Chapter 8: Your Voice

0 0 0
                                    

( Brent POV )

   Nandito pa rin ako sa harap ng pintuan ng Music room. Hinde parin ako makapasok dahil hinde ko pa alam kong papaano ko to ibigay sa kanya, kong ano unang ilalabas sa bibig ko. Fuck! Para akong tanga lang na nakalayo dito.

Buti nalang nga at nakaalis na ang mga barkada kong walang ibang ginawa konde tumawa dahil daw masyado akong torpe. Kong andito sila ngayon malamang hahagalpak na naman sila ng tawa dahil sa nakatayo lang ako dito.


Ano ba kasi ang dapat kong gawin? Talaga namang si kenneth nilagay ako sa alanganin.
Huminga na muna ako ng malalim, heto na. I hope hinde ako parang tanga lang na nakaharap sa kanya.
Kumatok na ako at naghintay ng ilang segundo. Pero walang may bumukas ng pinto. Wala ba siya sa loob? Umuwi na ba siya?  Eh, wala ba silang practice ngayon?


  Umalis na lang ako don na nakasimangot.
Matagal akong nakatayo don sa pinto wala rin pala akong mapapala. Huminga nalang ulit ako ng malalim.
Nagsimula na akong maglakad ng tumigil ako.


  Hinde pa naman ako sigurado kong wala nga siya sa loob. Bumalik ako at humarap ulit sa pinto. Huminga ulit ako ng malalim, daig ko pa first timer mag compete sa harap ng entablado sa paulit-ulit kong malalim na hininga.

Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit na yon, unti-unti kong binuksan yon, maliit na pagbukas lamang para lang silipin kong nandiyan ba siya.
Natigilan ako sa kong ano ang ginagawa niya, napapikit na lamang ako gaya ng pagpikit niya habang kumakanta. Ewan ko kong bakit nagawa ko to, pero ang lamig lang talaga ng boses niya.

 

   Go run, run, run I'm gonna stay right here

And watch you disappear oh yeah

        Go run, run, run yeah it's a long way down

But I'm closer to the clouds up here



  You can take everything I have
   
You can break everything I am

     Like I'm made of glass

Like I'm made of paper

     Go on and try to tear me down

I will be rising from the ground

     Like a skyscraper , like a skyscraper

Like a skyscraper, like a skyscraper

   Like a skyscraper




  Kung nakakamatay lang siguro ang pagkanta niya , siguro pinaglalamayan na ako kanina pa.


"Brent?"

    Tsaka ko lang minulat ang mga mata ko at nakita kong malaki na ang pagkabukas ko ng pintuang ito.
Shit! Tanga!


( Tonie POV )

  "Brent?" - natigil ako sa pagkanta sabay biglang tayo sa kinauupuan ko ng makita ko si Brent na nakatayo sa pintuan. Bigla akong kinabahan, kanina pa ba siya diyan? Kanina pa ba niya ako pinanonod?
Kung yon ang dahilan, nakakahiya, baka sentonado ako kanina tapos mali-mali pa ang key-note ko. Nag-iinit na ang mukha ko sa sobrang hiya, ni hinde na ako makatingin sa kanya kaya napayuko nalang ako.



  Pero ng makarinig ako ng footsteps napaangat ang ulo ko para tingnan siya, lalo na at sinara niya ang pinto. Wait, what? Ni lock ba niya? Waaaaa! OMG hinde ako prepared.


Mistake Of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon