"My! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Sigaw niya. For dramatic effect. Pasalamat ito at malamig na wine at hindi mainit na kape ang natapon dito. Iyon kasi ang hiningi nito sa kaniya.
Narinig din niya na kausap nito si Don Enrico at gusto na siya nitong pabalikin sa maynila. Naiirita na daw ito sa kaniya. Sa isang buwan niya dito ay lagi itong nakasimangot tuwing makikita siya. Wala rin itong pakundangang laiitin ang suot niya kahit sa harap ng mga department heads.
"Damn it, Geraldine! Nananadya ka ba talaga?" Halos manlaki ang mata nito sa kaniya.
"Sir, natapilok ako. Pasensya na kung may pagka-clumsy ako." Sinalubong niya ang titig nito.
"You're not clumsy at all. You're a wicked witch." Nasa mukha nito ang inis sa kaniya.
"Wow! Marunong ka pa sa akin, sir Jet. Ako ang may katawan. Here, punasan na lang natin." Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at sinimulang punasan ang polo nito. Nang sumayad ang kamay niya sa dibdib nito ay lumipad ang lahat ng katinuan niya. His chest was compact, firm and hard. Sa isang iglap, natigil siya sa pagpunas dito at sa halip ay tentative niyang dinama ang dibdib nito.
She heard him groan. Mabilis nitong inalis ang kamay niya. "That's enough. Ako na ang bahala." There was a catch in his voice.
Napatingala lang siya dito. Pakiramdam niya'y nablangko ang isip niya. Then he started to unbutton his shirt. "A-anong ginagawa mo?"
Nabalik siya sa wisyo ng tuluyan nitong mahubad ang polo nito. Her little trick backfired on her. She's almost drooling on his bare chest. Sinewy muscles and perfect abs.
"Ano ba sa tingin mo? Binasa mo ang polo ko kaya hinubad ko." Nasa tinig nito ang iritasyon sa kaniya. "Isara mo iyang bibig mo at baka may pumasok na langaw, ikuha mo ako ng bagong damit."
Naitikom niya ang bibig. Hindi niya alam na napanganga na pala siya dito. And then the humiliation totally sinked in. Mabilis siyang tumalikod at halos tumakbo papunta sa kwarto nito.
Pagdating doon ay napasandal siya sa pinto at napahawak sa sariling dibdib. Shit! Obvious na natulala siya sa katawan ng boss niya at hindi iyon pinalampas ng walanghiya para pahiyain siya. Ano naman kasing magagawa niya, eh nakakatulala naman talaga ang katawan nito.
"Geraldine, the shirt!" Sigaw ng lalaki.
Mabilis siyang lumapit sa closet nito at naghanap ng damit doon. Hinaklit niya ang isang puting polo at saka kinakabahang lumabas. Iniiwas niya ang mga mata sa katawan nito at tumitig siya sa vase sa gilid ng pinto ng pantry.
"You can look now. May damit na ako. Kanina ay natulala ka sa hubad kong dibdib, bakit ngayon ay bigla ka yatang nahiya?" May panunukso na ang boses nito at wala na ang inis doon.
Siya na ngayon ang full force ang inis. Tuwang-tuwa talaga ito kapag napapahiya siya. Siniringan niya ito. "At least hindi ako nasuka ng maghubad ka."
Tumaas ang isang sulok ng labi nito at naaaliw na tinitigan siya. "I doubt it. Sa pagkakatulala mo sa dibdib ko, parang gusto mong ihimlay ang ulo mo at damhin ang dibdib ko."
She glared at him, nose flaring. "Ang kapal din ng mukha mo, sir. Masyado kang assuming!"
Napaatras siya ng lumapit ito sa kaniya. Niyuko siya nito at hinawakan siya sa balikat.
Pakiramdam niya'y lalagnatin siya sa close proximity nila ng binata at sa init na nanggagaling sa kamay nito patungo sa balikat niya.
"For once, Geraldine, try to be honest with yourself. Masyado bang masakit sa pride mo na amining attracted ka sa akin?" His green eyes intently bored on hers.
Ipiniksi niya ang balikat pero hindi iyon binitawan ng lalaki. "Sir, masyado naman yata na mataas ang self-confidence mo?"
He smiled like a wolf. "Just stating a fact."
Umiling siya. "Its just a superficial belief. Walang proof."
He suddenly caressed her shoulder. Nanuuot ang init ng palad noon sa suot niyang blouse. "You're even affected by my touch. That is one proof."
Pakiramdam niya'y hinihipnotismo siya ng mga mata nito. "Imagination mo lang iyon sir."
Nagtaas ito ng kilay. "Let's check."
Sa isang iglap, ang kamay nitong nasa balikat nya ay napunta sa batok niya. Before she even react, his firm but soft mouth is already above her own.
Nanlaki ang mga mata niya. His kiss deepened when she whimpered. His tounge plundered inside his mouth and kissed her carnally. Napapikit siya at lumipad ang lahat ng nasa isip niya. Napahawak din siya sa balikat nito at napatingkayad.
She was kissed by her previous boyfriends before but they're all fell short to the kind of kiss she's receiving at that instant. This is mind blowing and nerve wracking. Full of wanton promises. And she was ashamely returning the kiss which earned a deep moan from Jet.
Hindi niya alam kung gaano katagal ang halikang iyon. Ang alam niya lang ay habol niya ang hininga ng bitawan ni Jet ang labi niya. Itinuon nito ang noo nito sa balikat niya sa loob ng ilang sandali. He was also having trouble breathing.
Ilang sandali pa ay tumuwid ito ng tayo at umupo sa swivel chair nito. Umikot ito at tumitig sa glass wall. Naiwan siyang nakatulala. She was horrified. She eagerly participated with the kiss. At nang matapos iyon ay basta na lang siyang binalewala ng lalaki.
Naramdaman niya ang pamimigat ng mga mata. Mabilis siyang lumabas siya ng kwarto at pumunta sa ladies room. Pumasok siya sa isang cubicle at doon umiyak. When was the last time she cried? Matagal na, noon pang namatay ang parents niya.
Ang misyon niya ay iexpose ang lalaki. Imbes na maghanap siya ng ebidensiya laban dito ay busy ang puso niya sa pagkakagusto dito. And that hateful man have now an idea of what she's feeling. At ang masakit pa ay basta na lang siya idiniscard nito ng ganon-ganon na lang.
BINABASA MO ANG
The Love I Found In You (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceDahil sa kahilingan ng ninong niya, pumunta si Geraldine sa Cebu. Ang assignment niya ay ang makakuha ng mga ebidensiya upang ma-expose ang pagnanakaw ng pera doon bilang isang temporary secretary sa kompanyang may shares of stocks ang matanda. Doon...