Time's POV
Umiiyak sya...
Nakita kong may luhang pumatak sa mata nya bago sya tuluyang mawala sa paningin ko...
Naiwan syang mag-isa.. Walang kahit sinong nandun sa hallway kasi magsisimula na ang klase..
.
Siguro naman kaya nya diba? Nakaya nga nyang mabuhay ng walang kasama, siguro kakayanin nya ulit..
.
.
Pero.... Lagi nalang ba syang magiging matatag? Lagi nalang bang sya dapat ang nagtitiis kasi sya ang malakas.? Kasi sya yung nasanay ng mag-isa kaya kailangan sya ang iwanan.....?
.
.
Ayoko na.. Ayoko ng isipin pa ang kalagayan nya.. Lalo lang akong mahihirapang bumitaw..
.
"Bitiwan mo na ko. Kaya kong maglakad mag-isa."
Huminto si Rizette sa paghatak sakin papunta sa room, pero hindi kami magkaroom.
Tumingin sya sakin, pero ayokong tingnan sya..
Ayoko... Ayoko ng lahat..
Ayoko lahat ng nangyayari....
"Siguro naman nagkaintindihan na tayo Time.. O baka nakalimutan mo na yung kasunduan natin at gusto mong ipaalala ko sayo kung ano ang mangyayari oras na pinagpatuloy mo toh.."
Oo na.. Oo na.. Hindi ko na mababawi lahat..
Lahat ng nangyari, kasalanan ko.......
Ayoko....
Ayoko na talaga..
Parang gusto ko nalang takbuhan lahat ng toh.
Parang gusto kong sumigaw at kalimutan kahit sandali lang ang mga bagay bagay..
Parang gusto kong umiyak at ipakita sa kanila na hindi ko na kaya..
Na kahit lalaki ako, may kahinaan din ako.....
At isang babae lang yun.
"Tara na. Magsisimula na ang klase.."
Umalis na ko, iniwan ko na si Rizette.. Di ko na talaga kayang makita o makasama pa sya, dahil lahat ng sakit sa loob ko, sya ang may dahilan..
Lahat ng pahirap sa buhay ko, sa kanya nagmula...
Pero hindi ko magawang kalabanin sya... Dahil alam nya ang nag-iisang kahinaan ko...
--------
Binukas ko ng malakas yung pinto ng room namin.. Parang gusto kong manapak.!
Nagtinginan sila, pero umiwas din nung nakita ako...
Gusto kong pumatay.. Gusto kong manakit.. Gusto kong---
Bigla kong naalala si Velvet. Ayokong makita nya ko ng ganito.. Ayokong makita nya kong nahihirapan.. At nagagalit..
Tumingin ako sa desk nya sa tabi ko.. Chemistry na kasi ang next na subject.
Napahinga ako ng malalim..
"Wala siya..." Buti naman.. Kinabahan ako dun.
Naupo ako sa desk ko....
*Dugdug*
Kinakabahan parin ako....
*Dugdug*
Ano nalang mukhang ihaharap ko sa kanya...?
BINABASA MO ANG
Doll house
Teen FictionVelvet's life has been tragic ever since her parents died. She thinks nobody cares, and nothing matters anymore. But what if there's someone who really does, but she's just too numb to feel it? And what if that someone is also too foolish to admit i...