"Please close the door."
She froze at that booming voice. Buong-buo at masarap sa pandinig. It's like his voice itself is a lover's caress. Huh? Angal ng utak niya, saan galing yun? Napatitig siya sa nagsalita. Nakayuko ito sa lamesa nito sa gitna ng kwarto, sa likod nito ay glass window mula floor hanggang ceiling at backdrop ang bundok at mga puno.
He never raised his head. Abala ito sa pinipirmahan nito. Tentative siyang naglakad palapit. Hindi niya alam kung bakit biglang nanginig ang mga tuhod niya. Titig na titig din siya dito.
He's wearing blue long sleeve polo. Nakatupi ang manggas noon sa may siko. Nagstrain ang polo nito sa malapad na balikat. Napahinto siya sa paglapit nang magtaas ito ng paningin. Literal niyang nahigit ang paghinga.
Jethro Andrew Collins.
It's illegal for someone like him to freely roam this mere world of the mortals. The man was a perfect creation. Panis ang lahat ng tinitiliang lalaking artista dito, lokal or Hollywood. 101% male perfection. Pangahan ang mukha nito, makapal na kilay, straight nose, black thick hair. Deliciously wicked sensual mouth.
And his eyes, it was the same color of green leaves in darker shade. It was oddly hipnotizing. Like a moth to a flame. Parang tumalon ito mula sa cover page ng men's magazine. The only goal is to mesmerize and seduce woman like her into absolute submission. Starting with those intense green eyes.
Shit! Muli niyang mura sa isip. She was never poetic. Pero pagkakita niya kay Mr. Collins, lahat na yata ng the best na adjective ay nagamit na niyang description dito. Ito ba ang assignment niya? How can she act naturally or not feel anything? Ngayon pa nga lang nakatitig ang berdeng mata nito sa kaniya ay nabatu-balani na siya.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo. He repeated that motion a lot of times. Distaste was written all over his face. She tried not to be conscious. Kahit pakiramdam niya'y napapaso siya sa paraan nito ng pagtingin. Nanunuot ang mga titig nito sa bawat himaymay niya. Parang gusto niyang himatayin pero nagpakatatag siya. Hindi dapat malaman ng lalaking ito na bigla ay jumbled-jumbled na ang thoughts niya at hindi na niya maalala pa kung bakit nasa harap siya nito.
"Are you lost?" Tanong nito pagkatapos ng matagal na pag-iinspeksyon nito sa kaniya na akala mo ba ay isa siyang paninda, isang bilasang isda sa palengke.
"I'm sorry?" Natauhan siya bigla sa tanong nito.
Napahawak ito sa ulo nito at muling napailing sa kaniya na para bang isa siyang malaking kalokohan. "Is the old man joking with me? Are you really my secretary?"
Tinaasan niya ito ng kilay. Full force ay nagbalik siya sa sarili niya. How dare him look at her like she's the worst thing he had ever seen in his entire life? "Bakit anong problema?"
He laughed, a sarcastic laugh. "You are the problem."
She silently counted one to ten. Pilit niyang pinakalma ang boses. He doesn't know. He doesn't even have the faintest idea who she really is. Kahit naman siya ay iniisip na kalokohan talaga ang itsura niya. Pero hindi pa rin niya mapigilang makadama ng inis sa inaakto nito. Bigla ay lumipad ang magagandang adjectives niya para dito, nag-oovertime na ang utak niya sa pag-iisip ng mga negative description.
He's acting like he's God. High and mighty. Na akala mo ay isa siyang maliit na langgam na gusto nitong tirisin. Na mababa ang tingin nito sa mga babaeng katulad niya. Well, hindi siya talaga pero sa mga babaeng katulad ng itsura niya ngayon.
Bigla ay parang gusto niyang maging uber feminista. Ipagtanggol ang mga babaeng ganito magdamit laban sa mga lalaking katulad nito. He doesn't have the right to judge the person depending on the choice of her clothes.
Alam niyang siya ang unang nagjudge ng makita niya ang suot niya pero iyon lang any dahil sa hindi siya sanay na ganoon ang suot. Iyon lang iyon. But this man in front of her? No, he's entirely different. Mababa ang tingin nito sa katulad niya ngayon.
Well, she'll show him. Gagawin niyang miserable ang buhay nito sa loob ng dalawang buwan. She'll be his most stupid and craziest secretary. Tignan lang niya kung hindi ito masiraan ng ulo. He'll go head to head with Anna Geraldine Alcantara, VP for Operations of SGC. At wala itong kahit anong katiting na ideya man lang.
Matamis niya itong nginitian. Too sweet for his own good. "Bakit boss, anong problema sa akin? Mabaho ba ako, bungi o amoy moth balls?
Lalong kumunot ang noo nito at nag-isang linya ang labi nito. "Are you trying to joke? Its not funny."
Hindi pa rin niya inaalis ang ngiti niya, any moment mahihipan na siya ng hangin, nananakit na rin ang panga niya. "Hindi Boss, hindi ako marunong magjoke."
"Damn it! Quit smiling." Parang asar na asar na utos nito.
Niliitan niya ang ngiti. "Bakit sir, masagwa ba akong ngumiti?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. Nagexhale-inhale din ito na wari ay pinipigil nito ang sarili na magalit ng tuluyan. Tumayo ito sa swivel chair nito at umikot sa harapan niya.
Pinigil niya ang mapaatras. But my! How he dwarfed her. Halos hanggang balikat lang siya nito. Sumandal ito sa lamesa nito at ipinagkrus ang mga braso nito sa dibdib nito. Natuon ang pansin niya doon. Incredible wide expanse of chest. Hindi iyon maitago ng suot nitong polo. Parang gusto niyang himatayin.
The man was impossibly uber sexy. It's unfair! She's Anna Geraldine Alcantara, for heaven's sake! Wala pang lalaking nakaapekto sa kaniya ng ganito at nakapagpatuliro ng sistema niya. Lumuluhod ang mga lalaki sa kaniya at isang kumpas lang ng daliri niya ay magkukumahog na ang mga ito na paluguran siya. Pero ang lalaking ito ay sobra ang reaksyon ng katawan niya. Its like her very soul is calling out to him.
"Humor me, Ms. Morales," nagsalita ito muli. "Bakit ganiyan ang suot mo?"
Ginaya niya ang stance nito, pinagkrus din niya ang braso niya sa dibdib niya. Well, dahil din sa gusto niyang takpan ang katawan niya dito lalo pa at hindi nakatali ang sash ng coat niya. She felt almost naked because of his intense gaze. "Sir, as far as I know, there's no discrimination in this company. May assurance ako mula kay Don Enrico na tatanggapin ako dito. Kahit ano pa ang itsura ko."
Nagtaas ito ng kilay. "So, ganiyan talaga ang itsura mo?"
Tinaasan din niya ng kilay ang lalaki. "Ano bang problema mo sa itsura ko?"
"Ano ba sa tingin mo?"
"Wala." She haughtily answered. Tumaas pa ang noo niya.
He chuckled. Hindi niya alam kung naiinis na naman ito o naaamuse sa kaniya. "Nagsuklay ka ba?"
Wala sa sariling napahawak siya sa buhok. "Its natural."
"The clothes?"
"I love colors."
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "And the make-up?"
"I look beautiful."
"Hindi mo ba naisip na mas maganda ang natural beauty?"
"Why? Do you prefer natural beauty?"
Tumawa ito. "And tell me this now, why suddenly it became about my preference? Do you want me to like you?"
Gustong mag-init ng bumbunan niya sa kayabangan ng lalaking kausap. "Ano namang pakialam ko sa taste mo? Wala akong balak na magustuhan ka!"
Sa gulat niya'y malakas itong humalakhak. "So, bakit ka natulala kanina? I never missed the admiration in your eyes."
"Hah!" Siya naman ang tumawa. Ito na ang pinakamayabang at pinaka-antipatikong lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. "Hindi ka rin naman mayabang ano?"
"I'm just stating the truth." Kumikislap ang mga mata nito.
"Dream on, sir. Hindi kita type. Hindi kita mata-type-an. Hindi ako natulala sa'yo, kahit ano pa ang gusto mong paniwalaan." Gustong umusok ng ilong niya sa inis dito. Masyado itong nag-aassume. Ang lalong kinakainis niya ay totoo ang sinasabi nito. Sapol na sapol siya.
Umalis ito sa pagkakasandal at humakbang palapit sa kaniya. Pinilit niyang huwag mapa-atras at pinatatag ang mga tuhod niya kahit parang tubig iyon na gustong umagos papunta sa sahig. He was walking towards her like a predator stalking its prey. Tumigil ito sa harapan niya at niyuko siya.
"Wala akong pakialam kahit ano pa ang trip mo sa buhay, Ms. Morales. I just wanted the job to be done. Dapat ay kasing efficient ni Sally. The problem is the other employees in this place. Hindi sanay ang mga tao sa babaeng katulad mo. Lalo na ang mga lalaki. Baka walang trabahong matapos."
Itinaas niya ang noo. "Iniisip mo bang makikipaglandian lang ako dito?"
"Ikaw ang nagsabi, hindi ako."
Kinalma niya ang sarili, walang mangyayari kung magpapaapekto siya dito. Muli siyang maluwang na ngumiti. "Don't worry, if I ever do that, I'll tell the boys not to say anything at all especially to you. Ngayon, naghihintay si Sally. Gusto ko na siyang makausap para makauwi na rin siya. Mabigat ang dinadala niya. Hindi ka ba naaaawa?"
Nagsalubong ang kilay nito at pakiramdam niya'y anumang oras ay sasakalin siya nito. Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin. One more second before she gives up, tumalikod ito sa kaniya at bumalik sa swivel chair nito.
"You're dismissed."
Sa inis niya ay nagcurtsy siya dito. Just to mock him. "By all means, sir." Saka siya mabilis na tumalikod. Inis na inis siya. Gusto niya itong talakan pero kinalma niya ang sarili. She's always calm and level-headed. Pero pagdating sa lalaking iyon ay lumilipad ang lahat ng pasensya niya.
"So, anong nangyari? Anong sabi sa'yo?"
Nagulat siyang napatingin kay Sally. Hindi niya namalayang nakatayo na siya sa harapan nito. Napasimangot siya. "Ganoon ba talaga kayabang yung boss mo?"
Tumawa ang babae. "Hayaan mo na iyon. Mabait naman talaga iyon."
Muli siyang sumimangot. "Mabait? Baka pag tulog! Puro hangin sa kayabangan."
Lalo pang tumawa ang buntis. "Ano ka ba? Once na makatrabaho mo na si Sir Jet, marerealized mo na mali ang first impression mo. Siya ang pinaka-okay na boss na pwede mong pagtrabahuhan. He's strict when it comes to the business. Gusto niya laging in order ang mga bagay-bagay. Gawin mo lang ang gusto niya, magkakasundo kayo."
"I doubt it. Masyadong mababa ang tingin niya sa akin."
Sumeryoso si Sally. "Huwag mo sanang masamain pero kahit ako ay nagulat. Hindi kasi namin ineexpect. Ganun lang marahil ang iniisip din ni Sir Jet. Pero hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng mga empleyado niya. Pero hindi kaila sa lahat na madali siyang lapitan at kausap.
"Isa pa, nakita mo nama kung gaano siya kagwapo. Masarap yatang pumasok sa araw-araw lalo pa at ganoong tanawin ang makikita mo." Muli itong tumawa. "Kung hindi nga ako inlove sa asawa ko, hindi rin siguro ako immune sa charm niya."
"Ilang taon na iyang boss mo?" Hindi niya maiwasang maitanong dito. Sa kabila ng inis niya, interesado siyang makaalam ng mga bagay-bagay tungkol dito.
Nanunuksong nginitian siya ni Sally. "Hindi ka immune no?"
"Hindi ano! Gusto ko lang magkaroon ng idea sa magiging boss ko sa loob ng two months." Mabilis niyang kaila.
Sally knowingly smiled but didn't probe more. "He's thirty three. Most sought eligible bachelor in the town. Dedicated siya sa pagtratrabaho. At katulad ng sinabi ko, basta nagagawa mo ng tama ang isang trabaho magkakasundo kayo. He's a generous boss too. Mahilig siyang magtreat lalo na at may successful na goal ang napagtrabahuhan ng lahat."
Tumango-tango siya. She's suddenly having ideas on how to make his life miserable. Ibinalik niya ang atensyon kay Sally. "Ano na nga yung mga ibibilin mo para makapagrest ka na?"
Nagsimula naman ang babae na i-familiarize siya sa mga trabahong gagawin niya. She lost track of time because of that. Nakauwi na si Sally na sinundo ng asawa nito. Ipinagkatiwala muna nito sa kaniya ang trabaho nito. Nangako naman siya ditong siya ang magiging pinaka-the best na temporary secretary.
Masayang umalis ito. Little did she know that she's already plotting some revenge for the high and mighty Jethro Andrew Collins. Ibabagsak niya ito mula sa pedestal na inuupuan nito. Pagsisisihan nitong nakilala siya nito."Ms. Morales, come inside."
Hindi siya nakasagot dahil binabaan na siya ng telepono ng lalaki. How rude! Tumayo siya at siniguradong nakatali na ang sash ng coat niya. Bahagya din niyang sinuklay ang buhok niya. Napatingin siya sa wall clock at nagulat pa siyang alas syete na ng gabi.
Masyado siyang immersed sa ginagawa niya kaya nawaglit na siya oras. Kaya pala kanina ay isa-isa ng nagtatayuan ang ibang empleyado at siya na lang ang naroroon. They would look at her curiously before heading out. Bilib din siya sa boss niya na mukhang seryoso din sa ginagawa nito dahil naririto pa rin ito. Pero nagpasalamat siya na hindi siya nito inistorbo. Busy siya sa pagtitingin ng mga files upang makakuha ng mga proof na nagwawaldas ng pera ng kumpanya si Mr. Collins.
But there was something nagging at the back of her mind. Parang hindi matanggap ng sistema niya na ganoong klaseng tao ito. Pero isinuksok niya iyon sa pinakagilid ng isip niya. He's a stranger. Hindi niya alam kung anong capable nitong gawin. He could be a professional too. Hindi nga ba kahit si Don Enrico ay hindi makahanap kahit anong butas dito? Hindi niya mapigilang maalala ang dahilan kung bakit siya nandito.
"Embezzling?" Napakunot-noo siya sa kausap. Nagulat pa siya ng sabihin ng secretary niya na pinatatawag siya ng CEO nila. Urgent matter daw. Hindi naman niya ineexpect na iyon ang sasabihin nito.
"Oo, G. Masyado siyang matinik kaya hindi ako makahanap ng proof. Hindi kumikita ang kumpanya, puro palabas ang pera at walang pumapasok. There were documents supporting the claim for outgoing money. Pero hindi ako mapalagay. There's something wrong somewhere."
"Bakit hindi ka maghire ng detective?"
Nagkibit-balikat ito. "I already did. Pero masyado talagang matinik eh. Now I needed someone inside. Iyon ang naisip ko. It would be easier."
Tumango-tango siya. Pwede, isang taong kasa-kasama nito araw-araw. "It could be. So, sinong inilagay mo?"
Tinitigan siya nito. "Wala pa. But I have someone in mind."
Napatuwid siya ng upo sa paraan ng pagtitig nito. Naitaas niya ang dalawang kamay. "Oh no, Ninong! Hindi ko gusto ang tingin mo."
"Come on, G. I needed someone inside I can trust."
And voila, here she was. Dahil sa pakiusap ng matanda ay siya na ang mole nito. Sa dalawang buwan, kailangan niyang mabuko si Mr. Collins sa pagwawaldas nito ng pera ng kumpanya. And she vowed that she will expose him. Itinulak niya ang pinto at pumasok sa loob ng opisina nito.
Inip ang mukhang nakatingin ito sa kaniya habang nakasandal sa swivel chair. Pinilit niyang kontrolin ang pagtalon ng puso ng titigan siya nito.
"You're slow. Kanina ko pa sinabing pumasok ka."
Naglakad siya palapit dito. "Andito na ako, sir. Hayaan niyo sir, next time magtratransport ako para hindi ka pa kumukurap nandito na ako.". Nagulat siya ng imbes na mairita ito sa pang-iinis niya ay tumawa ito.
"You're so feisty. You're not boring." Parang impressed na wika nito.
Tinaas niya ang noo. "Thank you."
Napailing lang ito. "I surmised Sally told you what to do."
Tumango siya kaya nagpatuloy ito. "Pwede ka ng umuwi pero dapat ay nandito ka na bukas ng 8am. Pagdating ko, prepare me a cup of coffee, two teaspoon of sugar. Bukas na lang natin pag-usapan ang mga gagawin mo. You can go now."
Hindi siya sumagot at tuluyang lumabas ng kwarto. Bigla ay gusto na nga niyang umuwi. Kailangan na niyang makapagpalit ng damit at matanggal ang makapal na make up sa mukha niya. Nangangati na ang muka niya.
BINABASA MO ANG
The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceDahil sa kahilingan ng ninong niya, pumunta si Geraldine sa Cebu. Ang assignment niya ay ang makakuha ng mga ebidensiya upang ma-expose ang pagnanakaw ng pera doon bilang isang temporary secretary sa kompanyang may shares of stocks ang matanda. Doon...