Chapter 7: Operation:IKKNMMASASK

54 4 0
                                        


Chapter 7: Operation:IKKNMMASASK

    Napatingin ako sa salamin, masyadong makapal yung make-up ko, argh! Pero mukhang okay na'to kasi mas narealize ko lang na mas gumaganda ako kapag makapal yung make-up. Tsaka para kapag nag-tanong sila ang sasabihin ko nalang natural beauty ko lang 'to. wahaha! Excited na tuloy ako, I can wait na makita ako ni kate ng ganito.

Tinignan ko din yung damit ko, tsaka ako napangiti. Mabuti nalang talaga dala ko yung damit ko na'to, mukha tuloy akong sosyal at mas mayaman kung ipag-kukumpara kay kate. Nag-lakad na ako palabas,

Hindi ko alam umaga palang pero madami ng tao sa resort, hinanap ko pa kung nasaan si kate pero hindi ko siya nakita sa pool kaya dumiretso na ako doon sa pwesto namin, kapag kakain na kami.

Habang nag-lalakad ako hindi ko alam pero lahat talaga nakatingin sa akin. Taray all eyes on me, feeling ko tuloy artista ako. but anyway hindi ko sila pinansin, ipupush ko talaga ng bongga 'yung operation:IKKNMMASASK, hindi ko maisip na kahit na nanliligaw na sa akin si bret, makakagawa na naman ako ng bagong operation ko. paalis na sana ako kaso narinig ko ulit yung mga lalaki na nag-salita.

"What the heck? Sino ba yung babae na 'yan,"

"Dude I think he's gay, itsura palang naman eh.."

"Kinikilabutan ako,"

Sapakin ko na sila eh, ako bakla? Mga mukha nila. Napatingin ulit ako sa kanila at pinandilatan ko sila ng mata ko. natawa pa ako ng makitang halos parang nakakita sila ng multo, napatakbo nga sila eh. Nang malapit na ako sa pwesto namin nila reece, halos lumawak yung ngiti ko. nakita ko din si bret na nakaupo, siguro mag-aalmusal palang sila. Mabuti naman nagising kaagad ako ng umaga, lumapit nga ako sa kanila,

"hi eris at casey, Good morning!" sambit ko napatingin naman silang lahat sa akin, hindi ko alam pero nagulat sila ng makita ako. para ngang nakakita sila ng multo eh,

"S-sino ka ha?" lumapit naman sa akin si kuya kean, kaya napangiti pa ako.

"Hello kuya kean?" hindi ko alam pero ang sama ng tingin niya sa akin, luh problema niya?

"Sino ka ha? at ang lakas mo naman tawaging kuya kean ako," hinawakan ko pa 'yung kamay ni kuya kean..mag-sasalita na sana ako kaso hindi ko na naituloy dahil sinuntok na ako ni kuya, ng sobrang lakas sa mukha. Agad akong napahiga sa sahig,

"Ouch! Ang sakit.." napatingin ulit ako sa kanila, feeling ko ng sinuntok ako ni kuya kean sa mukha, halos mabungal na yung ngipin ko. ano bang problema nila?


"ano bang trip mo ha?" naiinis ako bigla kay kuya kean, ang sama na naman ng tingin niya sa amin, lumapit naman sa amin sila reece at si bret.

"Anong nangyari kean?" tanong ni reece,

"Bwiset na bakla kasi 'to eh, nilalandi ako..." waaa natigilan ako bigla, ibig sabihin akala ni kuya kean bakla ako..pero ako 'to, ako 'to si ashley.feel ko tuloy maiiyak na ako eh, ang sakit ng panga ko. napaupo ako bigla, napatingin ako kala reece habang nakahawak ako sa panga ko, nakatingin din sila sa akin. maya-maya napatigil sila,

"Teka kean, Hindi siya bakla"

"Teka...parang familiar ka sa akin?"

Napatahimik lang sila ng matagal tsaka nag-katinginan,

"Kean..mali ka ng akala dahil..."

"ASHLEY?!" Gulat na gulat silang lahat ng makita ako, mabuti naman narealize na nila na ako nga si ashley pero ouch ang sakit ng mukha ko. bakla pa talaga ang inakala nila sa akin,

She's Broken (Season 2: 7-days to fall in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon