Chapter 7

18 1 0
                                    


Ngayon na malapit ng matapos ang buhay namin bilang 3rd year, marami na namang kailangang ipasa. Mga portfolio, compilation ng nga activities, special projects. Kaya etong week na ito ay naging talaga namang busy ang lahat. Hindi na nga kami madalas makapaggala nila Kendall. Lagi na lang stuck sa school, kundi naman sa bahay. At iisa lang ang ginagawa, school stuffs. Yeah, nakakarindi na lang na puro yan ang maririnig at makikita mo sa loob ng isang buong linggo.






Si Harry, ayun magkasama na naman kami sa apartment at mukhang wala na talaga siyang balak ulitin yung ginawa niya sa akin. Hindi pa man din niya naaayos, unti unti na naman ding nawala sa isip ng mga estudyante at naging busy na din sila sa mga pinapasa. Hindi ko na din madalas nasusungitan si Harry, aba naglilinis na siya ng bahay at hindi na siya gamit ng gamit ng mga gamit ko. Buti na lang at naisipan niya ng magbago.






"Taylor! Tapos ka na ba sa lahat ng ipapasa?" Sabi ni Kendall habang nag-stretch pa kasi kanina pa siya may ginagawang kung ano doon.






"Ah oo, natapos ko na kagabi."






"Wow ha! Ang bilis mo natapos."






"Tinulungan kasi ako ni Harry atsaka matagal pa lang po ay inasikaso ko na yan."





"Ako nga eto o, andami ko pang gagawin. Kainis!"






Nasabi ko na ba na ito na yung last day ng mga pasahan namin? At etong babaeng to ay marami pang kailangang kompletuhin. The fact na, may ilan siyang hindi naipasa noon kaya kakailanganin niya ng special project para mahabol yung grade niya.






"Saan nga pala yung special project mo?" Sabi ko sa kanya dahil parang diko man lang nakita na inasikaso niya yun.






"Eto hindi ko pa tapos. Pentel na lang kailangan."






"Ewan ka talaga Kendall Jenner! Asan na ba at ako na ang magpepentel!"






"Thankyou!"






At inabot niya sa akin yung project niya. Ang ganda nga nung mga drawings e. Siya ang nagdrawing neto panigurado. Kaya kahit madalian, maganda pa din ang kinalabasan. Pinentelan ko na nga at nilagyan ng ibang design. Nung matapos ko na yun ay nagpaalam ako saglit na lalabas lang ako. At thankyou naman siya ng thankyou doon.






"Psst! Taylor!" Paglingon ko sa kung sino yung tumawag, si Harry lang pala. Lumapit siya sa akin atsaka hindi ko inaasahag aakbayan niya ako. Hindi ko alam pero parang lumakas yung kabog ng dibdib ko ng akbayan niya ako.






"Bakit?"






"Friday ngayon. Tama ba?"






"Oo."






"Grocery tayo mamaya."






"Para saan?" Tinanggal naman na niya yung akbay niya sa akin. Humarap na sakin at umupo naman kami sa pinakamalapit na bench na nahintuan namin.






"Wala ng groceries sa bahay. And besides, papalitan ko yung mga nakain ko noon na ikaw dapat ang kumain." Ngumiti siya ng malawak. Aba! Naalala niya pa pala mga pinaggagagawa niya sa akin dati. So pati chocolates? Drinks? Snacks? Wow.






"Sige ba. Anong oras?"






"Pagkagaling natin sa school. Deretso na tayo." Nanahimik na lang kami doon at nakaupo lang kami parehas doon.






Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon