Chapter 12

16 1 0
                                    

Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Harry doon sa sinabi ni Chiniwyn. Pero ang alam ko lang iyak siya ng iyak ng pagkakataong yun. Pero kahit ako naman sa sarili ko naguluhan. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya kanina. O di kaya naman, sinabi lang niya yun para tumigil yung mga babaeng yun.




"Wag ka ng umiyak ah. Ayos na." Ngumiti naman na ako sa kanya.




"Ok na ako. Salamat."




"Sisiguraduhin kong hindi na mauulit yung ganun."




"Hindi mo ba kakausapin si Chiniwyn?"




"Nakausap ko na siya kanina."




"That's it? Ipaliwanag mo lahat ng narinig niya."




"Bakit pa? Wala ng kailangang ipaliwanag. She heard it all."




"Chiniwyn must be very special for you."




"Alam mo? Dati kakaiba yung nararamdaman ko pag naririnig ko yung pangalan niya. Ngayon, natatawa na lang ako." Grabe talaga sila sa pangalan niya. So, ako lang ba ang natutuwa sa pangalan niya? Ang unique kaya.




"Gusto mo kantahan kita?"




Tumango ako sa kanya. Kinuha niya yung gitara ko. Hindi ko pa siya naririnig kumanta. Sabi ko nga, ngayon pa lang. Yung idea na kakantahan niya ako, nagpapakabog na ng dibdib ko. Hay Taylor, kailan ba ako titigil umasa? Kahit naman nagbibigay siya ng motibo na madalas magpaisip sa akin, ayoko pa din.




Nagsimula na siyang magstrum ng gitara. Intro, hanggang sa nagsimula siyang kumanta..




"You're my peace of mind in this crazy world

You're everything I've tried to find, your love us a pearl

You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes.."




Tuloy lang siya sa pagkanta niya. Nakayuko lang siya habang kumakanta. At wow ha, ang ganda ng boses niya. Sa tagal tagal ko siyang kasama, ngayon ko lang nalaman.




"The world will turn and the seasons will change

And all the lessons we will learn, will be beautiful and strange

We'll have our fill of tears, our share of sighs

My only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes.."




Oo, mahal kita Harry. Pero ayokong kumpirmahin yung nararamdaman mo, dahil baka masaktan lang ako. At ayokong dumating yung panahon na, iiyak ako dahil sa sarili kong katangahan.




Nagulat ako ng biglang niyang inangat yung ulo niya. At tumingin siya ng diretso sa mata ko..




"You will always be beautiful in my eyes

And the passing years will show

That you will always grow

Even more beautiful in my eyes.."




Kinakanta niya yun habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko sasabog tong puso ko sa sobrang lakas ng kabog.




Tinabi niya yung gitara niya at lumapit sa akin.




"Taylor, pwede ba kitang yakapin? Kahit ngayon lang?"




Tumango lang ako at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. I wonder kung nararamdaman niya ba yung kabog ng dibdib ko. Nyayks! Nakakahiya naman. Ayokong alisin yung yakap niya, ang sarap sa pakiramdam. Ano ba talaga ang nararamdaman mo Harry? Sabihin mo lang sa akin. Kung kailangan kong lumayo, gagawin ko.




"Kahit gaano pa ang tingin ng tao sayo, wag na wag mong kalilimutan..




... that you mean so much to me."





******************************

Tinetext ko si Kendall pero hindi siya nagrereply. Tinatawagan ko siya pero hindi din niya sinasagot. Ano na kaya nangyari dun? Simula nung scene sa school, wala na kaming communication. Hay di bale, may pasok na naman na bukas, makikita ko din naman siya.





Monday. Last Monday ng pagpasok namin. Pagtungtong ng Friday, bakasyon na ng lahat. Una kong ginawa ay hinanap si Kendall kagaya ng kahapon ko pa iniisip. Nakita ko siya na kasama si Niall na mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila.





"Hey mukhang seryosohan yan ha."





Napatingin silang dalawa sa akin. Ngumiti si Niall sa akin.





"Good morning Taylor."





"Good morning din Niall."





Tumingin naman ako kay Kendall na para bang hindi ako dumating.





"Kendall! Tinetext kita tsaka tinatawagan hindi mo naman sinasagot. May problema ba?"





Tumayo siya nun sa kinauupuan niya atsaka humarap sa akin.





"Wala. Nasira phone ko." Nagtap siya sa balikat ni Niall. "Sge Niall una nako."





At bigla na lang siyang naglakad palabas ng room. Bestfriend niya ako at hindi niya ako maloloko. Alam kong may problema na hindi niya sinasabi sa akin. Tinanong ko naman si Niall kung may alam siya pero sinabi niya wala daw siyang alam at mabuti pang si Kendall ang tanungin ko.






"Kendall! Wala ka bang ikukwento sa akin? Yung crush mo? Diba lagi ka nagkukwento? Dali na!"





"Wala."





"Ikaw naman Kendall e. Sige na!"





"Wala nga."





"E paano naman yung problema mo? Alam kong meron."





"Pwede ba Taylor? Wala nga sinabi e."





Hindi niya na din ako pinansin noon. First time maging ganto sakin ni Kendall at hindi talaga ako sanay. Hindi pa naman ako nakakatulog sa gabi pag alam kong may hindi pagkakaintindihan.





Hindi din tumabi sa akin si Kendall buong maghapon. No texts or calls. Ayoko ng ganito dahil hindi talaga ako sanay na hindi kami magkasama.






"Ok sige. Eto na lang yung sagutin mo. Bakit dimo man lang ako nirereplyan?"






"Taylor, sinabi na sayo na sira ang phone ko."






"Pero maingat ka sa phone."






"Can you actually believe na kaya nga nasira ko yung sarili kong phone dahil naiirita ako sa text at tawag mo?!"





Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon