Chapter 2

76 1 0
                                    

Nagising ako ng maaga ngayon. Buong gabi ko ata inisip yung mga sinabi niya sa akin kagabi. Hay naman Taylor! Bakit naman ako magiging espesyal sa kanya diba? Eh lagi nga lang akong iniinis nun. Aba, espesyal ba ang tawag dun? Pinagluto lang naman niya ako, baka nakonsensya lang siya sa mga sinabi niya.



Pagdating ko sa room 'e, akala ko wala pang tao, pano ba naman? Patay ang ilaw kaya nga nung binuksan ko yung ilaw, nagulat ako ng may tao pala dun sa sulok.




"Oh, Niall. Nandito ka pala. Medyo nagulat ako ah, pano ba naman patay ang ilaw."



"Ah, nagulat ba kita? Sorry."



"Ok lang." Parehas kaming nanahimik habang ako naman ay inaayos yung bag ko at nilagay sa upuan ko.



"Nga pala, hinahanap ka ni Harry kanina. Sabi ko wala ka pa, kita na lang daw kayo mamayang break." Sabi niya habang tumayo na dun sa sulok na yun at ngayon nakatingin na sakin ng deretso. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at nagtataka talaga ako.



"Ano naman kaya ang kailangan nung isang yun?" Sa pagkakaalam ko, ni ayaw nya makita ng lahat na magkasama kami. Hmm, siguro sinusubukan nya na talagang magbago. Nakakatawang isipin ang mga gantong bagay. Kaya naman hindi ko mapigilan at napangiti ako ng wala sa oras.



"Smiling, huh? Nice. May gusto ba yun sayo? Or just like the other girls?"



"Seryoso ka ba dyan?"



"Oo."



"Ok. Eto na lang sasabihin ko sayo, imposibleng mangyari yun. E wala ngang sineseryoso yun. At wala pa nga ata."



"Pano kung sabihin ko sayong meron?"



Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Alam ko namang hindi ko pa ganong kakilala si Harry at marami pa akong di alam sa kanya. Pero.. ewan! Di ko kayang isipin.



"Meron? Anyway, kailangan ko ng hanapin si Kendall."



"Samahan na kita." Tumango na lang ako at nagsimula na nga kaming maglakad palabas ng room.



"So, ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Sabi ko habang nakatingin sa sapatos ko. Diko ata to nalinis? Puro alikabok na halos.



"Sa ngayon, basketball pa din. Kakatapos lang ng mga practice sa sayaw, so basketball naman."



"Sumasayaw ka pala ah. Nakita na kitang magbasketball, galing mo ah."



"Thanks."



"Halos sa lahat ng bagay magaling ka. Minsan napapaisip ako, ano pa ba ang dimo kaya?"



"May isang bagay na kahit kailan ay hindi ako magiging magaling."



Ngumiti siya atsaka tumingin siya sakin. Talaga? Hindi ko yan naisip.



"Pagdating sa taong gusto ko. Kagaya ngayon, di ako magaling diba?"



Huh?! Bakit naman niya ako tinatanong sa bagay na yan? Ako ba yung taong gusto niya? Hindi naman e. Medyo malabo din ang taong to ah. Mahirap intindihin. Sa sobrang pagkatulala ko, ni hindi ko na namalayan na nakaalis na pala siya at naglalakad na palayo sakin. Kaya nagulat ako nung lumingon pa siya uli.



"Ang hirap pala talaga no? Sige una nako!" Nagwave na lang siya patalikod at tumakbo na talaga palayo. Huh? Ano bang problema niya? Kanina pa ako nagugulat sa mga simasabi niya. Hindi kaya.. gusto niya ako? Malabo naman ata yun! Hindi naman ako nag-assume nun diba?



Nagstart na nga yung klase namen. Pero bago yun, nahanp ko na si Kendall at nalate daw siya ng gising. Ok naman ang takbo ng discussion, sa ibang subject, lively. Yung iba naman, sobrang boring at halos makatulog na kaming lahat. Kaya nga laking pasasalamat ko ng magbreak na.



"Hey Taylor! Sasabay ka ba samin ngayong break ni Niall?"



"Ay hindi. Kayo muna, kakausapin ata ako ni Harry ngayon?"



"Wow! Himala at gusto ka niyang kausapin ngayon."



"Hindi ko nga alam kung ano ba nangyayari dun sa isang yun. Osge pala."




Nagpunta na ako sa canteen at hinanap agad kung nasan si Harry. As usual, madali mo lang naman siyang mahahanap. Dahil kung hindi nakaligid ang estudyante sa kanya, sa kanya lahat ng mata. Sikat talaga.



Binaba ko yung bag ko sa lamesa.



"Kakausapin mo daw ako?"



"Oo. Umupo ka dyan."




"Tungkol saan ba?"




"Wala lang."




What? Ano? Wala lang? Pinapunta niya ako dito dahil sa wala lang. Nasisiraan na ata tong isang to. Sa lahat ng papupuntahin, ako pa.




"Bakit ako? Hindi ba masira image mo nito?"




"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? O baka image mo ang masira?" Tapos tumawa siya ng pagkalakas lakas doon kaya napatingin yung mga estudyante sa direksyon namen. Or should I say, kanina pa naman talaga sila nakatingin wala pa man ako dito.




"Ano bang sinasabi mo? Sinasayang mo oras ko e."




"E sa tingin mo magiging ok ang paglabas mo dito sa lugar nato? Sigurado ko kinakain ka na ng mga babaeng yan sa isip nila!" Tumawa na naman siya. Napatingin ako sa paligid ko. At tumaas balahibo ko pagtingin ko sa mga babaeng war freak, sobrang sama ng tingin sa akin. Bakit niya ba ginagawa 'to? Now I don't really know how can I get out of this place as much as possible.




"Trip ko lang 'to. Sorry at ikaw ang napagbuhusan ko." Sabi niya sabay tayo sa silya niya at parang wala lang na naglakad palayo. Sobrang kumukulo dugo ko sa inis. Ganun lang? Hindi niya man lang ako tinulungan lumabas. Hays no choice.




"Tara na sabay na tayo bumalik sa room." Pagtingin ko sa nagsalita, si Niall. Oh salamat naman! Tumingin ulit ako sa direksyon ni Harry palabas at nakita kong nakitingin siya sa amin at parang galit. Pero nung makita ko yun, iniwas niya tingin niya sabay tuluyang lumayo.




"Salamat talaga Niall ah! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kanina."




"Wala yun. Sana pala hindi ko na sinabi sayo pinapasabi ni Harry kung ganun lang din naman."




"Ok lang yun! Lilipas din naman." Sabay ngumiti ako sa kanya.




"Hatid na kita."




May biglang humawak sa balikat ko.




"Hindi na kailangan. Tara na Taylor, umuwi na tayo satin.."



Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon