"Hoy, Tonie! Yohoooooo!" Pang-iistorbo sakin ni Ree kanina pa. Pero kanina ko pa rin siya dinededma. Kailangan ko kasing tapusin tong pesteng project na to! Ilang gabi ba naman akong puyat at gabi-gabi dagdag eyebags na naman. Pambihira!
"Oh ano? Tutunganga ka nalang diyan sa laptop mo? Hahayaan mo nalang ako ganon?" this time, tiningnan ko na siya na nasa harapan ko lang habang nilalantakan ang pagkain niya. Ngumiti lang ako tsaka bumalik agad sa ginagawa ko.
"Ay grabi, Tonie kumain ka nga muna. Kanina kapa diyan, gayahin mo nga ako, hinde ko muna yan pinoproblema, besides, malayo pa naman ang deadline na yan, tapos pwede ba? Pwede namang sa bahay nalang ya-----""Violet---" saway ko .
"Ree po, Ree. Hinde ako color" sabi niya sabay irap!
"Oo na oo na, pero Haller, nakalimutan mo na ba? Next month marami na tayong gagawin. Malapit na yong school fest natin." Sabi ko habang nagta-type sa laptop ko.
" Hinde mo ba alam ang salitang pahinga? Ilang araw ka ng ganyan!. Pag may free time tayo bubuksan mo na agad laptop mo. Wala na akong makakausap, ang boring kaya!." Hinde ko na siya pinansin. Busy ako, bahala siya diyan. Ayoko ko kasing ma stress masyado pag isasabay ko pa to sa nalalapit na school fest. Malamang sa malamang, kaming dalawa ni Ree ang isasalang sa kompetesyon ng awitin gamit ang kahit na anong intrumento. Kinausap na kasi kami ng magiging mentor namin tungkol doon.
"Alis muna ako Ton, may kukunin lang ako sa locker, babalik ako kaagad." Tumango nalang akoOh yes, wala ng aabala sakin. Salamat naman at makakapag-isip ako ng mabuti.
"Brent pare!"
Bigla akong napatigil sa narinig ko. Si Brent andito? Waaaaa, hinde ako nakapagprepare.
Pasimple kong tiningnan ang buong canteen at BOOM! Nasa unahang table ko lang siya, kasama ang mga barkada niya. Kaso hinde niya ako nakikita kasi nakatalikod siya sa akin. Pero mabuti na yon para hinde ako madistract sa kanya.Brent is my ultimate crush since 1st year of college , at ngayong 2nd year na ako. Almost 1 year ko na siyang crush. Hinde ko nga alam kong crush pa ba to o ano? Matagal na rin kasi.
" Gimik naman tayo mamaya pre, sama ka Brent hah!"
" pass ako pre! Marami akong gagawin mamaya"
Ewan ko ba kong bakit natamaan ako sa kanya. Siguro nagsimula to noong audition para sa mga dancers. Nakita ko siyang nag audition, ang astig niyang sumayaw, tapos ang swabe lang yong galaw niya, yong bang cool na cool lang siya. Kaya nga lang, marami akong karibal pagkatapos non. Marami din kasing nahuhumaling sa kanya. Pero tahimik lang ako habang yong ibang mga babae halos huhubarin na nila si Brent sa mga titig at tili nila pag dumaan lang siya. Maging si Ree nga walang alam tungkol dito. Alam ko naman kasing madaldal yon, mahirap na baka kong ano pang gawin.
BINABASA MO ANG
Mistake Of Ours
Teen FictionShe had on a crush on someone She found herself thinking of him She fell in love She became his girlfriend She's happy They fought She's hurt She cried She don't want to give up She wants to settle their problem They're fine Would it be their happy...