Chapter 7 : The truth

1 0 0
                                    

   Lunchtime, salamat naman gutom na kasi ako. Nakalimutan ko kasing kumain muna ng almusal bago pumasok. Huli na para maalala ko, nakasakay na ako ng motor ko kaya no choice at dere-deretso na ako papunta dito.


  Bago pa ako makapasok sa canteen, nag-iba muna ako ng dereksyon which is pupunta muna ako ngayon ng CR. Kanina pa ako naiihi, kailangan ko muna tong ilabas kahit gutom na ako jusko!

  Halos patakbo na ako papuntang CR, talagang lalabas na.



" Hey Tonie,  sabay ta--- hoy! Bakit ka tumatakbo" - isa pa yon eh. Susulpot na naman. Hinde ko na siya pinansin pa at tumakbo nalang ako. Mamaya kasi niyan, hablutin niya naman ang braso ko.
Pagkapasok ko ng CR sakto walang tao,pinatong ko muna ang bag ko sa may grupo tsaka ako pumasok sa isa sa mga cubicle dito. Haay salamat naman at hinde ako naabutan kanina ni Kenneth, kukulitin niya naman kasi ako hanggang sa doon na mismo lalabas, paghiya pa.


" So girls! Wanna hang out this coming Saturday?"

" Of course, saan ba?"


" Saturday? Oh my gosh, may date ata kami non ni Brent, baka yayain niya akong makipagdate eh, sorry pass ako girls" - teka si Elaine yon ah. Pati ba naman dito ilalantakan niya na sila na ni Brent? May date daw, bagyuhin sana kayo.

" Oh really? He ask you for a date? How romantic" - romantic? Hinde noh! Kasi babagyo sa sabado at mapipilitan silang umuwi nalang! Mwahahaha

" Yeah your right, besides ipapakilala niya na ako sa parents niya, " - ang sarap pumatay ng tao sa mga pahayag niya. Sana hinde siya magustuhan ng parents ni Brent, at palayasin siya! Mwahahaha!
Padabog kong binuksan ang pinto ng cubicle na to para pigilan ang susunod na kumento nito sa kanya. Nakakasuka lang kasi! Agad ko namang nakuha ang atensyon nila at napatingin silang tatlo sa akin.



" Ah pasensiya na" - sambit ko nalang at tumungo sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko. Ewan ko kong anong reaksyon pa ang ginawa nila matapos kong sabihin yon. Hinde ko na kasi sila pinag-aksayahan ng oras para makita yon.




" Back to our topic, pero talaga? Mamemeet mo na ang parents ni Brent? " - paulit- ulit lang tong isang to eh, ipapakilala nga diba? Uulitin mo pa. Tsssss. Pero hinde naman yon matutuloy kasi nga diba? Hinde siya magugustuhan. Isusumpa ko yan.



  Nag-apply lang ako ng powder sa mukha ko, sinuklay ang buhok ko at nag spray lang ng perfume, ok na. Lumabas na ako don, ayoko ko nang marinig pa ang pag-uusapan nilang puro nakakasuka!

" Buti at---"

" Ay nakakasuka" - halos tumalon na ang kaluluwa ko sa sobrang gulat sa biglang pagsulpot ng mokong na to!" Walanghiya ka Kenneth! Bigla-bigla kang susulpot!" - reklamo ko tsaka tuloy-tuloy na ang paglakad. Ito na naman, magsisimula na naman siya.



" Ahaha, sorry, pero narito lang naman kasi ako para ibigay to sayo," - liningon ko siya para malaman kong ano yon. Inabot niya sakin ang isang folder, nagtaka ako sa kong ano ito, pagbukas ko naalala ko na ipapabigay pala to ni miss sakin sabi niya kahapon.




Mistake Of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon