Chapter 8

17 1 0
                                    

May upcoming finals pa kami. Pero hindi na namin yun masyadong sineseryoso, kumbaga samin ay petiks na lang yun. Dahil hindi na yun connected sa grade namin. Yung semi-finals, yun yung tinatawag naming finals dahil iyon naman talaga ang recorded. Dahil yung finals ay para na lang sa mastery level ng teachers.





Matapos nung scene doon sa photo booth, madalas na kaming nagkasama-sama nila Kendall at sumasama na din sa amin ni Harry. Hindi ko na nga namalayan yung sarili ko na, parang lahat ng ginagawa ni Harry para sakin ay napaka espesyal. Lahat ng galaw niya nabibigyan ko ng kahulugan. Alam kong hindi tama pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.



Parang nung isang araw lang, nakita ko siyang may kausap na babae. At naririnig rinig ko na, may gusto daw yung babaeng yun sa kanya. May naramdaman akong inis sa loob loob ko. Nawala pa ako sa mood nun makipag usap sa iba. Anyway, lumipas din naman. But I realized that the more I see Harry, the more evidences are there to prove that I am falling for him unconditionally. I just don't like the feeling. Nagsimula ko lang naman napagtanto yun, sa may photo booth. Kakaiba lang kasi yung naramdaman ko nun, at doon nako nagsimulang magtaka. A conclusion came up, baka nga gusto ko siya. Pero nababago at nababago sa paglipas ng panahon. Kase hindi lang gusto, I just found myself falling for him.






"Hey Taylor! Nakita mo na ba ang section mo?" Bigla bigla namang sumusulpot itong si Niall out of the blue. Ngayon na nga lang pala ulit siya nakapasok dahil nga sa nagkasakit siya. Medyo namayat nga siya e. Pero hanga ako sa kanya, nakukuha niya pa dinh magtext kahit na matamlay siya.






"Section para saan?"






"Nagpost na po kaya ng section sa bulletin, section yun para sa next school year."






Oo nga pala, dito kasi sa school namin, maaga kung magpost ng section. March pa lang at may pasok pa, alam na namin agad kung saan kami. Para daw kasi hindi na magahol atleast ayos na kaagad. Ano naman kayang section ako?






"Hindi pa ako nadadaan doon e. Ano kaya ang section ko? Ikaw ba?"






"Sardonyx ako e. Ikaw.. as usual section one ka pa din. Diamond ka e."






"We Niall? E diba kompleto ka naman? Bakit nalipat ka?"






"Nagkasakit ako diba? Hindi ko naihabol yung mga dapat ipasa."






"Ay sayang naman." Bigla kong napaisip kung ano kaya ang section ni Harry. At may mas malala pa, ni naisip ko din kung kaklase niya si Arzaylea. Ano ba naman tong mga naiisip ko! Nakakainis naman talaga.






"Kung iniisip mo si Harry, Sardonyx ang section niya." Nagulat naman ako sa sinabi ng isang 'to. Namula ako bigla ng marealize ko kung gaano siya kagaling at nalaman niya na si Harry yung iniisip ko.






"H-halata ba?" Hindi ko alam kung gaano ako kalaking tanga para itanong sa kanya yan. No choice, nandito na ako e.






"Na may gusto ka sa kanya? Oo naman." Mas lalo ata akong namula sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya. Kung siya napansin niya, paano kaya si Harry? Sana hindi. Sana. Wala naman akong balak malaman niya.






"Hindi naman ako nagseselos e. Dahil naging crush lang naman kita. Pero kahit kailan, ni hindi ko binalak ligawan ka." Tumayo siya nun pero nakita kong nakangiti siya sa kawalan. Hindi ba parang masakit naman yun? Konting parte sa akin ay umasa din. Hindi ko alam kung bakit pa ako nasasaktan sa sinabi niya sa akin ngayon. Eh tama lang naman yung ginawa niya






"Kung dati siguro oo. Pero ngayon kasi iba na e. Iba na yung gusto ko. Kilala mo kung sino?"






"S-sino?"






"I hope na mapansin niya ako e...












... I hope na mapansin ako ni Arzaylea."






Siguro nga masyado ko siyang ginulat dahil nagtatakbo na lang ako palayo doon sa room namin. Pumunta ako sa likod ng building at doon umiyak ng umiyak. Sa katunayan lang e, hindi naman ako naiyak doon sa sinabi niyang gusto niya si Arzaylea, pero doon sa fact na may gusto siya kay Harry at hindi malabong magustuhan siya ni Harry.






I mean, sino ba naman ang hindi? Halos lahat ng lalaki sa school, kuha niya ang atensyon. Maganda siya, mabait at talented. Paano kaya kung? Hindi ko na alam yung iniiyak ko dun. Sa pamamagitan lang ng pag-iisip ng bagay na yun, nagkakaganito na ako? Paano pa kaya kung mangyari na?






Inayos ko yung sarili ko at pumunta na lang ako sa clinic at nagpakiusap na magduty ako doon. Pinayagan naman ako. Ayoko kasing bumalik sa room at usisain pa ako ni Niall kung gaano kaweweirdo yung ginawa ko kanina. Namatay na nga din yung phone ko sa sobrang pagka-low battery.






Papauwi na ako ngayon sa bahay. Actually, nagpalate ako ng uwi ngayon dahil ayokong makita ako nila Kendall. Nagbayad lang ako sa tricycle at bumaba na din. Pero laking gulat ko ng pagbaba ko, nakatayo doon sa may pinto si Harry.






"Nandito ka na pala Taylor."






"Ah oo."






"Bakit late ka na? Atsaka sabi nila Kendall, dika na daw uli nila nakita pagkatapos ng break."






"Yep, nagduty kasi ako sa clinic e."






"Ok. Nga pala, hinintay lang kita dumarating. Di muna kasi ako makakatulog dito dahil inatake na naman ng sakit yung kapatid ko." Napansin ko naman na medyo malungkot siya. Like hello? Sino nga ba naman ang hindi malulungkot doon.






"Ah ganun ba? Sige mag-iingat ka." Nginitian ko siya at akmang papasok na ako sa loob ng bahay at gusto ko na din magpahinga.






"Ok ka lang ba? May problema ba? Teka nga, umiyak ka ba?"






"Hindi ako umiyak ano ka ba! Tsaka isa pa ok lang ako." Ayoko na namang dagdagan pa yung problema niya with regards doon sa family niya. Ok na din to. At mas lalong di makakatulong kung sasabihin kong siya ang dahilan ng pag-iyak ko.






Tumalikod na ako nun at pipihitin ko na sana yung door knob.






"Taylor."






"Ano ba yun Harry?"






"Sabihin mo sa akin kung may problema. Nandito lang naman ako."






"Oo sige na. Baka gabihin ka pa niyan e."






"Sige."






Tumalikod na ako ulit at totoo na talagang papasok ako sa loob. Medyo masakit na din yung paa ko no. Ang daming inutos sa akin kanina sa clinic e.






"Taylor."






"Last na yan?"






"Promise." Lumapit pa siya sa akin nun and the last thing I know...






He kissed me on my forehead...

Room 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon