Chapter 9: Give me Love (Jayshin 's Special Chapter)

57 2 0
                                    


Chapter 9: Give me Love (Jayshin 's Special Chapter)

Short Update for Jayshin

         Nang makarating kami sa may resort, dumiretso kaagad kami ni ashley sa may kwarto namin, hindi ko alam pero sobrang tahimik ni ashley. Siguro kinakabahan siya, ang alam ko kasi sinisisi niya yung sarili niya sa nangyari kay kean. Siguro dahil hinanap siya nito, pero ano bang nangyari?

"ashley?" hinarap ko siya, tsaka ko hinawakan yung kamay niya. Para mawala yung kaba niya, ang seryoso niya kasi eh. Kasalukuyan na kaming nasa tapat ng kwarto nila kean,

"Huwag mong sisihin yung sarili mo," dag-dag ko pa. tumango nalang siya, ano ba kasi talagang nangyari kay kean. Pag-pasok palang namin sa loob, unusual nandoon na kaagad sila eris I mean silang lahat. Dumiretso agad kami papunta kay kean. Nandoon siya sa higaan, wala pa rin siyang malay.

"A-anong nangyari kay k-kuya?" parang naprapranning na naman si ashley. Sinubukan pakalmahin siya ni eris, "Don't blame yourself, hinanap ka kasi ni kean,"

"alam ko yung nangyari eris, nakita ko 'yun.." sagot naman ni vince,

"A-ah anong nangyari sa kanya?"

"hindi ko alam, kasi ang nakita ko nalang habang hinahanap niya si ashley, may lumapit sa kanya pero hindi ko alam kung sino at ano kasi nakamaskara 'yun, tapos nagulat ako ng hinampas si kean ng bato sa ulo kaya nawalan siya ng malay..." sambit ni vince, halos huminto naman yung mundo ko. anong ibig sabihin nito at bakit nangyayari 'to?

"Na-nakita mo pa ba siya?" tanong naman ni casey,

"I'm sorry pero mas inuna ko yung kapakanan ni kean kesa sa lalaking 'yun,"

"sa tingin mo bakit ginawa nila kay kean 'to?" napatigil naman silang bigla ng dumating si reece habang may hawak ito na sulat.

"Okay na ba siya eris?" sambit ni reece,

"Hindi pa siya okay, Ba't ngayon ka lang?" tanong pa ni jayde,

"May nag-bigay kasi sa akin ng sulat na'to, ewan ko pero ang weird, nakamaskara pa ng black. Hindi ko tuloy nakita yung itsura niya, tsaka nandito na pala yung doctor.." natigilan naman kaming lahat ulit, nakamaskara na black? Imposible pero malakas yung loob ko siya yung nag-hampas ng bato sa ulo ni kean,

"ano ngang sabi mo ulit reece?"sambit pa ni eris,

"sabi ko may nag-bigay sa akin ng sulat," agad ko naman kinuha yun kay reece, pag-kabasa ko palang sa sulat na 'yun. halos manlaki yung mata ko,

"shit naloko na," sambit ko agad naman akong lumabas baka kasi maabutan ko pa 'yung lalaki na 'yun. ang lakas ng loob niyang gawin 'to sa amin, sino ba siya?

Pag-kalabas ko, nakita ko kaagad yung lalaki na 'yun pero nakasakay na siya sa motor, kaya hindi ko siya naabutan. Humanda lang talaga siya kapag nalaman ko kung sino siya. Bumalik na kaagad ako sa kwarto ni kean, nakita ko pa rin nandoon sila. Ang tahimik nga nila eh, kitang-kita ko pa na hawak ni ashley yung letter na 'yun.

"May gustong pumatay sa akin? Bakit naman at sino naman yun," hindi ko alam pero parang natatakot si ashley. Napatingin naman ako kala bret, lalapitan niya na sana si ashley pero pinigilan ko siya. Ang lakas naman niyang lapitan pa si ashley, pag-katapos ng ginawa niya.

"huwag kang matakot ashley, ipapareport ko nalang sa pulis yung nangyari at isa pa, huwag mo nang isipin yun.." kinuha ko nalang sa kanya yung letter na 'yun tsaka ko binasa ulit.


       Ang sabi ko naman kasi sa'yo kean, huwag ka nang mangilam sa mga plano ko. ayan tuloy yung nangyari sa'yo, pabayaan mo na si ashley, hintayin nyo lang yung pag-hihiganti ko. hindi lang yan ashley ang mararanasan mo, patikim ko palang yan. Kaya mag-ingat-ingat ka na sa akin..

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon