Chapter 3: Summer Vacation?

95 4 1
                                    


Chapter 3: Summer Vacation?

Napalunok pa ako, what the hell?. Anong ginawa ko, ang sama pa rin ng tingin sa akin ni kuya kean. Hindi ko alam pero parang shocked na shocked talaga ako sa pang-yayari na'yun. eh kasi naman masisi ba ako ni kuya kean, natakot lang din ako tsaka bakit ba siya nag-susuot ng ganun?, hindi pa naman halloween ah,

Naupo lang ako. nakita ko pang napatayo si kuya kean tsaka ang sama ng tingin niya sa akin, waa pwede na ba talaga akong kainin ng lupa, nakakahiya. Bwiset na palabas kasi yung napanood namin ni bret kanina eh,

"Anong masamang espirito ha?" napalunok ulit ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. naalala ko kasi galit pa rin sa akin hanggang ngayon si kuya kean, remember ayaw niya ngang mag-paligaw ako kahit na payag na sa akin sila papa. Hindi niya nga ako pinapansin eh,

Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Ah k-kasi akala ko, masamang espirto ka, tsaka bakit ka ba kasi nag-susuot ng ganyan?" bakit ba ako hindi makatingin sa kanya, narinig ko naman na natawa sa akin si kuya.

"Eh kasi nagandahan ako sa palabas na scream kaya ayun, nag-try akong mag-suot hindi ko alam pero effective pala, feel na feel ko tuloy ako si scream," inirapan ko lang siya, naiinis ako kasi natakot ako sa kanya.

"anong trip yan ha? tsaka kuya bakit wala ka pala ha?, kanina pa kita hinahanap eh."

"Pumunta ako kala eris, actually nandito na nga sila mamaya. Kasi may pag-uusapan tayop," napataas lang 'yung kilay ko.

"ano naman 'yun ha?"

"tss, about sa pag-babakasyon natin tsaka hindi mo ba naisip na boring dito sa bahay," oo nga noh. Ayoko naman din na maging boring yung summer ko, usually naman kasi nag-babakasyon kami nila eris sa kung saan. Para tuloy ako excited kasi naman ito yung first summer na kasama ko sila kuya kean. Hindi lang'yun, waaa isasama ko din si bret.

"Oo nga noh, pero kuya sama si bret ha?" natigilan bigla si kuya kean sa sinabi ko. sabi na eh, bakit ba kasi ganyan siya kay bret.

"Uy kuya, diba tropa mo naman'yun si bret. Ba't ayaw mo ha?, for sure naman kasama din sila reece kasi kasama sila casey, remember mag-girlfriend at boyfriend na sila jayde at casey.." matagal na natahimik ulit si kuya bago siya nag-salita.

" pag-iisipan ko pa.." napangiti naman ako sa sinabi ni kuya pero maya-maya napatigil ako, iniwan niya na ako doon pero hinabol ko pa siya.

"Kuya ba't ganito kay bret ha?, tsaka kung tutuusin masaya kung kasama siya, hindi ko alam pero simula ng malaman mo na manliligaw sa akin si bret, masyado ka nang strict lalo na pag-pinag-uusapan natin si bret." Napatigil si kuya sa pag-lalakad tsaka siya tumingin sa akin.

"gusto mo ba talagang malaman kung bakit ang rude ko kay bret?" tumango lang ako sa kanya, ang seryoso na naman ng mukha niya.

"Kasi ayokong masaktan ka. Pinoprotektahan lang kita sa kanya at isa pa, ayoko din na maging kayo kasi tropa ko siya.."

"ano naman kung tropa mo siya?" may mali ba doon, napabuntong hininga pa si kuya.

"kasi once na saktan ka nya, hindi ko siya mapapatawad at ganito lang talaga ako. kasi kilala ko si bret, kahit na hindi ka pa niya saktan ngayon. magagawa niya pa din'yun, kaya sinasabi ko'to, kasi lalaki ako.." natigilan ako kay kuya, sasaktan ako ni bret pero bakit naman?.

"ayoko din masira yung friendship namin,"

"Kuya bakit kasi ayaw mo nalang na mag-tiwala sa ginagawa ko?" tinignan lang ako ng seryoso ni kuya, "alam mo kung bakit ayokong mag-tiwala sa ginagawa mo?, kasi ashley. Umiibig ka sa isang tao na hindi mo naman alam yung ibig sabihin ng salitang Pag-ibig.."

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon