Chapter 1: The Background
WAAAAH! LATE NANAMAN AKO!!
Haay, ano beeh! Naturingang FIRST DAY NG KLASE tapos malelate pa ako?! BV!!!
Salamat kay Dins at tumawag siya dahil sa di ko pagtupad ng usapan!
*tumutugtog ang Who Says*
Kinapa ko ang BB ko at eto ang bumulaga saken:
Dins: Hoy loka! Anung oras na?! Sabe mo eh magtetext ka ng 5 A.M para sabay tayo umalis! 5:30 na poo!
Ako: OO NA! PECHAY NA 'TO, WAG ATAT! MALILIGO NAA!!
So ayun, naligo ako, na kahit na sabihin ko pang nagmamadali, eh inabot pa rin ng 20 minutes.
Sorry naman! Dyosa eh! :P
After nun, bihis na, kasama lahat ng mga rituales at ora-orasyon na tulad ng lotion, toner sa fez, deodorant at pulbo! Ubos ulit ang 20 minutes! Nagmamadali na ako neto ha?
Then kain na ng aking favorite na hotdog and eggs sa toast na may Cheez Whiz at Ketchup!
Weird ba?? Hehehe!
Habang nasa gitna ako ng pagkain ko, dumating na si Mama at ang stepdad ko na si Tito ER galing sa kanilang daily jogging routine sa may Rockwell. Sila na healthy!
Mama: Oh, anak, ba't di ka pa pumapasok? 7 A.M ang pasok mo diba? 6:30 na kaya!
Ako: Masarap matulog eh! Bibilisan ko na lang po pagkain ko! :D
Sabay akyat ang mag-asawa sa kwarto.
Ganon lang yun??
Nung matapos ako, diretso ako sa pantry para dumekwat ng mga chichirya pampalipas gutom!
Nakakuha ako ng mga wafer at Choco sandwich at Otap!
Pagkalabas ko, eh may nakaabang nang tricycle para saken, tinawag na pala ako ni Yaya ng tricycle! YES!
Habang bumabyahe, soundtrip lang ang gawain ko, gamit ang iPod na regalo ni Mama nung Pasko.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Nung dumating ako sa school, walang tao sa Atrium! Nakanang, late na talaga ako! WAAH! Halos tumakbo ako papunta sa taas, kase sa 4th floor pa kami!
Pagdating ko sa harap ng room namin, huminga muna ako ng malalim, sabay bukas ng pinto.
JEEEEEEEDDDD!!!!!
Yan ang sigaw ng mga kaklase ko, kahit na may prof sa harap. Grabe teh, mga adik na 'to, di na nahiya!
At di ko namalayan, nasabi ko pala yung last sentence na sinabi ko.
Sila: ABA, AYAW MO BA? WAG NANG CHOOSY!
*sabay hagalpak ang mga loko*
As in hagalpak, di lang tawa, hagalpak pa talaga!
Ako: Ay jusme, para naman akong clown, mga ateng!
At lalo pang natawa ang mga kaklase kong baliw.
Nakikitawa din yung prof, babae siya, cute, ala-Dora the Explorer yung dating, may backpack sa tabi niya.
Inunahan ko na sila.
Ako: Hi Ma'm good morning po!! Sorry po sa kaadikan ng mga kaklase ko, napagusapan na po kase namin 'to eh. :D
Propesora: Good morning din! Enjoy nga eh! Hahaha! O siya, upo na!
Nung tumahimik na sila, um-ok na din yung mga pa-echos na kasabay ng first day.
May pattern na nga yun lalo na kapag bago yung prof, intro nila, intro sa subject, tapos intro niyo sa klase.
Eto ang PSY II-01, ang block ko sa school. Ang aking 2nd family, ika nga.
Nag-aatendance na si Ma'm ng may narinig kaming kakaiba. . .
"Dumpit, Elisan, Encarnacion, Laforteza, Lopez, Manalo."
Ha, pakiulit?
Wala naman kaming Lopez na kaklase ah!! Sino YUN?!
(A/N Hi Guys! First chapter pa lang itech, so watcha think?! Comment and vote!)
BINABASA MO ANG
A Wild Rose Always Has Thorns
Genç KurguSi Jed ay ang half-crazy maldita ng mga Psych majors sa school niya. Medyo okay na siya sa buhay niya, nang dumating si Francis sa buhay nila, ang mayaman at preskong transferee. Paano niya kaya babaligtarin ang buhay nito?