Chapter 3

44 1 0
                                    


Huh?! Did he just said that? Sa lahat ng tao na makapagbabanggit noon ay siya pa talaga. Bakit niya naman kaya ginagawa ito? Unang una, wala naman siyang pakielam sa akin. Pero bago ko pa man malinaw lahat kay Niall ay hinitak na ako ni Harry papunta sa sakayan ng tricycle. Pero hindi naman siya nagsasalita kapag pasok namin ng sa tricycle at nakatitig lang sa baba.






"Hey, may problema ba?" Hindi ko na kasi kayang tagalan yung katahimikan na bumabalot sa amin doon.






Pero hindi siya sumagot at nakatitig pa din sa baba. Tiningnan ko pa nga kung ano ba yung tinitingnan niya, pero wala naman. Nakakapanibago lang at kadalasan lagi siyang buhay para bwisitin ako at pagtripan. Pero ibang klase siya ngayon. Sa katunayan, ngayon ko lang nakita ang side niyang ganito.






"Para po." Wow nagsalita siya sa wakas. Dalawang salita din yun kesa sa wala. Kaso nga lang, yung driver yung kinakausap niya. Kaya naman ako, e inayos na yung gamit ko para sa pagbaba.






"Saan ka pupunta?" Sabi niya na parang bang takang taka sa ikinikilos ko. Hello? Ako ata ang dapat magtaka sa ugaling pinapakita niya sa akin.






"Bababa? Kase pumara ka na nga e."






"So sa tingin mo dito ka dapat bumaba?"

Huh? Tumingin ako sa paligid ko at napagtanto ko na hindi pala dito yung tinutuluyan namen. Kaya naman nagtaka ako kung bakit nagpara siya agad samantalang malayo pa bago sa room namin.






"Dito muna ako matutulog kila mama. Sige umuwi ka na."






Ang alam ko na lang ngayon ay tuluyan na siyang nakapasok sa bahay na malaki doon na kulay blue at ako naman ay nakarating na din sa room ng walang ano ano. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero dapat masaya ako kasi walang manggugulo sa akin ngayong gabi. Pero hindi e, ewan ko ba pero parang ang lungkot ko ngayong gabi na wala siya. Tama na nga Taylor! Baka nag-aalala lang talaga ako sa kanya kasi galit siya at hindi ko alam kung bakit.






Pinili ko na lang ilabas yung libro ko at magbabasa na lang ako siguro nito. Pero katabi ng mga libro yung cellphone ko at hindi ako makapagfocus sa binabasa ko dahil maya't maya akong tingin ng tingin sa phone ko baka magtext man lang siya. Pero wala talagang nagtetext kaya parang may mabigat na kung ano sa akin.






*bzzt bzzt*






Napabalikwas ako ng di oras ng magvibrate yung phone ko at binuksan ko agad para makita kung sino yung nagtext.






- hey si niall to. bingay sakin ni kendall number mo. save mo na ah :----)






Hindi ko alam pero parang nadisapoint ako sa nagtext. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko e. Una, nag-aalala ako sa kinikilos ni Harry na dati naman wala akong pakielam. Pangalawa, ako dapat ang magalit sa ginawa niya kanina. Pangatlo, may pagkadismaya pa akong nararamdaman nito.






Sinave ko nalang yung number ni Niall kagaya nung snabi niya. Sinarado ko na yung libro at wala din namang pumapasok sa utak ko dahil lipad ng lipad kung saan saan. Masyado akong maraming iniisip. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Niall ganun din naman kay Harry. Nung una, napakasaya niyang inisin ako sa school. Tapos nagalit, tapos eto, galit pa din. Daig pa niya ang babae pagdating sa mood swings.






Siguro nga di ko na lang masyadong iniisip ang mga bagay na ito.






**********************

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon