Chapter 1

243 4 0
                                    


*************************

That I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me...

"Hay ano ba yan! Ang ingay ingay talaga e no? Kitang kausap ko mommy ko e!" Sabi ng mokong na lalaking to pagkatapos ay bumalik na naman sa mommy nya kuno!

Inirapan ko na lang sya at tinabi yung gitara ko tsaka humiga. Bwisit talaga 'to! Kung hindi ko lang talaga kakailanganin tong taong to. Eh baka napukpok ko nato ng gitara! Nakakainis naman talaga. Pasalamat sya at sa isang araw pa yung performance namen para sa Glee Club.

Pinili ko na lang magbasa ng pocket book doon at dahil nga naiingayan sya sa kanta ko.

Teka nga. Ano na nga bang page ako dito sa binabasa ko? Hay. Mabuti na lang pala at naglalagay ako ng bookmark. Hay grabeeeee! Nakakaiyak na palang part ako nagstop. Si Patty iniwan na ni Kyle. Nakakaiyak naman tong story na to kainis!

"Ah? HAHAHAHAHA talaga? Aba dapat sinapak mo! HAHAHAHAHAHAHAHAHA! OO HAHAHAHAHAHA!"

Linshak naman oh? Sabi na e. So ganyan na pala makipag usap sa nanay ngayon? Sa pagkakaalam ko, takot sya sa mama nya. Aba akalain mo ganyan pa humalakhak. Tapos kanina na kumakanta at tumutugtog lang naman ako, galit na galit sya?! Aba mas nakakarindi sya! Hays!

Napatayo ako sa inis ko at hinablot sa kanya yung phone nya at pinatay yung tawag. Inoff yung phone nya.

"Ano bang ginagawa mo ha?! Adik ka ba?! Ang bastos mo ah! Kita mong may kausap pa yung tao!" Nagpamewang ako sa harapan nya at tinaas yung isang kilay ko.

"Gabi na. Tulog na." Sabay ngumiti ako sakanya. Patay ng ilaw at humiga sa kama.

******************************

"Oh my gosh! Si Harry oh!"

"Gaaaash! Ang hot nya talaga!"

"Yung smile nya talaga! Waaaahhh!"

"Oxygen please!"

Hay nako. Ang aga aga ganyan yung naririnig ko sa paligid ko. Ano namang paki ko? Si Harry? Aba 'e kahit kailan di naman naging mabait yun.

"Tara na nga Ken! Kainis naman mga tao dito. Ang aga aga, bulag agad." Sabay kumapit ako sa bestfriend ko, si Kendall. Hay nako, totoo naman. Di na ba sila nagsawa? Araw araw na lang ganyan sila.

"Ano ka ba bes? Hindi ka ba naggagwapuhan kay Harry ha? Ang cute cute nya kaya! Lalo na yung dimples!" Napatanggal ako ng braso ko sa braso netong baliw kong kaibigan. Pati ba naman sya?

"Hello? Kendall, sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Sawa nakong makita ang nakakasuakng mukha nya araw araw. At gabi gabi."

Oo, tama kayo. Si Harry yung bwisit kong roommate. Sikat sya sa school, yeah. At walang ibang nakakaalam na magkasama kame dahil nakakahiya daw sa image nya malaman na may kagaya kong baduy na babae ang kasama nya. Wow ha? As if naman, gusto ko diba?

"Ok, ok gets na kita! Tara na nga lang. Ang corny mo talaga!"

So ayun na nga, nagpunta na lang kame sa klase kesa naman makarinig ng mga nakakairitang papuri sa lintik na yun.

Hindi ko naman talaga ginusto na maging karoommate sya. Kailangan ko lang kase ngatutuluyan malapit sa university ko. At eto namang si Harry 'e, ganun din at for some reason na ayaw niyang napapakielaman ng parents nya. Ewan talaga. Hati kami sa pangbayad non. Kaya hindi nya maitatanggi na kailangan nya ako para magawa nya yung mga bagay na gusto nya dahil di nya kakayanin bayaran ang upa doon. Hays.

At siya na ata ang pinakanakakainis na roommate na nakilala ko! Kapag nakakagawa ako ng konting ingay, galit na galit agad! Pag siya naman mag ingay, wagas! Kapag nag-aaral ako, magpapatugtog ng malakas at wala atang pake sa kalagayan ng exam ko. Kahit gabing gabi na kausap yung girlfriend-S nya. Oo gwapo daw e, kaya papalit palit. At ang pinakanakakainis, napakakalat nyang tao at ako ang tagaligpit ng lahat ng yon! Dahil hindi matiis ng mata ko makakita ng kadugyutan. Wala naman akong magawa dahil kailangan ko din ang pera nya! Kainis na buhay.

******************************

Sobrang pagoda ang araw na ito dahil sa dami ng reporting at activities sa school. May exam pa kami bukas kaya naman, di ako pwedeng matulog agad.

Pagbukas ko ng pinto, binaba ko agad gamit ko sa kama at nilabas agad yung libro ko. Naabutan ko naman yung isa nanonood ng TV. Pumunta ko sa ref para kuhankn yung chocolate, snacks at drinks na binili ko kahapon.

Pero pagtingin ko, wala dun yung snacks at drinks. At kalahati na lang yung chocolate. Automatic na kumulo dugo ko.

"Napakatakaw mo talagang tao ka! Patay gutom! Patay gutom!" Hinampas ko agad sa kanya yung unang nahawakan ko, pasalamat sya unan lang yon!

"Ah ayun ba? Damot mo naman. Para yun lang e. Ayan oh. May kalahati pang tira sa chocolate."

"Kaya nga e no? Nagtira ka pa! Nahiya ka pa! Wow? Ako pa madamot? Eh halos lahat ng binibili kong pagkain ikaw ang umuubos!"


Pinalampas ko nalang tong pangyayaring to dahil wala ma din naman akong magagawa para mabalik yung kinain nya. Haynako. Mabuti pa Taylor, magreview ka na lang dahil exam pa bukas.


Nagbabasa na lang ako ng libro ko at kinakabisado bawat formula ng biglang magpatugtog ng malakas si Harry. Haynako talaga naman! Nakakainis na talaga 'tong taong to!


******************************

Nag-inat ako sa higaan ko at ayaw ko pa atang bumangon. Nilalamon nako ng higaan ko. Hay pano ba naman? Anong oras nako nakatapos kagabi sabayan pa ng malakas na tugtugan ni harrymaw. Nakakairita talaga yung isang yun!


Naligo lang ako at nagbihis tsaka ko hinanap yung gamit ko kagabi. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng bag ko, andun yung mga libro ko kagabi na nakatulugan ko na. Aba! Sumisipag na sya ah. Wala namang ibang pwedeng magligpit nun bukod sa kanya. Akalain mo yun?


"Talaga ginawa nya yon?!"


"Oo nako sabi sayo Ken! Nagulat din ako dun sa taong yun. Aba ngayon nya lang yun ginawa!"


"Omg Taylor! Bumabait na si Harry!"

"Baka may sakit lang kaya ganun yun!"


"Ikaw talaga grabe ka kay Harry. Malay mo naman sinusubukan na magbago nung tao!"


"Sana nga la---"


*Bang!*


"Aray!" Pano ba naman yung sira ulong nagbato ng bag sa mukha ko. Hays masakit kaya no? Ang tigas pa nung bag. Mukha ko pa tinarget.


"Uwi mo ah? May laro kame e. Sge bye!" Sabay kumaripas ng takbo.


"Aba naman! Tingnan mo? Ayan ba yung nagbabago? Walang hiya talaga!"


Sabi ko sabay pinulot yung bag nya sa sahig. Hays ang bigat naman neto. Ano ba dinadala neto e hindi naman sya nag aaral. Ni hindi ko nga nakitang nag aral yan sa room namen e. Jusme.


Kagaya nung sinabi nya, inuwi ko yung bag nya. Hay salamat naman at wala sya ngayon no? Makakatulog ako ng mahimbing.


******************************

Nakaidlip pala ako. Pagtingin ko sa orasan, 7:30 pm na. Nakakatuwa naman at nakabawi nako ng tulog.


"Oh gising ka na pala. May niluto ako, kumain ka na lang dyan." Napangiti naman ako dun.


"Uy ah, masarap ba yan?"


"Oo naman no! May lahi ata kame dyan."


Kumain na nga ako ng niluto nya. Aba masarap nga ang adobo nya ah. Akalain mo yun may talent pala ang isang 'to.


Pero mas higit sa kinagulat ko na nagluto siya...





"Minsan ko lang ginagawa 'to, k-kapag espesyal siya sa akin..."

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon