She's Broken
Jenny
Hindi ko alam pero pag-dating sa pag-ibig siguro lahat naman, nagiging makasarili. isa na rin ako doon. Buong buhay ko may isang lalaki akong minahal ng sobra-sobra, yung tipong kahit na lagi akong nandyan sa tabi niya. hindi manlang niya ako makita. alam ko na masyado na akong desperada sa pag-ibig kaya kahit na hindi niya ako minahal. Gusto ko pa ring maituloy yung 'Fixed Marriage' namin. nung panahon na'yun iniisip ko na darating din yung panahon na matutunan niya akong mahalin, tanga na siguro pero ito lang ang nag-bibigay kasayahan sa akin.
Dahil sa Pag-mamahal ko sa kanya. dumating pa sa punto na Gusto ko nang pumatay ng isang tao, na alam kong magiging sagabal sa nag-hihintay na "Happy Ending" ko. lahat ginawa ko para mag-karoon ako ng Role sa buhay niya pero ang masakit doon. kahit kailan hindi ko manlang narandaman na minahal niya ako.
Ano pa ba ang kulang?
Bret
Mahirap kapag narealize mo na'yung halaga ng isang tao sa'yo
tapos nawala pa siya sa'yo. yung taong laging nandyan sa tabi mo. yung kahit na ilang beses mo na siyang sinaktan, hindi niya pa rin magawang sumuko dahil mahal ka niya.
Sinubukan kong kalimutan siya at nag-mahal ako ng ibang babae para makaimot na ako. pero hindi ko pala kaya. kada gabi hindi ko mapigilan na isipin siya, kung masaya na ba siya o kung anong nangyari na sa buhay niya. kung may mahal na ba siyang iba?
pero bakit ganun?
Ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin magawang makalimutansiya. akala ko matatapos na ang lahat sa amin pero hindi ko akalain na isang araw mag-kikita kami. tadhana ba talaga ang gumawa upang mag-kita kami? o baka naman nag-kita kami upang tanggapin sa isa't-isa na kailanganan na naming mag-paalam sa isa't-isa.
Habang tumatagal na nakikita ko siya, doon ko lang narerealize na siya pala talaga ang mahal ko..pero huli na,
Dahil kitang-kitang ko sa mata niya na masaya na siya sa iba.
Ipag-lalaban ko pa ba siya kahit na alam kong talo na ako?
Ashley
Sa buhay ko nag-mahal ako ng Dalawang tao. na umabot pa sa punto na kailangan ko nang pumili dahil kailangan isa lang ang taong mamahalin mo.
Pero kailangan pa ba 'yun?
Paano kung sabay mo silang minahal tapos hindi mo magawang iwan silang dalawa?. ayun yung naging sistema ng Love story ko. noong tatlong taon. pero hindi ko akalain na biglang mag-babago ulit yung buhay ko.
Minahal ko siya ng sobra, lahat naman ginawa ko para mag-tagal yung isang relasyon namin. dahil ayokong sumuko kahit na minsan may mga pag-subok na dumadating sa amin. pero habang tumatagal kapag tinitignan ko siya sa mga mata niya.
Nakakarandam ako ng parang nabubuhay ako sa isang malaking Kasinungalingan...hindi ko alam tapos minsan parang naiisip ko na may isang malaking 'Missing Puzzle'. sa buhay ko na hindi ko mabuo, na hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa isang araw, hindi ko akalain na may isang taong babalik at babaguhin ang aking buhay.
Bakit pa siya bumalik upang manggulo o
upang malaman ang buong katotohanan sa buhay ko?
Jayshin
Ang buhay ko noon ay umiikot lang sa mga babae. hindi ko alam pero hindi ko talaga magawang makuntento sa kanila. may Girlfriend na ako noon pero masyado na akong nasasakal kaya naman iniwan ko na siya. hanggang sa isang araw biglang may isang babaeng nag-parandam sa akin ng Kakaiba.
Minahal ko siya ng sobra-sobra. yung tipong halos lahat ibigay ko na, naalala ko pa nga na sa sobrang mahal ko siya. lumuhod pa ako at nag-makaawa para lang huwag nya akong iwanan pero hindi ko akalain na.
Iiwanan din niya ako.
Akala ko matatapos na ang lahat sa amin. pero mukhang pinag-lalaruan yata kami ng tadhana eh. kasi naman nag-karoon ako ng Pag-kakataon upang mahalin niya ako. Everything is Perfect between us.
Pero
Dahil sa pag-babalik niya. bigla na naman gumulo ang lahat, nag-paraya man ako noon parasa kanilang 'Happy Ending'. pero ngayon hindi ko na hahayaan yung sarili ko na masaktan pa ulit.
Selfish na nga siguro pero Hindi ko na siya papakawalan pa.
April 1, 2016
BINABASA MO ANG
She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)
Roman d'amourAkala ni ashley once na naging sila na ni Bret. ang pinaka-ultimate Crush niya noon, magiging masaya na siya. dahil hindi na siya dito mag-hahabol pa, dahil na rin sa hindi na siya masasaktan pa. pero ayun lang ang akala niya. kasi after ng maging s...