Chapter 8: Lost stars
Now Playing: Lost stars by: Jungkook (cover)
Hindi ko namalayan biglang nahulog yung frame, pero wala akong paki-alam. Nakatingin lang ako sa kanila, nang tawagin ko silang dalawa. Napatingin sila sa akin, parang gulat na gulat nga silang dalawa eh.
Tahimik lang ako dito, feeling ko maiiyak na ako sa nakita ko. nakita ko na palapit na yung mukha nila sa isa't-isa, paano kaya kung wala ako dito?. Posible nga bang mag-halikan sila, pero bakit naman?. May gusto ba si bret kay kate, pwede naman niyang sabihin sa akin kung ayaw niya. Hindi naman pwedeng gawin niya 'to sa akin, madali naman akong kausap eh. Pero hindi ko talaga kaya yung nakita ko, ang sakit parang dinudurog yung puso ko, hindi ko na din alam kung maihaharap ko pa si bret pag-katapos nito.
Tumalikod nalang ako sa kanila, kasi randam ko na yung mga luha ko. ang bigat sa pakirandam parang hindi na ako makahinga, paalis na sana ako kaso tinawag pa ako ni bret, si kate naman nakatingin lang sa akin.
"ashley.." sambit ni bret, mag-papaliwanag ba siya?, napaiwas lang ako ng tingin sa kanya. masyadong masakit yung ginawa niya sa akin,
"Bret, handa na yung pinag-kainan doon. Hinanap kita kasi kakain na, bumaba nalang kayong dalawa ni kate, mukha kasing may gagawin pa kayo tsaka mauna na ako," natigilan naman si bret sa sinabi ko, pero ngumiti lang ako ng pilit, malapit na kasing pumatak yung luha ko baka hindi ko pa kayanin, ayokong maipakitang umiiyak ako sa harapan nila. Tumalikod lang ako kay bret tsaka ako nag-lakad palayo sa kanila,
Nang makarating ako doon sa kitchen , nag-tataka pa sa akin si eris. Pero ang sabi ko naman okay lang ako, ayokong sabihin yung nangyari, mabuti nalang napigilan ko pa yung luha ko.
Iniwan na muna ako ni eris kasi tinawag siya ni casey, naiwan lang akong inaayos yung niluto ko para kay bret, akala ko hindi na ako maiiyak. Pero naalala ko na naman yung nakita ko, at doon ko na narandaman yung luhang gusto nang pumatak kanina pa,
Aish? Pinunasan ko nalang yung luha ko. naiinis ako, baka natuluan pa ng mga luha ko yung niluto kong adobo, napatalikod nalang ako tsaka ko kinuha yung towel. Pinunasan ko yung mga luha ko, naiiyak talaga ako. mas masakit pa pala yung mararandaman ko kay bret kesa kay jayshin, biruin mo nanliligaw palang sa akin si bret. Pero grabe na yung impact, grabe na yung impact kung paano niya ako saktan. Hindi mali pala ako, kahit noong panahon na Gusto ko na siya. Nasasaktan pa rin ako,
Akala ko Kapag Hawak ko na si bret, hindi na ako masasaktan ng ganito kasi alam kong masaya ako sa feeling ni bret. Hindi ko alam pero narealize ko lang, Minsan pala sa Pag-ibig kung sino pa 'yung dahilan ng Pagiging masaya mo. Siya din pala ang dahilan kung bakit umiiyak ka at nasasaktan ka,
"Woah, nag-luto 'to si ashley"
"Oo naman reece, "
Napatingin lang ako sa kanila, sakto naman dumating na din si bret pero kasama niya si kate, para na naman akong nasasaktan ng makita sila. Mag-kasama pa rin sila, pati ba naman dito. para naman natigilan silang lahat ng makita sila bret,
"Uy hi bret, kasama mo pala si kate?" tumango naman si bret, napatingin siya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin. Sila casey naman tahimik lang, sila jayde nga lang yung maingay at reece eh. Siguro dahil ang awkward,
Kumain nalang ako, balak ko na sanang alisin nalang yung niluto ko pero ang kulit talaga ng reece na'to,
"Bret, tikman mo naman yung adobo oh, si ashley nag-luto nyan para sa'yo,"
BINABASA MO ANG
She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)
RomanceAkala ni ashley once na naging sila na ni Bret. ang pinaka-ultimate Crush niya noon, magiging masaya na siya. dahil hindi na siya dito mag-hahabol pa, dahil na rin sa hindi na siya masasaktan pa. pero ayun lang ang akala niya. kasi after ng maging s...