Chapter Eight

7.9K 159 1
                                    

"Ms. Morales?"
Napalingon siya sa receptionist. May hawak itong napakagandang boquet.
"Ma'am, ipinadeliver po ito para sa inyo." Inabot nito sa kaniya ang napakacolorful na boquet, daig pa rainbow. Iba't ibang bulaklak na sari-sari ang kulay.
Kinuha niya iyon at tinitigan. Tinignan niya ang maliit na card pero walang name ng sender. "Thanks." Saka siya naglakad papunta sa elevator. Kanino kaya galing ang flowers? She doesn't like too much colors. Dati neutral and soft shades lang ang mga isinusuot niya. Napasubo lang naman siya kaya pinagtitiisan niya ang mga damit na binili ni Valerie.
"Hi."
Napatanga siya kay Jet. Maaliwalas ang mukha nito. Parang napakasaya at walang problema. Like a kid who got his favorite toy. He was devastatingly handsome. Parang gusto niya na lang tumunganga dito. His green eyes were amazing.
"Geraldine..."
"Huh?" Mabilis siyang napatayo. Shit! What a way to start the morning. Matulala ba daw kay Jet.
"My coffee?" Nanunukso ang ngiti nito na wari ba'y alam nito ang pinagkakatulala niya.
Bago ito umalis ay nilingon nito ang bulaklak sa lamesa niya at saka parang humuhuni-huni pa ito bago ito pumasok sa kwarto nito. Napakunot-noo siya. May sakit ba ang amo niya? He's not acting normal. Hindi pa niya makalimutang allergic ito sa bulaklak na ibinigay sa kaniya noon. Ngayon ay hindi ito nagalit, imbes ay parang tuwang-tuwa pa ito.
Mabilis siyang sumunod dito at dumiretso sa mini-pantry. Maloloka siya kapag pinilit niyang i-analyze ang mood nito. Lumabas siya at ipinatong ang tasa ng kape sa desk nito. Nakatayo ang binata sa may glass wall habang itinutupi nito ang manggas ng polo nito.
"Come here, Geraldine." Nakangiting utos nito.
And like a magnet, she was in front of him in a matter of seconds. "Bakit?"
Iniunat nito sa kaniya ang dalawang braso. Napasandal siya sa glass wall habang nakatuon naman ang palad ng lalaki doon. Huli na ng marealized niyang natrap na naman siya nito.
"Kindly fold my sleeves." Mahinang utos nito at inginuso ang manggas na hindi nito natapos tupiin. Hindi rin nito inaalis ang tingin sa kaniya.
Katulad ng nahihipnotismo, umangat ang mga kamay niya patungo sa kaliwang braso nito at sinimulang tupiin ang manggas nito. All the while, she's holding his stare. And then there were just two people staring at each other, the only thing that can be heard is their shallow breathing.
Nang matapos siya sa magkabilang braso ay ibinaba niya ang dalawang kamay sa tagiliran niya. "Done."
Ngumiti ito. "Thanks. Do you like the flowers?"
Napakunot-noo siya. "Flowers? Sa'yo yon galing?"
"Yap. Nagustuhan mo?" Muling tanong nito.
Napangiti siya. "Sir Jet, okay ka lang ba? Bakit mo ako pinadalhan ng bulaklak? Hindi bat allergic ka doon?"
Bahagyang lumapit sa kaniya si Jet. "Who told you?"
"Ipinapatapon mo dati ang mga bulaklak na bigay sa akin."
He laughed. "Ayaw ko lang kapag galing sa iba. The only flowers you should accept should be from me."
Napailing siya. Hindi siya naiinis, parang nahahawa siya sa magandang mood ng binata. "Aren't you conceited?"
Umangat ang isang kamay nito at bahagyang hinaplos ang buhok niya. Napasandal siya lalo sa glass wall.
"Just trying to get a message across."
"At ano naman iyon?" She was now having trouble breathing with the closeness of their body plus his hand on her hair.
"That you're mine." He softly said.
Nanlaki ang mga mata niya. "Kailan pa?"
Nakadama siya ng disappointment ng tuluyang lumayo ito sa kaniya at umupo sa likod ng desk nito. "Go back to work."
Hindi siya makakilos. Nakatanga lang siya dito. Pakiramdam niya'y pinaasa siya nito. Hindi niya gustong basta na lang siya nito iniwan sa ere. "You're an asshole, you kow that?"
Strained na tumawa ang lalaki at pinagulong nito palapit sa kaniya ang swivel chair. "Kapag hindi ka lumabas, makakalimot ako. I would kiss you endlessly. At it would not be enough. I would take you to my bed. Pero hindi ko gustong gawin iyon hangga't hindi pa tayo nagkakausap ng masinsinan tungkol sa ating dalawa. But talking could wait until tonight at dinner."
She was scandalized with what he said. There was an underlying promise with his words as well. "Sino naman ang maysabi sa'yo na madadala mo ako sa kama?"
Muling tumawa ang lalaki at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Pilit niya iyong binawi pero hindi iyon binitawan ng lalaki. "C'mon, Geraldine. I could very well make love to you right now and you'll not decline."
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Huwag mo akong isali sa mga babaeng nagkakandarapa sa'yo!" Nakaramdam siya ng inis sa mga babaeng pinapatulan nito.
"Don't be jealous with them. Wala na akong pakialam sa kanila. Ikaw na lang ang gusto kong magkandarapa sa akin." Nanunukso ang mga ngiti nito.
"Hindi ako nagseselos sa kanila," mariin niyang pagtanggi. "At hindi ako magkakandarapa para habulin ka."
"It's okay. Hindi naman ako magpapahabol. I'll meet you halfway."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. He was trying to lure her out with his charms. At dahil vulnerable siya dahil mahal niya ito, pakiramdam niya'y madadala siya. "Pinaglalaruan mo ba ako?"
Pinisil ni Jet ang mga palad niya. "Hindi."
"Then stop this nonsense."
"Ayoko."
"Sira-ulo ka ba at pinagtritripan mo ako?"
"Hindi kita pinagtritripan. Pero malapit na nga siguro akong masiraan ng ulo sa'yo."
Hinila niya ang kamay pero hindi pa rin iyon binitawan ni Jet. Hinila siya nito kaya nakulong siya sa magkabilang hita nito. "Damn it, Geraldine. I can't help but touched you. Ginayuma mo ba ako?"
She indignantly shook her head. "Ano naman tingin mo sa akin, mangkukulam?"
Tumawa ang lalaki at malakas siyang napasigaw ng mabilis siyang yakapin nito sa beywang at ihimlay nito ang ulo sa tiyan niya.
"C'mon, Geraldine. I'm almost lost at words with you. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko kapag kausap ka. You can make me very dim-witted. Ngayon ko lang narealized na magkaiba ang business at ikaw. With business, I'm always in control. Pero pagdating sa'yo, hindi ko alam ang tamang salita."
Hindi siya agad nakapagsalita, nakatitig lang siya sa ulo nito. "W-what are you saying?"
Hindi ito sumagot at humigpit lang ang pagkakayakap nito sa kaniya. Napahawak siya sa magkabilang balikat nito.
"Jet..." Bulong niya dito.
"You're not even my type, you know. I even hate your fashion sense."
Hindi siya kumibo. Hate niya rin kasi ang fashion sense niya. She suddenly felt alone when Jet finally let go of her. Iginulong din nito palayo ang swivel chair.
"Let's talk about it over dinner." Sandali itong natigilan. "You will have dinner with me right?"
Hindi iyon utos, it was a request. Ngumiti siya. "Sige."
Malapad na ngumiti ang lalaki. "Thanks. Sige na, magtratrabaho na ako."
Ngumiti rin siya saka humakbang palapit sa pinto.
"Geraldine..."
Napalingon siya dito. Palapit na ito sa kaniya.
"I forgot something."
"Ano iyon?"
"This." Yumuko ito at hinalikan siya ng mariin. Pero bago pa magsink-in sa kaniya ang nangyari ay mabilis na itong nakabalik sa desk nito.
"It's enough for now. I'll give you a proper kiss later." Kumikinang ang mga mata nito sa pagngiti.
Sa halip na magalit ay napangiti din siya saka tuluyang lumabas ng kwarto. She's looking forward to his promise. There really might be some hope, after all. Mahal niya si Jet at sigurado siyang handa niyang tanggapin kahit ano mula rito. At mamaya, kung mag-uusap sila ng tungkol sa kanila, magtatapat na siya ng tungkol sa totoong siya.
Kakausapin na rin niya si Don Enrico. She'll show him the proof that Jet is innocent. And maybe, magkakaroon sila ng sariling happy ending. For the first time in a long long while, she's very inspired to work.

The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon