Chapter 4

22 3 0
                                    


Yannie's POV

Lumipas ang ilang araw at bukas ay pasukan na. Haaayyyy pasukan na naman. Onga pala, nakakapag taka yung mga nakikita kong post sa twitter at facebook. Picture ni Kyungsoo, Chanyeol at Baekhyun na nasa Mall nina Sella. Nagtataka na ako. Pero nag babasa naman ako ng comments. Yung iba sabi hindi daw totoo yun wala daw ang EXO sa Pilipinas. Aynako!
False alarm lang naman ata to noh.

Hmmmm? Alam ko na! Tatawagan ko si Kyla! Baka kasi totoo nga.

*Calling Kyla..* sagutin mooooooo pleaseeeeeee

"Bes?!" sigaw ko sakanya

"Hmm?" mukhang bagong gising to ah.

"Bes! Nakikita mo ba yung mga nag popost sa facebook and Twitter ng picture nina Kyungsoo?"

"Huh? Hindi pa eh. Bakit anong meron?"

"Eh bes! Yung mga pictures nila, kuha don sa Mall nina Sella eh. Hindi kaya nandito talaga ang EXO? Ugghhhh besssssss!"

"Hindi yun totoo! Kung nandito man sila edi Sana trending na!"

"Huh.. Sabagay. Hayy!"

"Bes? Bye na ha. Antok pa kasi ako eh. Hehe see you tomorrow na lang okay?" at inend call na niya.

Pano ba? Masyado akong nagpapaka worried ah. Makapag gala na nga lang.

Naligo ako at nag bihis, bumaba na din ako ng kwarto at nadat anan ko si yaya.

"Yaya, aalis lang po ako ah. Pasabe na lang po kina Mommy at Daddy na nag gagala ako."

"Sige iha mag ingat ka ha." tumango ako at nag simulang naglakad palabas ng bahay namin.

Saan kaya makapunta? Hhhmmmm.. Sa coffee shop na nga lang.

—•—

Kyungsoo D.O's POV

Nandito ako ngayon sa hotel namin, kasalukuyan kaming nakain ngayon. Onga pala, shet yung mga kumalat na picture namin sa facebook at twitter ah! Kainis, pag nalaman yon ni manager paktay kami nina Chanyeol at Baek. Huhu! Tapos bukas pasukan na. Wala pa rin sina Luhan pano yun?

"Hoy D.O! Ano? Tititigan mo lang yang pagkain hanggang sa malusaw ganon?" napatingin naman ako kay Chen na nag tataka. Ay hindi ko pala ginagalaw hehe.

"Huh. Hindi naman. Eto na nga oh, kakain na." sabe ko sabay subo ng kanin.

"Onga pala mga bro, next week pa daw dating nina Luhan at Kai. Hindi na daw susunod yung tatlo." huh?! teka! pano yun?

"Huh? Edi tayo tayo na lang?"

"At tsaka bat next week pa sila, eh bukas pasukan na!" may galit Baek? may galit?

"Itatanong nyo sakin eh sinabe lang naman samin yan ni manager nung isang araw habang nasa mall kayo." at bigla naman napa ubo si Baek

"Pre bakit?" tanong ni Xuimin. Teka, yung isang araw nga pala ano! Hahahahaa may nakabanggan si Baek Ahahahaha! Tiningnan ko si Chanyeol at pilit ang tawa. Ahahahaha!

"Ah wala wala. Tapos nako. Dun lang ako sa salas ah." at tumayo siya sa kinauupuan niya at nag punta sa salas loko yun ah. Hahahaha!

"Anyare don?" tanong naman ni Chen

"Aba Ewan ko dun. Hahahah!" sabe ko at tinapos ang pagkain.

"Oh yan, dahil ikaw ang huling natapos ikaw ang magliligpit! Bleh!" sabe ni Xuimin kay Chanyeol. Napakamot na lang ng ulo Ito.

EXPECT the UNEXPECTED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon