8th Chapter

592 48 2
                                    

Time's POV

Pakibantayan...

 

Dyus ko CHIM.! Ano palagay mo sakin? Personal guard?! Kelangan on duty ako ngayong magbantay ng babaeng mahalaga sayo..? Pati narin...

"Why is she with Time?!"
"Are they going out?

"No WAY..! She's a slut..."

Bakit ba wala talagang magawa ang mga babae sa school na toh? Bigwasan ko kaya sila isa-isa?! Ng makita nila ang mga sarili nila noh? Tsk.

Naglalakad na kami ni Velvet papuntang Canteen...

Hehe... Ni Velvet...

Kasama ko sya ngayon...

Eto sya woh.. *turo ng daliri*

Nasa tabi ko..

Si Velvet...

Siya nga....

Ang girlfriend ni Chim....

Nawala yung ngiti ko sa labi. Oo nga pala noh.. Mahal sya ng kaibigan ko.. At bilang kaibigan nya, kailangan ko tong bantayan..

Sus.! Kahit yata si Superman susuko sa pagiging tagapagligtas nito eh, puro kapahamakan pinapasok nereng babaeng re weh...

"Dun ba tayo uupo?"

Tinuro ko yung table sa sulok na lagi nyang inuupuan, yung pinakamalayo sa food courts.

Tumango lang sya..

Puro nalang ba tango ang isasagot nya? Tsaka iling? Wala ba tong ibang alam gawin kundi yon?

Tss... Kung hindi lang eh.. Matagal ko na tong binatukan ng di na makatango ulit.

Naglakad kami papunta sa table nya.. OO, Table na nya yun, walang ibang umuupo dun eh.. Ni wala ngang lumalapit sa kanya.. Si Chim lang...

Sumakit nanaman.. Ang sakit talaga...

Tumingin ako sa binti ko, pero hindi dun nanggagaling yung sakit eh..

Tss.. Grabeng babae toh..

"Ano ba kakainin mo, ako nalang kukuha.." sabi ko..

Ayoko kasi muna syang makasama kahit mga ilang minuto lang, nasasaktan ako eh,..

Masakit..

Sobra....

"Sama na ko..."

Ay Ampupung bata..! Ilang beses kang pinanganak 'ne? Di mo ba naramdamang ayoko muna kitang makasama..? Ay, oo nga pala.. Manhid ka na eh..

Eh syempre, alanganamang ipagtabuyan ko ito? So sige, sama sya sakin.. Lalo tuloy akong nahirapan.. Haha.!

Alam mo yung parang may kasamang puppet? Ako yun eh!

*

"Gusto mo nun?"

Iiling sya...

Doll houseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon