Chapter 15

40 1 0
                                    

Limang taon na simula nung iwan ko sila doon para makapag-aral dito sa States. Pero sariwang sariwa pa din yung alaala.





Nagiwan lang ako ng notes sa bawat isa sa kanila. Si Niall lang ang nakakaalam nun na aalis ako. Sakanya ko lang din binilin. Kahit na nung kakarating ko pa lang dito, kay Niall lang ako may communication. And I've heard na Kendall and Harry are doing great. They're looking forward for each other. And I'm sure they're happy right now.





Marami na ding nagbago no, dito na ako nakapagtapos ng pag-aaral ko at naabot ko na din yung gusto kong maging isang designer. And that's all thanks to my auntie. Actually, nagkita na din kami ni Chiniwyn dito, nabasa ko na din yung mga sinulat niyang libro. At masasabi kong, magaling talaga siya. Mas lalo siyang gumanda ngayon. As far as I can remember, there's someone courting her, she kinda' like the guy.






Ako naman sa lovelife? May mga pinapakilala sakin yung tita ko, pero hindi talaga nagwowork. At aaminin ko na din na after all these years, si Harry pa din talaga yung gusto ko. Pero alam kong napaka-imposible na nun dahil ang huli kong balita, sila na ni Kendall. Wala ng rason para isipin pa siya.






"Taylor, take care ok?"






"Yes tita. Thank you so much." I kissed her in her cheeks at binitbit ko na yung maleta ko.






Flight ko na nga pala pabalik sa Philippines. Siguro ok na din 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari pero, kailangan ko ng bumalik. May nakaabang na din kasi akong job sa isang malaking kumpanya sa Pilipinas.






Paglapag ko pa lang sa bahay namin, sinalubong agad ako nila mama. At lagi nilang sinasabi na pumuti daw ako doon. Tumaba daw ako ngayon di gaya dati na payatot. Umayos daw yung katawan ko. All in all, we're all happy together again!






Nagpaalam lang ako ngayon dahil sabi ko gusto kong bisitahin yung dati kong school. Nagtaka pa nga sila mama dahil kakauwi ko lang daw, hindi daw ba ako pagod. Pero syempre, makulit ako at nagpumilit.






Sumakay nako ng jeep dahil malayo yun mula sa bahay namin. Nadaanan ko yung apartment na tinutuluyan namin. Nagbalik sakin lahat lahat. Pero hindi ko na dapat iniisip pa ito. Bagong pintura na at ibang iba na ang hitsura. May isang pamilya na din na nakatira. I wonder, nasaan na kaya si Harry ngayon?






Tinext ko si Niall at sabi ko nakauwi na ako at papunta ako sa school. Gulat na gulat pa nga siya at sabi niya pupunta daw sila ni Arzaylea. Hanggang ngayon pala talaga ha.






Ang laki ng pinagbago ng school namin, pero napansin ko na isa lang ang hindi nagbago. Yung garden...






"Taylor!" Napalingon ako sa kung sino yung tumawag. As expected, si Niall kasama nga si Arzaylea.






"Woah! Niall! Wala kang pinagbago ah! Pati itong si Arzaylea!"






"Ikaw nga diyan gumanda e!" Binatukan naman ni Arzay etong si Niall. Ang cute nga nila e.






"By the way, nasa Zagu Smart si Kendall kung tinatanong mo. Wag ka na magsayang ng oras, puntahan mo na!"






"Sige, salamat!"






Agad akong sumakay ng tricycle at dumiretso sa Zagu Smart. May nakita ako doon na babaeng nakatalikod, hindi ako pwedeng magkamali.






"Kendall!"






Napalingon siya bigla sa direksyon ko at tumakbo palapit sa akin. Nagyakapan kami na parang ewan doon.






"Kamusta na?"






"Eto, designer na. Ikaw?"






"Ah.. eh.." Napakamot siya sa ulo niya at nakita ko ang isang singsing. Mukhang mamahalin pa.






"Eto.. engaged na." Sabi niya ng nakangiti. Dapat ko pa bang tanungin kung kanino siya engaged? Halata naman at alam ko naman na kay Harry siya ikakasal. Parang may malakas na sumaksak sa puso kong maisip yun. Pero hindi ko lubos maisip kung bakit nakuha ko pang magtanong.






"K-kanino?"











"Kay Theo..."






H-hindi kay Harry?






"Ms. Swift." Nanigas ako doon sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Sa kadahilanang, alam ko kung sino yung nagsakita. Sobrang kabog ng dibdib ko.. ngayon ko na lang ulit naramdaman 'to. Buong lakas akong humarap sa kanya.






"B-bakit?"






"You have to fix everything you left behind."






"What?!"






"... you have to reconnect every shattered pieces of my heart."






*********************

"At yun yung nangyari sa Tita Taylor mo at kay Harry."






"Daddy Liam, what happened next? Did they live happily ever after?"






"Alam mo anak? Hanggang dun lang muna, ok? Ikaw na lang ang magbigay ng ending sa story ni Tita Taylor, ok?"






"Ok dad. Edi nagkatuluyan na lang sila!"






"Osige na anak. Magbabye ka na kay Tita Taylor mo. Aalis na tayo."






Hinawakan ko na si Alison para sa paghahanda sa pag-alis namin.






"Bye bye Tita Taylor! Narinig ko na yung story mo. Ang ganda ganda! Sorry po ha, kailangan na po naming umalis ni dad, bibisitahin ka na lang uli minsan."






Nagsimula ng maglakad si Alison. Pero ako, nandito pa din at nakatitig sa mga letrang nakaukit ng pantay-pantay. Ngumiti ako bago sabihing,






"Ok na Ate Taytay, natupad ko na yung hiling mo na ikwento kay Alison. Alis nako ha!"






Tumakbo na ako para habulin si Alison at kinarga ko kaagad siya. Napalingon na lang ulit ako kay Ate Taytay.






Ilang taon na din pala... simula ng iwanan mo kami. Bago yun, biniro ka pa ni Kuya Harry na buti na lang at hindi mo nakilala si Calvin sa States. At wala kaming clue na yun pala ang huli. Marami kaming aalahanin sayo.. Kasi ikaw yung babaeng natutong magsakripisyo para sa ikaaayos ng lahat. Kaya siguro, hindi mo inaasahang may magandang bagay na naghihintay sayo sa pagbalik mo. Aalalahin ka namin dahil ikaw yan. Dahil ikaw si Taylor Swift.



********* THE END *********






Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon