Chapter 13

11 1 0
                                    

"K-kendall.."




"Totoo yun! Nagawa ko yun dahil sa sobrang pagkairita ko sayo. Parang ngayon, naiirita ako dahil nandyan ka sa harapan ko."




Tumakbo siya nun palabas ng room at nakita kong umiiyak siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari at all of a sudden, naiirita siya sakin? Kailan pa?




"Sa tingin ko, mas maganda kung sundin mo yung gusto niya. Wag mo muna siya lapitan." Sabi ni Niall. Nakita niya pala at narinig din niya. Napayuko na lang ako. Naguguluhan ako. Nakakainis.




Lumipas ang ilang araw at ganun pa din si Kendall. Pero di tulad ng dati, hindi ko na siya kinukulit. Gusto ko sana magsorry kaso hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kanya. Lagi na lang na pag magkakasalubong kami, mag-iiba siya ng direksyon.




Dahil nga dalawang araw na lang ay magbabakasyon na. Nandyan na naman yung paghingi ng statement ng mga kilalang estudyante sa batch namin. Lumabas kami ni Niall nun dahil siya man din ay hihingan daw ng statement. Pagdating namin sa court, nakakumpol yung mga estudyante doon at ng malaman ko kung sino yung hinihingan nila ng statement, si Harry.




"Teka teka! Ano ba ang favorite color mo Harry?"





Ah. I knew it. Blue yung favorite color niya sa pagkakaalam ko.





"Yellow.."





Huh?! Ang sabi niya sa akin noon ay blue daw ang favorite color niya. Ang bilis niya naman magpalit.





"Talaga? Favorite mo ang yellow?"





"Actually blue talaga ang favorite ko. Pero dahil nalaman ko na yellow ang favorite color ng taong gusto ko, favorite ko na din yun."






Kumabog ng malakas yung dibdib ko...





Yellow is my favorite color.






"Oh eto na pala si Niall e! Niall..." Ayun sinimulan na din nilang usisain si Niall. Syempre sakin naman walang magtatanong no, as if naman sikat ako dito sa school namin.






Napatingin ako sa gilid, nandoon nakaupo si Kendall. Sinubukan ko siyang ngitian pero tumayo lang siya at tumakbo palayo. Hindi ko na talaga gusto yung mga nangyayari sa amin.






"Ikaw Miss? Ano ang best experience mo so far bilang isang third year student?"






"Sira ka talaga Harry! Baka sikat ako no?"






"Bakit diba sabi ko, you mean so much to me? Ibig sabihin, kailangan kitang hingan ng statement."






"Hmm.. best experience? I'll never be that particular. Pero yung moment na naramdaman ko yung mga bagay na wala lang sa akin dati. And I met amazing kinds of people."






"Very well said. By the way, uuwi ako mamaya dahil may kukunin ako. Iuuwi ko yung mga gamit ko samin, para malinis yung iba. Ibabalik ko na lang some other time."






"Ah sige lang."






Pagtingin namin doon, kinukuyog pa din si Niall, at hindi kagaya kanina, kasama na sa hinihingan ng statement ay si Arzaylea. Bilang, cliché man pakinggan pero, campus princess.






Naghintay lang naman ako ng konting oras sa school bago ang dismissal. Sa totoo lang, nakakabagot talaga. Unang una wala si Kendall. Dati pag ganto, nangungulit na yun. At sobrang maingay, pero ngayon, hay grabe. May kapayapaan ang lahat.






"Taylor.."






"Oh ikaw pala Chiniwyn."






"Kamusta na?"






"Ok lang ako. By the way, you need to know tha---"






"No need to explain Taylor, ano ka ba? Alam ko na naman yung totoo. Atsaka isa pa, pabalik na naman ako sa Canada next week. Nailabas na kasi yung bagong book na naisulat ko."






"Wow. Talagang magaling kang writer. I wonder kung makakabasa man lang ako kahit isa sa mga libro mo."






"Pwedeng pwede naman kitang padalhan anytime you want. Siguro nga, nauwi lang ako dito para may bagong maisulat na libro. Kung saan ko mailalagay yung mga lesson na natutunan ko dito. Thank you for the experience and sa pagtuturo sa akin kung paano pako mag-iimprove sa mga sinusulat ko."






"Wala naman akong naituro."






"Part ka din kahit papaano. Osige pala kailangan ko ng umalis."






Umalis na din naman siya noon at umuwi na din naman ako sa bahay at naabutan ko doon si Harry na nag-aayos ng gamit niya.






"Busy ah."






"Oo e. Iuuwi ko kasi 'to. Osige dadalhin ko lang 'to sa bahay. Babalik din ako."






Dinala niya yung bag niya na malaki na puno ng gamit niya at lumabas na siya. May napansin naman akong yellow na clear book doon. Siguro naiwan niya 'to. Pinulot ko yun. Tiningnan ko lahat na nandun. Napangiti ako sa nakita ko. Naramdaman kong babalik siya sa loob kaya binalik ko yung clear book.






"Oh nakalimutan ko pala yang clear book. Nakita mo?"






"Alin? Ah yan ba? Ngayon ko nga lang narealize na may clear book pala nung sinabi mo lang."






Ngumiti pa siya nun atsaka tumawag na siya ng tricycle at sumakay na nga siya doon. Napahiga ako sa kama ko ng nakangiti. I just can't believe it.






Nagluto na lang ako ng pagkain ko atsaka ko naisipang magbukas ng social media accounts ko. Inuna ko yung facebook ko. Sinearch ko agad si Kendall. Tiningnan ko yung mga status niya. Nagulat pa nga ako sa isa niyang status doon.






"When your friend is too dense, for all you feel and for what others feel for her."






Tapos parang sunod sunod na magkakarugtong yung status niya.






"She's really annoying."






"Sometimes I just feel that I want to punch her that hard for her to figure out everything."






"We're both not used in not being together. Chatting like nonsense things. Basically, normal things that just the two of you understand."






"But the hell, she really irritates me. I want to tell her but I want her to realize."






"Ok in 5 seconds if she still doesn't get it, I'll explain everything. 5.. 4.. 3.. 2.. 1.."






Huh?! Ano bang pinagsasasabi nitong babeng 'to?






*bzzt bzzt*

1 message recieved from Kendall



- tom i'll tell you






So seryoso siya sa counting niya?! Funny.






Anyway masaya ako dahil gusto niya nakong kausapin. Napahiga na naman ako sa kama ko ng nakangiti, naalala ko pa yung clear book.






I can't believe na andami kong pictures doon. Picture ko ng tulog, nakanganga and I don't know how or when he took those pictures. Puro picture ko lahat. At doon sa pinakahuling page ay yung picture namin sa may photo booth. My heart feels like exploding anytime. Just thinking...






He made a scrapbook of mine...

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon