Chapter 6

19 1 0
                                    


Since sabado ngayon at wala naman akong balak gawin. Gusto ko nalang din munag palipasin yung nangyari at syempre hindi ko pa din talaga mawala yung galit at inis ko kay Harry. I can't even look at his picture sa room kaya pinagtataob ko lahat at baka mabasag ko pa yun.






Anyway, tinext ko si mama kung pwede ako umuwi sa bahay dahil wala akong magawa dito. Nagreply naman siya na doon na lang daw ako sa bahay ni tita pumunta at wala daw mag-aalaga kay Liam doon. Aalis ata sila tita e. Kaya ako  naman ay gumayak na dahil miss ko na din yung pinsan kong yun. Naglalakad nako papunta sa sakayan ng may biglang tumawag sa akin.






"Taylor!"






"O ikaw pala Niall."






"Saan punta mo?"






"Sa bahay ng tita ko."






"Hatid na kita." Tapos sabay tinuro niya yung katabi ng upuan na inuupuan niya sa kotse niya. Nakakahiya naman ata kapag ganun.






"Naku Niall wag na. Kaya ko na naman na."






"Sakay na." In the end, hindi din naman ako nanalo at no choice na sumakay na sa kotse niya.






"Nia thankyou talaga ah. Sobrang laki na ng naitulong mo sa akin."






"Wala namang problema dun."






Noong tinuro ko na kung saan yung bahay ay bumaba na din kami. At nasa labas na ng bahay si Tita Gigi, hinihintay ata ako nito.





"Tita! Asan na po si Liam?"






"Nandoon siya sa loob. Naku, kanina pa antay ng antay sayo." Tapos parang napansin niya ata si Niall doon sa gilid. "Oh? May kasama ka pala?"






"Hinatid lang po ako ni Niall."






"Papasukin mo siya sa loob. Nagbake ako ng cookies doon. Yun ay kung wala na siyang gagawin." Ngumiti si tita. Napatingin naman kaming dalawa kay Niall at naghihintay ng isasagot niya sa pag-yaya ni tita.






"Wala.. wala naman akong pupuntahan." Sabi niya tsaka siya ngumiti sa aming dalawa. Kasabay naman nun ay ang paglabas ni Tito Louis dala yung susi ng kotse nila.






"Osige pala. Aalis na kami Taylor. Ikaw na ang bahala. Sige pumasok na kayo sa loob."






"Sige po." Pumasok na nga kami sa loob at naabutan naming naglalaro si Liam. Pagkakita niya sa amin ay binitawan niya agad yung hawak niyang laruan at tumakbo sa akin.






"Ate Taytay!" Niyakap niya ako sa may binti ko at tawa ng tawa. Ang cute cute talaga nitong pinsan ko. Idagdag mo pa na mahaba ang pilik mata niya at rosy cheeks siya kaya nga maraming nagsasabi na mukha daw manika tong si Liam.






"Namiss mo si ate?" Tumango tango naman siya at tiningnan si Niall mula ulo hanggang paa. Natawa naman ako sa ginawa nitong batang to. Kinarga ko siya pero nakatingin pa din siya kay Niall. Nagulat pa nga si Niall nung tinuro siya ni Liam.






"Ate Taytay! Sino siya?"






"Mm.. Liam, siya si Kuya Niall. Friend ni Ate Taytay."






"Na? Nall?"






"Na-yal."






At ilan ilan pang beses na tinry naming paayos ng bigkas yung pangalan ni Niall pero hindi niya talaga kaya. Kaya ang ending, 'Kuya Nall' ang tawag niya. Nakakatuwa nga dahil close agad sila ni Niall at tinuturo niya pa samin yung drawing niya ng mga puno, atsaka bundok. Syempre tuwang tuwa din naman kami sa drawing niya. Ang cute cute kasi.






"Kuya Nall! Peram ako telpon mo?"






"Ah sge wait lang Liam ah." Kinuha naman niya yung phone niya sa bulsa at inabot kay Liam. Mga ilang minuto na niyang kinakalikot yun. Diko nga alam kung ano bang ginagawa niya doon.






"Hey Liam! Balik mo na kay Kuya Niall phone niya. Baka mamaya may nagtetext na sa kanya."






"Hindi ok lang Taylor. Hayaan mo lang siya." Ang tagal tagal pa din niya doon sa phone at todo kalikot pa din siya. Nagulat na lang kami ng maya maya tumogtog ng malakas yung phone. Binaba niya yun sa sofa atsaka nagsasayaw ng kung ano anong moves na puro kalikutan lang naman.






"Ang galing mo naman Liam. Gusto mo turuan ka ni Kuya Niall magsayaw?"






Magandang ideya ah. So yun nga sabay silang nagsasayaw nun. Ang galing pala talaga ni Niall magsayaw ah. Ginagaya lang naman siya nung isa. At mali mali ang steps niya dahil medyo mahirap yung steps ni Niall. Nung napagod na sila, kinuha lang namin yung ice cream at cookies sa ref at nagkainan doon. Nakakatuwa nga silang panoorin e.






Hindi din naman nagtagal, nagpaalam na si Niall dahil tinext na daw siya ng mama niya at humingi ng pasensya dahil hindi niya na daw ako maihahatid. Syempre ok lang naman yun no. Naihatid niya na nga ako papunta dito. Nakakahiya naman kung hanggang sa pag uwi. Umiyak la nga si Liam nung uuwi na si Niall pero tumigil din naman siya nung sinabi niya na bibilhan niya daw ng donut si Liam sa susunod.






Nagharutan lang kami ni Liam hanggang sa dumating na sila Tita at nagthankyou sa pag-aalaga. Balak pa nga akong pakainin ng dinner kaso hindi na ako pumayag. Nakaalis na din naman ako dun. Medyo nakakapagod din pala makipaglaro kay Liam. Buti na lang talaga at mahilig ako sa bata.






Nasa may pinto pa lang ako ng room may naaamoy na akong mabango sa loob. At pagpihit ko sa door knob, hindi naka-lock. So nandito siya?! Pagtingin ko sa lamesa, may iba't ibang klase ng pagkain at mukhang masasarap lahat. Pagtingin ko sa gilid, nandun si Harry at nakangiti sakin. Ako naman inirapan ko siya, so sa tingin niya quits na kami?






"Alam mo naman na hindi ako corny na tao at hindi ako mahilig mag effort. Pero I just wanna say sorry." This time masasabi kong sincere siya sa sinasabi niya. Hindi pa din ako kumikibo dahil hindi pa din ako kumbinsido.






"Sorry na nga e. Masasayang lang ba lahat ng niluto ko?" Tapos humawak pa siya doon sa dibdib niya na para bang umaarte. Pumasok ako sa loob pero hindi pa din kumikibo.






"Ok ganito na lang. Aayusin ko na yung gulong ginawa ko, ok ba?"






Napatingin ako sa kanya. Hindi talaga madaling patawarin ang isang 'to, pero bata pa lang ako naturuan na akong magpatawad sa kapwa. Dahil sabi nga kung ang Diyos nagpatawad, bakit tayo hindi?






"Talagang aayusin mo? Talagang talaga?"






"Talagang talaga. At hindi ko na uulitin. Please Taylor, sorry na talaga." Tapos lumapit pa siya sa akin at nagmamakaawa. Well, ayoko namang lumuhod pa siya sa harap ko. As if, gagawin niya. Ngumiti na lang ako at sinabing,






"Oo na sige na." Tapos umupo na ako doon sa may table at inumpisahan ko na din yung pagkain.






"So this is the purpose." Sabi ko bago isubo yung carbonara.






"Purpose? Huh?" Kumunot pa nga yung noo niya.






"Purpose kung bakit hindi ako kumain ng dinner kila Tita."






"Kung hindi mo natikman yan, mamimiss mo ang kalahati ng buhay mo."






"Ang OA mo."






"Seriously, ang sama mo sa pagbaliktad ng mga pictures ko."






"Sa sobrang inis."






Pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko at pigilan sa pagsubo,






"May nalaman ako. Hindi pala eto yung best way. Pwede ko palang ipakita sa ibang paraan.."

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon