Chapter 5: Bestfriend niya lang daw?

61 4 0
                                    



Chapter 5: Bestfriend niya lang daw?

Ashley 's Point of View

Ang awkward, hindi ko maisip na dadating dito si jayshin, si reece pala yung nag-invite sa kanya dito, pero bakit naman?. Hindi ko alam pero parang naiilang talaga ako, kasi naman nandito si jayshin pati rin si bret, si jayshin na Ex-boyfriend ko, at si bret na nanliligaw sa akin.

Buong byahe nga tahimik lang ako eh, tapos sila reece ang iingay, nang makadating naman kami sa lugar na'to, napahanga kaagad ako dahil sa ganda.

"Mga pre, 7:30 na oh, ayos na ba 'yang iniihaw mo?" sambit ni reece, kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan. Nandito kami sa labas kasi mag-luluto kami ng dinner namin, habang sila bret naman nag-iihaw, sila casey binabantayan yng sinaing. Wala naman akong matulong kasi hindi ako marunong, hehe

"malapit na 'to reece, tsaka bakit ka ba excited ha?" sambit naman ni vince, busy kasi ang lahat. Tapos kami lang ni vince at jayde yung walang ginagawa, si jayshin ayun nag-iihaw din. Kasama naman si kuya kean, mabuti nalang talaga hindi alam ni kuya kean na naging kami ni jayshin, kasi for sure. Malaki na yung galit niya kay jayshin lalo na ilang beses din akong umiyak sa kanya.

Simula ng hiniwalayan ako ni jayshin, at nag-paraya siya sa amin ni bret. Hindi ko na siya nakita maski ang nakausap, kaya nga nahihiya pa din ako sa kanya ngayon, kamusta na kaya siya ngayon?. sana naman okey na siya,

"Mga ugok, excited ako kasi mag-kakaraoke tayo mamaya.." sagot ulit ni reece,

"ashley," napatigil ako sa pag-iisip ko ng tawagin ako ni bret, lumapit naman ako sa kanya.

"Bakit ha?" ngumiti pa siya sa akin,

"tikman mo 'tong barbeque," kukuhanin ko na sana 'yun kaso yung bret na'to, sinubuan ako. waaa ang PDA namin, namula tuloy ako. hindi ko alam pero nakita ko si jayshin na nakatingin sa amin, nang mahuli niya akong nakatingin nag-iwas agad siya ng tingin. Shit, ang awkward talaga, bwiset kasi yung bret na'to eh.

"Masarap ba?" ngumisi-ngisi pa siya, ngumiti nalang ako.

"Oo naman bret, lagi naman masarap yung luto mo eh," ngumiti lang ako ng pilit sa kanya, hindi ko talaga feel yung aura dito kasi nandito si jayshin, nag-paalam nalang ulit ako kay bret na babalik na ako sa upuan ko.

-----*

"Omg! Ang ganda naman talaga dito reece," sambit ni casey, ako rin parang naiignorante na talaga ako sa lugar dito. Kasalukuyan na kaming mag-vivideoke, tapos na din kasi kaming kumain.

May swimming pool doon tapos, may videoke. May ilaw nga rin na parang pang-disco, meron din ditong mga tao puro mga naka swimwear ang dami ngang sexy at ang gaganda, ako naman ayun nakadamit lang ako ng dress, bwiset kasi yung bret na'to. ayaw niya akong pasuotin ng swimwear, para tuloy naligaw lang ako sa lugar na 'to,

Nakaupo lang kami sa isang table, malaki kasi yung lugar na'to kaya malayo-layo pa rin yung pwesto namin sa swimming pool, madami doong table kaya hiwa-hiwalay kami, pero nasa likod ko lang si casey, jayde at reece. Si kuya kean at eris ang mag-kasama, si jayshin ayun kasama si vince nag-swiswimming sila ,sa ngayon si bret yung kasama ko.

"Hoy reece, kumanta ka na oh," sambit ni casey, tumayo na si reece, siya na kasi yung kakanta. Nag-play na yung music: Heaven by: bryan adams,

Napatingin nalang ako kay bret, ngumiti pa siya sa akin.

"ang ganda dito noh?" sambit ko, tumango lang siya sa akin.

"Oo ang ganda dito, you know what ashley? Masaya ako kasi pinayagan na tayo ni kean, hindi ko talaga sasayangin yung chances na 'yun,"

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon