"Rank 1 nanaman sya.. As expected."
.
"Ang galing nya noh? Tas ang yaman pa.."
.
"Oo, balita ko nga may isang tagapagsilbi ng lahat ng kailangan nyan eh."
.
"Grabeh, pwede na syang wag mag-aral noh? Mabubuhay na sya non."
.
"Sana ako nalang sya-"
.
Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap. Kanina ko pa sila naririnig, pero hindi ko natiis yung huling sinabi nung isa. They looked away, tas biglang umalis. Napansin sigurong nakatingin na ko.
.
"Sana ako nalang sya..." Tss... Sana nga..
.
"Kumain ka na ba?"
Napalingon ako sa likod ko. Lagi nalang syang bumubulong sa likod ko..
He keeps nagging me.
Tumango lang ako.
Ganon ako, nasanay na kong isa o dalawang salita lang ang sasabihin ko buong araw, except sa klase kapag recitation.
.
IDK.
.
Nasanay lang kasi akong walang nakakausap sa umaga, kaya buong araw parang nakakatamad magsalita.
Nasa diary ko lang halos lahat ng gusto kong sabihin, mas madaling magsulat kesa magsalita para sakin.
Kasi kahit namanmagsalita ako, there's no one to listen..
.
"Sayang.. Nga pala, humanda ka next grading, tatalunin na kita."
.
Psh. Lagi nya nalang yang sinasabi, lagi namang di nangyayari.
.
Every grading kasi, laging ako ang 1st, laging 2nd lang sya..
.
Minsan nga naiisip ko, pagbigyan ko na kaya syang marank 1 para tigilan nya na ko?
.
.
"Rank 2 parin si Chim? Consistent..."
Sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita.
.
.
.
Ow. Mukhang galit yata si Chim..
.
.
Yeah, nakalimutan ko nga palang sabihin na sya si Chim, pinakagwapo daw na lalaki sa school. Anak ng may-ari ng may pinakamalaking kompanya sa bansa.
Sya ang panganay, kaya siya ang tagapagmana, kaya kailangan, maging karapat-dapat siya sa pusisyon. Kaya parang di nya matanggap na lagi ko syang natatalo.
.
Nilapitan ni Chim yung babae.
Di namin sya kaklase, kabilang room yata.
Huminto bigla sa tapat nung babae si Chim, umakma na mananapak.
Namewang lang yung babae, at nagtaas pa ng kilay ha!
BINABASA MO ANG
Doll house
Teen FictionVelvet's life has been tragic ever since her parents died. She thinks nobody cares, and nothing matters anymore. But what if there's someone who really does, but she's just too numb to feel it? And what if that someone is also too foolish to admit i...