Chapter 5

21 1 0
                                    

As usual, bilang isang normal n estudyante, papasok ako sa school at mag-aaral. Dalawang linggo na matapos yung Halloween Party. At mabilis talaga na lumilipas ang oras. Ngayon naman walang masyadong pinagkakaabalahan ang lahat dahil tapos na ang hell week. Ganun pa din naman ang mga nakakasama ko sa school, si Kendall at si Niall. Wala namang bago. Ang bait bait sakin ni Niall netong mga nakakaraan. Siya pa ang nagpahiram sa akin ng notes para sa exam.






Si Harry naman, balik na naman sa dati na hindi ako pinapansin sa school. Which is way better. Hindi na din siya umuwi sa room simula nung magkasakit ang kapatid niya. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay may sakit pa din. I have no clue. Pero tuwing magkakasalubong kami, masungit pa din siya sa akin. Hindi ko na lang siya iniintindi.






Natapos ang ilang subjects at ngayong break na. Pinauna ko na naman sila Ken dahil may inaayos pa ako sa master list namin. Matapos ko, ayusin 'to. Lumabas na din naman ako at kakaunti na lang ang mga estudyante dahil medyo late na din pero may iilan pa naman.






Naglalakad pa lang ako sa may garden ng makita ko si Harry na nakaupo doon sa bench na ang lalim ng iniisip. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya at tatanungin kung ano na nangyari sa kapatid niya. Wag na nga lang! Dati naman, dedma lang sakin to e. Sanay din ako sa ganito dati. Napakitaan lang ako ng konting kabaitan, nagpapadala naman ako. Pero dinala ako ng mga paa ko palapit sa kanya.






"Hey.. mag-isa ka ah. Kamusta na pala yung kapatid mo?"






"Umalis ka."






Without even looking at me, sinabi niya yun.






"Nangangamusta lang naman ako. Di ka na din kasi nagtetex--"






"Hindi mo ba narinig? Sabi ko umalis ka." Ano na namanbang problema nito at napakainit na naman ng ulo niya? Ako na nga itong nagmamagandang loob.






"Chill. Nanganga---"






"ALAM NIYO BA NA NAIIRITA NA AKO SA BABAENG TO? LAGI LAGI NA LANG NAKADIKIT SA AKIN. PINAGPIPILITAN NIYA SARILI NIYA SA AKIN KAHIT AYOKO NAMAN TALAGA SA KANYA! MASYADO KA ATE KUNG MAGHABOL! BAKIT? HINDI KA PA BA NAGSASAWA SA MGA LALAKI MO NA HALOS MAY IBA IBA KANG KINAKALANTARYO GABI GABI?! WALA AKONG PLANO MAKISALI SA KABABUYAN MO!" Bigla niya yung naisigaw at tama kayo, narinig lahat ng mga estudyante yun. May nangingilid ng luha sa mata ko. Hindi ko alan kung bakit triple triple yung sakit na sa kanya pa talaga nanggaling. Lahat ng estudyante may pandidiring nakatingin sa akin. Gusto kong isigaw na hindi totoo yun, na walang katotohanan dun. Pero hindi ko magawa. Naglalakad na siya palayo. Hinihitay kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. Pero hindi.






"HINDI KO BABAWIIN. TOTOO LAHAT NG SINABI KO." At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hinang hina ako sa mga nangyari ngayon. To the fact na may mga nagvideo pa at mukha akong kawawa dito na iyak ng iyak na halos mapaupo na sa lapag. Ang sakit sakit. Bakit naman sa kanya pa talaga nanggaling?






"SA TINGIN NIYO MAY SHOW?! UMALIS NA KAYO DITO AT IDELETE NIYO ANO MANG KASINUNGALINGAN ANG NAKUHA NIYANG MGA CELLPHONE NIYO!"






Naramdaman ko na lang na may humitak sakin palayo sa lugar na yun. Hanggang dito, iyak pa din ako ng iyak. Hindi ko lubos maisip kung saan nanggaling yung mga sinabi niya kanina.






"Niall.. p-paano ako papasok sa school nito?" Sabi ko na may kasama pang pahikbi hikbi at hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Inabutan niya naman ako ng panyo.






"Shh.. wag mo munang isipin yun. Ang mahalaga sa ngayon, maging ok ka. Sige iiyak mo lang." Sabi niya atsaka sinandal yung ulo ko sa balikat niya.






"H-hindi totoo yun Niall.."






"Alam ko namang hindi totoo yun. Nakakabanas magmahal yung si Harry!"






"A-ano?"






"Wala."






Ngumiti siya at hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat niya. Nyay! Taylor anubayan nakakahiya ka! Buti na lang at hindi ako nagtutulo laway. Pero nagulat na lang ako ng nagising na lang ako dito sa kwarto ko, sa sarili kong higaan at unang una kong nakita si Kendall na nasa gilid ko.






"Wag mo masyadong i-stress ang sarili mo! Ok? Maaayos din yan."






Nginitian ko na lang siya. Buti na lang pala talaga at walang pasok bukas at hindi ko kakailaganing pumasok sa school ng hiyang hiya sa bagay na hindi naman totoo.






Kinuha ko yung phone ko at tinext si Niall.






-hey ty sa pakikinig. tysm!






Hindi na naman din siya nakapagreply sa akin at napansin ko na lagi na lang akong nagpapasalamat kay Niall.

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon