Lutang, puyat , pagod , sabog. Ewan ko nalang, ayaw ko sanang pumasok ngayon pero sayang lang ang points sa test. Nagkaganito lang naman ako dahil sa hinde ako makatulog. Or should I say, hinde ako pinatulog ni Brent sa sinabi niyang see you when I see you. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Ganon ba talaga ang tama ko sa kanya? Ultimo panaginip ko hinde niya pinalampas, niyaya niya daw ako magdate, ahahaha, ganda na sana eh kaso lang panaginip lang yon.
Ininom ko na ang natirang kape sa cup tsaka ko minasahe ang sentido ko. Grabi, parang nalasing lang ako kagabe, parang hangover stage ko lang ngayon. Pinagtitinginan nga ako kanina, sino ba naman ang hinde magtataka diba? Tirik na tirik ang araw pero nagkakape ako, bakit ba? Eto lang magpapagising sakin. Imbes na kumain ako ngayon ng mga junk foods dahil recess ngayon eto ako, kape ang junk foods ko.
" There you are, dito kalang pala" - akala ko magiging tiwasay ang pag-iisa ko dito.
" Anong kailangan mo?" - tiningnan ko lang siya sandali habang minasahe parin ang sentido ko. Ito yong problema pag na umaga na akong natulog eh , sumasakit ulo ko.
" Oh? Anong problema? Masakit ba ulo mo?" - SC president ba to? Common sense po.
" Tssss, obvious ba?" - sagot ko na hinde tumitingin sa kanya.
" Ok fine, kumain kaba ng almusal mo kanina?" - concern ba siya?
" Bakit paki mo ba?"
" Haha, sungit mo talaga, tinanong lang kita kong kumain kana , may gamot ako dito na pain reliever, inomin mo. Buti nalang may dala-dala akong gamot dito, sumasakit kasi ulo ko pag maraming inaasikaso para sa school kaya meron ako nito. Ito, inomin mo na." This time tumingin na ako sa kanya, inabot niya sakin ang sinasabi niyang pain reliever, kinuha ko naman to sa kamay niya at tiningnan yon tapos sa kanya.
" Baka lason to, wag nalang." - Binalik ko na sa kanya yon, baka nga lason talaga yon or what. Mamaya niyan malagutan ako ng hininga.
Tinawanan lang niya ako pagkatapos kong ibalik yon sa kanya. Seriously? Anong nakakatawa? Nagbibiruan ba kami?" Ahahaha, bakit ang sungit-sungit mo?, promise hinde to lason, bakit naman kita lalasunin?
Ikaw nga tong lumason sakin, linason mo puso ko" - pinangliliitan ko siya ng mga mata ko na ikinatawa niya lang." Akin na nga yan!" - kinuha ko na sa kamay niya ang gamot tsaka nilagay sa bulsa ng palda ko.
" Hinde mo iinomin?"
" Mamaya na, after lunch, hinde kasi ako nag-almusal" - pinatong ko na ang ulo ko sa mesa at pinikit ang mga mata ko. Buti at hinde na umimik si kenneth , tinititigan niya lang siguro ako. Gusto kong matulog pero hinde pwede, ilang minuto nalang at magbe-bell na,ipipikit ko lang talaga ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Mistake Of Ours
Teen FictionShe had on a crush on someone She found herself thinking of him She fell in love She became his girlfriend She's happy They fought She's hurt She cried She don't want to give up She wants to settle their problem They're fine Would it be their happy...