rin alam kung bakit. You're a jerk at walang araw na hindi mo ako iniinis. I hate that you can get under my nerves.
"Pero sa pagtratrabaho ko sa'yo, nakita ko ang ibang side mo. You're too kind hearted even to the lowest rank in your company. Kung tratuhin mo sila ay parang pantay-pantay lang kayo. You're sweet and you're kisses drugged me."
Maluwang na ngumiti ang lalaki. "I like that."
"Look at you, you're so conceited. Lumalaki na ang ulo mo." Tukso niya dito.
Malakas itong humalakhak saka sumeryoso. "I love you so much, Geraldine. You made me live again. Ako na ang pinakamasayang lalaki dahil tinanggap mo ako at minahal. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti para matagpuan ka. But I think I did a lot because you found me.
"Inaalis mo ako sa gloomy na mundo ko at binigyan mo ako ng light. In return, I will love you forever. Hindi ka na mag-iisa at masasaktan." He vowed solemnly. "Nakahanda rin akong harapin ang lahat kung gusto mong manatili rito. I'll go wherever you are."
Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa mga mata niya. "Thank you. And I love you as much. But then shut up and just kiss me."
Maluwang itong ngumiti. "With pleasure." Saka nito sinakop ang mga labi niya at buong init siyang hinalikan.
She leaned on him and reciprocated the sweet kisses he's bestowing her. Wala na siyang mahihiling pa. Susunod din siya dito saan man nito gustong pumunta lalo kung gusto nitong manatili sa Cebu.
Alam niyang maiintindihan ni Don Enrico kung sakaling tanggihan niya ang presidency ng SGC para makasama si Jet dahil ang lalaki na ang priority niya. Parang gusto niya tuloy na halikan ang matanda sa pagbibigay nito sa kaniya ng pag-ibig ni Jet. Dahil sa mischief nito, nagtagpo ang mga landas nila ni Jet. And he gave her happiness, more than she ever hoped for.

THE END

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances) 🎉
The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon