Chapter 6: True Colors

51 4 0
                                    

Chapter 6: True Colors

"alam mo kanina pa ako nahihilo sa'yo eh, maupo ka nga dyan," 

napatingin ako bigla kay casey, pero hindi ko siya pinansin. Kanina pa talaga ako hindi mapakali eh, kaya lakad ako ng lakad. Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi ni bret, si kate bestfriend niya lang ba talaga siya?

"Oo nga naman, maupo ka lang dyan saglit. Tsaka sino ba kasi yung babae na kasama ni bret?" dag-dag pa ni eris, this time napaupo na ako sa tabi nila, kasalukuyang gabi na kasi tsaka kaming tatlong babae yung mag-kakasama sa isang kwarto. Sila bret ayun puro mga boys din sila sa isang kwarto,

"ayun nga yung dahilan kung bakit ako hindi mapakali, yung babaeng kasama kasi ni bret si kate. Hindi lang 'yun mag-bestfriend sila,"

"w-what?" gulat nilang sabi dalawa,

"Hindi ko akalain na may bestfriend pala si bret na babae, diba wala naman siyang nilalapitan sa school natin noon?"

"Oo nga tama ka eris, pero wala naman masama ashley, kung mag-kausap sila, huwag mong isipin 'yun.." napabuntong-hininga nalang ako,

"Iba kasi talaga yung kutob ko eh, sa babae na 'yun. lalo na sa mga tinginan niya sa akin, parang..ayaw niya sa akin," sagot ko naman sa kanila, hinawakan naman ni casey yung kamay ko.

"alam mo ashley, normal lang talaga 'yun at isa pa, mag-bestfriend sila ni bret. For sure nag-seselos yun. nangyari na din kasi sa akin 'yun," sinamaan naman ng tingin ni eris si casey,

"Shut up casey, ang sabihin mo lang nag-seselos siya kasi may gusto siya kay bret, hindi naman malabo 'yun eh.." natigilan na naman ako sa kanilang dalawa, maya-maya nag-katinginan sila.

"Manahimik ka na nga dyan, baka mag-isip pa ng kung ano si ashley eh.."

"Ha anong sabi mo?" hindi ko kasi narinig si eris eh ,ngumiti lang sa akin si eris,

"huwag mong masyadong isipin 'yung sinabi namin, baka mapranning ka lang eh at isa pa mag-hot bath ka nalang muna kaya?" sumunod nalang ako dito kay eris, siguro baka naprapranning lang talaga ako kay bret at lalo na sa kate na 'yun, eh kasi naman ang sexy at ang ganda niya..hindi lang 'yun mag-aaral pa siya ng doctor katulad ng course ni bret,

Pag-karating ko doon, ang swerte ko kasi walang tao kundi ako lang, makakapag-relax tuloy ako. pumunta na ako sa bathtub, at napapikit nalang ako dahil sa sarap ng mainit na tubig, wow relax na relax talaga ako.

Napatigil naman ako bigla ng marinig kong bumukas yung pintuan, waaa agad kong kinuha yung towel at nilagay ko sa katawan ko. shit, sino naman yung pumasok na 'to, hindi manlang sinabi at isa pa, pang-isahan lang kaya yung C.r na 'to, pero malaki yung baththub, pabilog kasi siya eh.

"Hoy..anong trip yan ha? ang bastos mo din noh, kitang may gumagamit na dito ng Restroom," hindi kasi ako nakatingin sa kanya, inaayos ko pa rin yung towel. Nakahubad pa naman ako, pag-kakita ko palang sa kanya halos manlaki na 'yun mata ko, hindi ko alam pero halos manigas yung katawan ko,

Bakit siya nandito?

"K-kate?" akala ko magugulat siya sa akin pero tumawa lang siya,

"Para naman na kakita ka ng multo dito, Matatakutin ka pala," tumawa pa siya, napatingin naman ako sa suot niya at nagulat na naman ulit ako, dahil na tatakpan lang yung katawan niya ng towel, waaa huwag niyang sasabihin na dito siya maliligo?

"Ba't ka nandito ha?" sambit ko,

"Kasi maliligo ako, bakit ayaw mo ba akong kasama?" napaiwas naman ako ng tingin sa kanya, feeling ko hindi na talaga ako makahinga, kasi naman kasama ko siya pero mukhang mabait naman siya,

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon