Ilang linggo na ang lumipas, pero heto pa rin ako at abala sa project na to. Putangina, ano bang pumasok sa kokote ng teacher namin at pinagawa niya samin to per individual? Jusmiyo, puputi buhok ko nito eh! Maghanap daw kami ng lugar na maganda na hinde pa masyadong sikat sa bansa. Tapos , irereport pa namin. Lahat ng detalye kukunin namin. In short, parang research paper. Tapos gagawa pa ako ng video tungkol sa topic ko, pero dahil sa masipag ako, export nalang ang kulang at tapos na ako. Next week deadline na, kaya marami pa akong oras para pagandahin pa lalo to.Nandito ako ngayon sa Library, nakikiwifi nalang kami ni Ree. Speaking of Ree, nagpapanick na siya ngayon dahil marami pa ang gagawin edit here edit dito, search doon search diyan, type dito type doon. Oh diba? Ang sipag niya talaga! Tinitigan ko lang siya, natatawa pa nga ako kasi hinde maalis yong pagkakunot niya sa noo. Napatakip nalang ako ng bibig ko para pigilan ang tawa. Pero napansin niya naman agad kaya napasandal nalang ako sa upuan ko.
" bakit ka nagpipigil ng tawa?" Hinde ko siya pinansin, konting labas lang ng salita mula sakin bubuhos na ako ng tawa.
" BAKIT BA KASI ANG HIRAP HIRAP NITO? PUDPUD NA YONG DALIRI KO SA KAKATYPE! MABUTI SANA KONG CRUSH KO LANG TONG KEYBOARD NA TO! PARA HINDE AKO MAGSAWA SA KAKATYPE! TAPOS MABIBIYAK PA ULO KO SA KAKAISIP! WHAT THE HELL! NAKAKA-------""Shhhhhhhh" yong librarian na terror, ahaha, pati nga ako napaatras sa sigaw ni Ree, kong maka sigaw naman to parang field lang yong library eh.
Natahimik naman bigla si Ree at hinde na umimik pa. Halatang stress na, kaya hinde na ako nambweset pa.
Tumayo na ako, naisipan ko kasing maglibot sa library habang naghihintay na matapos yong exporting sa video na ginawa ko. Hinde na ako nagpaalam pa sa kanya at umalis na lang, hinde niya naman kasi ako napansin.Feeling ko nahipnotismo na ako ng mga libro dito. Hinde naman ako mahilig sa libro eh, pero ngayon masarap pala sa feeling na napapalibutan ka ng mga libro, nakakaantok lang! Oo inaantok ako, kaya nga ayaw ko dito eh! Pumunta lang naman ako dito para makikiwifi lang hinde magbasa. Gosh, makaalis na nga. Ayoko ko pala dito.
Aalis na sana ako sa mga bookshelves pero parang pamilyar yong taong nakatalikod na nakikita ko , insakto rin kasing patagilid ang librong nasa harapan ko kaya nakikita ko yong next na shelves na kinatatayuan ng taong pamilyar sakin. Hinde muna ako umalis sa pwesto ko bagkus ay lumapit ako ng maigi at tinitigan siya, kinuha ko yong librong sagabal sa nakikita ko para malaya ko siyang nakikita.
Oh my gosh, he's here? Talaga? Matapos yong ilang linggong hinde ko na siya nakita tapos nakita ko siya dito? Mahilig siya sa libro? Hinde ko alam yon ah! Napabuklat agad ako ng libro ko ng dahan-dahang humarap siya. Nag inarte akong nagbabasa rin kasi shit lang, makikita niya rin ako kasi nakuha ko na yong librong sagabal sa shelf na to, tapos nakaharap pa ako, shit lang Tonie, wag mo siyang tingnan konde mahahalata ka!
Pero andiyan pa kaya siya? Nakita kaya niya ako? Sana man lang napansin niya ako. Umalis na kaya siya? Hinde ko maiwasang isipin yon! Gusto kong andiyan lang siya. Yong katulad sa mga teleserye? Yong walang alam yong babae na tinitingnan siya ng lalaki dahil may parte sa shelf na walang libro at insaktong doon nakapwesto yong babae? Yong ganon? Ahihihi!
Patay malisya kong tiningnan ulit si Brent, pero kulang nalang sipain ko tong shelf na to sa sobrang asar!
Nasaan ka Brent? Bakit moko iniwan dito? Hinde mo man lang ba ako titigan dito? Hello! OK lang naman na titigan mo ako eh kahit matutunaw ako OK lang ,hinde ako papalag! Pero bakit ganon? Bakit ka umalis? Ano ba yan!
BINABASA MO ANG
Mistake Of Ours
Ficção AdolescenteShe had on a crush on someone She found herself thinking of him She fell in love She became his girlfriend She's happy They fought She's hurt She cried She don't want to give up She wants to settle their problem They're fine Would it be their happy...