Kakatapos ko lang kumain ng lunch, himalang wala akong kasama maglunch ngayon, walang Kenneth. Nakakapanibago lang. Hinihintay ko kanina na susulpot siya bigla pero wala. Busy siguro, wala rin ang barkada ni Brent sayang nga eh wala rin siya akala ko pa naman magkakasasama na kami dahil kanina,pero wala. Nakakailang dahil mag-isa lang ako sa table kanina.
Pero ok lang, tapos naman akong kumain eh kanina pa. Ininom ko narin ang gamot na binigay sakin ni Kenneth dahil pabalik-balik pa rin ang sakit ng ulo ko kahit nawala bigla nung dumating sila.
Saan ako pupunta ngayon? Hinde ko alam.
Ang boring din pala kong nag-iisa ka. Ilang araw na rin kasing hinde pumapasok si Ree. Marami na siyang lesson at quiz ang nasayang. Pupunta nga ako bukas sa hospital para bigyan siya ng notes para rin makabisita ulit ako kay tito, sabado naman kasi bukas. Wala naman kasi sa bahay nila si Ree ,parating nasa hospital,parang ayaw niyang humiwalay sa tabi ng daddy niya, daddy's girl kasi kaya ganon na lamang ang mood niya.Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa harapan na ng hagdanan papaakyat ng rooftop. Naisip ko magpapahangin na lamang ako wala rin naman akong gagawing iba.
Iaakyat ko na sana ang paa ko sa hagdan ng may sumulpot sa harapan ko.
" Hey Tonie, saan ka pupunta?" - ngiting-ngiting tanong niya , napatingin naman ako sa hawak niyang mga paperwork's. Parang businessman lang eh noh?
" Rooftop , magpapahangin lang" sagot ko naman sa kanya.
" Ganon ba, sasamahan sana kita, kaso nga lang madami talaga akong gagawin, nainom mo na ba yong gamot mo? Sumasakit pa ba ulo mo?"
" Oo nainom ko na salamat pala para don. Medyo ok naman ako, wala na akong nararamdamang sakit sa ngayon" - nagulat ako kasi bigla niyang nilagay ang isang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Napapangiti nalang ako dahil don.
" Sige , alis na ako" - binaba niya na ang kamay niya at humabol pa ng kindat tsaka umalis.Humarap ulit ako sa hagdanan at nagsimulang umakyat. Naalala ko , dito mahilig tumambay si Brent nong narinig ko ang isang barkada niya na tumambay na naman daw si Brent sa rooftop baka nga nandoon siya sa itaas. Ahihihi, naiimagine ko na naman ang sarili ko kasama siya at kausap. Ahahaha, mangangamatis na naman ako don.
Binuksan ko na ang pinto ng nakarating na ako sa pinakitaas ng hagdan at marahang humampas sa aking mukha ang hanging nanggaling sa labas.
Pumikit ako para damhin yon. Tsaka dahan-dahang lumapit doon. Mapresko talaga dito, bakit kaya hinde namin naisipang dito nalang tumambay pagkatapos ng lunch, usually kasi ang tambayan namin ni Ree sa field, kasi dito walang tao tsaka hinde gaanong mainit hinde tulad sa field na maraming estudyanteng pakalat-kalat.Lumapit ako sa dulo para makita ang lahat ng sa baba. Inaamoy-amoy ko rin ang hangin baka amoy pulosyon, pero mukhang hinde naman. Ang sarap ng hangin lasang strawberry , pero joke lang.
Nilibot ko ang kabuuan ng rooftop. Wala naman pala siya dito, baka umalis na, o baka naman hinde niya naisipang tumambay dito. Saan kaya siya nagpunta? Akala ko pa naman nandito siya, pero ok lang ang intensyon ko naman kong bakit ako pumunta dito eh para makapagrelax , 50% siguro ay ineexpect kong nandito siya , pero ok lang rin , may 50% pa man din ang natitira na makapagrelax lang ako dito.

BINABASA MO ANG
Mistake Of Ours
Novela JuvenilShe had on a crush on someone She found herself thinking of him She fell in love She became his girlfriend She's happy They fought She's hurt She cried She don't want to give up She wants to settle their problem They're fine Would it be their happy...