Ilang araw na ang lumipas pagkatapos yong epic fail na ginawa ko sa library. Hinde na muna ako bumalik doon, nakakainsulto lang kasi ang nangyari doon.
Ilang araw ko rin hinde nakikita si Brent, Ewan ko doon, kong saan-saan kasi nagpupunta, malamang kasama niya siguro yong hinayupak na babaeng yon. Inalam namin kong sino yong babaeng yon, syempre ayokong may dumudikit na kong sino-sino lang sa Brent ko. Si Elaine daw yon, 3rd year college na , vice president ng student council. Anak ng may-ari ng school na to, matalino daw yon, magaling sumayaw. Bakit hinde namin yon alam? Tsssss, wala naman kasi kaming pakialam sa kanya!
Oo maganda siya, pero maganda naman ako ah! Bakit dikit siya ng dikit sa Brent ko? Anong meron sa kanila? Landian lang ganon?Hinde naman kasi namin tinanong sa mga kaklase ko kong anong koneksyon nila ni Brent, baka kasi mahalata kami. Pero kong may namamagitan nga? Anong gagawin ko? Ay obsess ko.
"HOY! tulala ka?" Napabalikwas ako sa biglang pagsigaw ni Ree malapit sa tenga ko. Pinandilatan ko siya agad dahil sa ginawa niya. Umirap lang siya tsaka sumandal ulit sa punong sinasandalan namin. Nandito kasi kami ngayon sa field, nagrerelax ,kakatapos lang kasi namin magreport doon sa research paper. Nauna kaming natapos kasi kami ang nag presenta na kami ang mauuna, mukhang hinde pa kasi ready ang mga kaklase ko kaya nauna din kaming dalawa natapos. Ako ang naunang nagreport tapos si Ree. Hinde naman siya nagreklamo noong tinuro ko siya upang magreport na. Kailangan niya rin kasing matapos na yon. Kaya dahil doon, nakatanggap pa kami ng bonus points. Galing kasi namin eh.
Dumeretso kami agad dito, mahabang oras pa kasi ang hihintayin namin bago ang dismissal. Buong half day kasi ang hiniram ng Professor namin para makapagreport kami. Time check: 2:27pm , 5:00pm ang dismissal namin. Wala naman kasi kaming susunod na classes dahil hiniram lahat ng Professor namin kaya nandito kami ngayon.
"Excited kana ba sa darating na school fest? Marami na namang contest yon, at kasali na tayo doon, excited akong manalo" - aniya na naeexcite nga talaga.
"Parang expected mo na talaga na tayo ang mananalo ah" sabi ko na hinde nakatingin sa kanya. Tinitingnan ko lang yong mga estudyanteng palakad-lakad din dito sa field.
"Oo naman! Alam mo namang magaling tayo doon diba? Pero naalala mo yon?" - nag-ayos muna siya ng upo at humarap sakin ng naka indian sit." Para tayong sira sa pagtugtog sa piano, pero buti nalang at tinuruan tayo ni..............Sophie" mahina niyang binigkas ang pangalang Sophie. Tiningnan ko siya, napalitan na ng lungkot ang sayang naramdaman niya kanina. Siguro dahil nangungulila parin siya sa pag-iwan samin ni Sophie. Hinde ko naman siya masisisi kong bakit ganito ang nararamdaman niya pag tungkol na sa kaibigan naming si Sophie. Miski ako nanlulumo rin pag tungkol na doon. Feeling kasi namin parang kahapon lang kami iniwan.
Nilapitan ko siya at hinawakan siya sa balikat habang naka Indian sit ako kaharap siya.
"Babalikan tayo ni Sophie, kapit lang. Namimiss ko na----"
"Hinde na, nakalimutan niya na tayo" nakayuko niyang sabi. Huminga ako ng malalim. Anim na taon na, hinde na namin siya ma contact. Tinatawagan namin siya pero cannot be reach na. Nag memessage kami sa kanya sa Facebook, pero walang reply. Matagal na siyang hinde nakapag online. Mukhang kinalimutan na nga niya kami. Sa anim na taon na yon mukhang kinalimutan na nga niya kami. Hinde nga namin alam ko saan na yon nagpunta. Akala nga namin noong una nagbabakasyon lang kasi wala ng tao sa bahay nila kahit isang maid wala, kaya wala kaming napagtanungan, kasi summer din yon , pero noong enrollment day na namin para sa grade 11, sama-sama sana kami makapag-enroll, pero ang ending kami lang dalawa ni Ree.

BINABASA MO ANG
Mistake Of Ours
JugendliteraturShe had on a crush on someone She found herself thinking of him She fell in love She became his girlfriend She's happy They fought She's hurt She cried She don't want to give up She wants to settle their problem They're fine Would it be their happy...