Chapter 5: Tears

0 0 0
                                    

  Walang dumadaldal sakin, wala akong makakausap, mag-isa akong nagrecess, mag-isa ako sa lahat na gagawin ko na dapat ay kasama ko si Ree, hanggang ngayon mag lunch mag-isa pa rin! Haaaaaay!


   Pumunta ako kahapon sa bahay nila Ree, para malaman kong ano nangyari. Wala sila doon! Kaya sa maid nalang nila ako nagtanong.




   Nagulat ako sa nalaman ko,
Naaksidente ang daddy ni Ree kahapon habang papauwi sa kanila.

   Ngayon-ngayon ko lang natawagan si Ree, hinde ko kasi siya ma contact kahapon.

  Sabi niya stable naman daw yong daddy niya after the operation. Nakahinga naman ako ng maluwag, pero maghihintay pa daw sila kong kailan magigising si Tito. Kong lalagpas daw ng tatlong araw, baka masailalim pa ng comatose. Excuse naman daw siya ng ilang araw nalaman din kasi ng prof namin ang nangyari sa daddy niya.

  Kinabahan akong muli sa nalaman ko. Sana maging ok lang si Tito para kay Ree at para sa pamilya niya. Alam kong masakit tingnan ang mahal mo sa buhay na naghihirap. Nag-aalala ako sa sitwasyon ni Ree. Sana maging ok lang ang lahat. Huminga muna ako ng malalim para lumuwag-luwag naman ang pakiramdam ko.


" Hey! Ang lalim naman ng hininga mo! Anong problema?"  Bigla siyang umupo sa harapan ko wearing that stupid smile. Inirapan ko nalang siya at nag face palm. Wala akong time makipagbiruan sa kanya.
"Hey, kausapin mo ako" kinaway-kaway niya ang kamay niya malapit sa mukha ko, pero no use, wala akong pakialam! Umayos na siya ng upo nang napagtanto niyang hinde ko siya pinapansin, akala ko titigil na , nag face palm din ang loko tsaka umirap!


"Tsk! Ano bang kailangan mo?" Wala kong ganang tanong.



" Nakita kita dito, naisipan kong sumabay nalang sayo mag lunch, wala rin kasi akong kasama. Tara na, sabay nalang tayo kumuha-----"


"Ayoko!" - agad-agad kong sabi kahit hinde pa siya tapos magsalita. May sinasabi pa siya pero hinde ko pinapansin, at tumahimik nalang dito. Magpeprentend na wala tong asungot na to sa harapan ko.



   Pero may narinig ako na hinde ko maiiwasan marinig dito sa canteen.



" Regalo yan ng boyfriend kong si Brent, diba ang sweet niya? Binigyan niya pa talaga ako ng bracelet" Tiningnan ko kong sino ang nagsalita. Si Elaine yon, na hinde naman gaanong malayo sa amin naririnig ko pa kasi dito o talagang nilalakasan niya lang ang boses niya para marinig nang lahat. Teka? Boyfriend niya yong Brent ko? Ibig sabihin , wala akong pag-asa? Na kahapon eh, titig na titig siya sakin?


" Ang swerte mo talaga girl, maraming naghahabol diyan kay Brent sayo lang pala mapupunta, nakakainggit naman kayo!"


" Dapat lang noh, sa akin lang NAMAN BAGAY si BRENT! I don't know why Brent gave me this , but I'm sure that he really loves me so much"



Mistake Of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon