Chapter 2: Katulong

78 6 0
                                    


Chapter 2: Katulong

"wifey,"

"wifey gising na"

Narandaman ko pa na may humawi-hawi sa buhok ko. kahit na nilalamon pa ako ng antok napadilat nalang ako, pag-kadilat ko halos manlaki yung mata ko sa nakita ko, dahil waaaa nandito si bret sa harapan ko. nag-mamadali tuloy akong pumunta sa Cr, shete baaka nakita nyang may tuyong laway sa mukha ko.

Pag-karating ko sa cr, napatingin agad ako sa salamin at lintek, dahil may tuyong laway nga sa mukha ko. pwede na ba akong kainin ng Lupa-NOW na!, grabeng kahihiyan 'to. Bakit ba siya nandoon tsaka ang aga niya pang nagising sa akin ha. nag-ayos lang ako sa sarili ko, bago ko puntuhan ulit si bret.

Pag-balik ko sa kwarto ko, nandoon pa din si bret. Hindi ko alam pero tawa siya ng tawa ng makita ako, sinamaan ko nga siya ng tingin. Siguro dahil sa bwiset na tuyong laway na'yun,

"Hoy anong tinatawa-tawa mo dyan?" mas lalo lang siyang natawa,

"Ganun ka pala matulog?, may tuyong laway. Haha ang panget mo pa din," sinamaan ko nga siya ng tingin. Naupo lang siya sa kama ko, tapos inikot-ikot niya pa'yung paningin niya sa kwarto ko. bigla ko na naman naalala yung mga pictures na nakalagay doon, halos huminto yung mundo ko dahil waaa, kahit na tanggalin ko'yun. its too late dahil nakita na'yun ni bret,

Natawa lang siya ulit, parang nag-init na naman yung pisngi ko. dahil dahil yung mga nakadikit sa pader ng kwarto ko, ay puro mga litrato niya. Ito yung panahon na fan-girl na fan-girl niya pa ako. Shete hindi ko akalain na makikita niya'yun,

"Ganun mo ba talaga ako kamahal?, hindi ko maisip na ganito yung kwarto mo. Puro gwapong mukha ko lang'yung naka-expose," ngumisi-ngisi pa siya, ang feelingero niya talaga,

"Bakit ka ba nandito? Sambit ko," bwiset feeling ko naasar ako sa kanya, bwiset kasi nakita niya pa 'yun, parang nahihiya tuloy ako. Hindi nga ako makatingin eh,

"kasi nandito ako, remember katulong nyo ko diba?" tumaaas-taas pa'yung kilay niya, napangisi naman siya.

"eh bakit ka pumunta sa kwarto ko?, baka magalit sila papa dito at mas lalo na si kuya kean, for sure magagalit'yun.." natawa lang ulit si bret, hindi ba siya kinakabahan?

"Wala naman sila eh, mas lalo na si kean at gusto kong pumunta sa kwarto mo. Gusto kong panoodin ka kung paano ka natutulog," omg, speechless na talaga ako sa bret na'to. Tumingin pa siya sa akin,

"Kaso ang panget mo palang matulog" tumawa pa siya ng malakas, yung tipong nang-aasar. Sinamaan ko nga siya ng tingin, kahit kailan mapang-asar pa din siya, epal talaga siya. Kailan ba siya magiging sweet sa akin?

"alam mo ang sama-sama mo sa akin, kailan ka ba magiging sweet ha?" napataas lang ng kilay yung bret na'to, "alam mo huwag kang magalit kung hindi ako sweet at hindi ako nagagandahan sa'yo, tandaan mo kahit ikaw pa ang pinakapanget na babae sa mundo, hindi pa rin mag-babago na ikaw pa din yung babaeng hahabol-habulin ko at ang iisang babaeng nag-pabago sa akin.." lumapit pa siya sa akin, bwiset hindi na talaga ako makapag-salita. Kanina nilalait niya ako ngayon, nag-pipick-upline na naman siya. Bipolar talaga.

Lumapit siya sa akin tsaka niya ako hinila. "Hoy wag ka nang kiligin sa sinabi ko, baka mahulog lang 'yang panty mo.." ngumisi-ngisi pa siya, binatukan ko nga siya. Feelingero talaga, bumaba nalang kami sa sala pag-katapos namin mag-usap ni bret.

Totoo nga 'yung sinabi niya na wala si mama, pati si kuya kean. So kaming dalawa lang yung nandito pati din si yaya?. Tinatanong ko pa si yaya kung nasaan sila kuya kean, kaso sinabi lang ni yaya na umalis sila mama kasi, kailangan nilang ayusin yung business ni papa. Remember nag-bakasyon lang sila at nag-extend lang'yung bakasyon nila. Inaayos na kasi ni papa yung pag-aaral ko,

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon